MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 51 ( Preserved )
Story nina Sky and Taira sa Search ninyo sa
stories ko."University Princes"-book 1
"My Trip Buddy"-book 2
Sana sa "University Princes" kayo magsimula
para mas makilala ninyo sina Sky at Taira.Unedited...
Umuwi sila na tulala si Sky at hindi nila
makausap. Panay rin ang hingi ng tawad ni
Amanda sa mag-asawa pero hindi siya
kinikibo ni Taira hanggang sa nakarating sila
sa bahay.
Lahat ay tahimik na naupo sa sala. Si Seola
ay nasa mga mata pa rin ang labis na
pagtataka.
Naupo si Amanda sa harapan ng
magpamilya. Bahala na kung sigawan o
ipagtabuyan siya ng mga ito basta
maipaliwanag niya ang side niya.
"T-Tita Amanda? Naguguluhan po ako," wika
ni Dust na unang bumasag sa katahimikan
nilang lahat. Napasulyap siya kay Ash na
nakaupo sa kandungan ni Seola. "C-Could
you please, explain to us kung bakit naging
kakambal namin si Ash?"
Napabuntonghininga si Amanda bago
magsalita. "Alam naman ninyong naging
kami ng ama ninyo," panimula ni Amanda.
"Galit ang daddy ko nang malaman niyang--
well? H-Hindi si Sky ang mapapangasawa
ko. Naipakilala ko na kasi si Sky sa kanila and
they were eager na maikasal kami ni Sky
that time. It was a bad news sa side nila na
kay Taira magpapakasal ang ama ninyo.
Kahit na anong paliwanag ko, hindi niya
matatanggap na iyon nga ang nangyari. He
t-thought na n-niloko ako ni Sky."
Napalunok si Amanda ng laway. Parang
ganoon na nga siguro pero sadyang hindi
lang sila ang nakatadhana ni Sky. "Kakatapos
lang ng kasal namin ng husband ko nang
ipaalam ni Dad na he took a specimen from
your parents."
Doon na napatingin si Sky sa kaniya na para
pang bumalik na sa realidad.
"Nang magbigay ng sperm cell si Sky at egg
cell si Taira, kaibigan ni Daddy ang isa sa
mga doctors na magsasagawa ng IVF.
Itinago niya iyon sa sperm cell bank at egg
cell bank sa ibang bansa. It was an X
bearing sperm which means na magbibigay
ng XX chromosome sa baby para maging
babae," paliwanag niya pero nakakunot pa
rin ang noo ng magkapatid kaya
ipinagpatuloy niya ang pagkukuwento.
"Sa lahat ng sperm, ito lang ang
makapagbigay ng X chromosome sa egg cell
ni Taira. Ang anim ay Y chromosomes na
kaya puro lalaki kayong anim. That was his
best way para makapaghigante kay Sky."
"A-Ano ang kinalaman ng nanay ko rito?"
tanong ni Seola nang hindi na makatiis.
"Tauhan ni Daddy si Melanie. Same blood
type lang sila ni Taira kaya pasok pa rin siya
sa criteria bilang maging surrogate mother.
Nagawan ng paraan ng kaibigan ni Dad ang
kalagayan niyang kakapanganak lang. Kaya
nawala siya ilang months after na isilang si
Clouds dahil siya pa rin ang magdadalang-
tao kay Ash dahil ayaw na ni Dad na kumuha
pa ng ibang babae para kaunti lang ang
nakakaalam ng gagawin nila," sagot ni
Amanda kaya napahilamos si Sky sa mukha.
"Bakit ang bata pa ni Ash?" tanong ni Clouds
na hindi pumapasok sa utak niya ang
pinagsasabi ni Amanda. Basta pagkapatid
sila ni Ash, tapos.
"Preserved specimen nga si Ash na itinago
sa sperm at egg cell bank sa ibang bansa at
after ng ilang taon, saka pa lang nila binuo
si Ash. Sinadya ng ama ko ang lahat para
hindi kayo makahalata o makapag-isip kung
sakaling makasalubong ninyo si Ash."
"So? Alam mo na pala na may buhay akong
anak na babae pero ngayon mo lang
sinabi?" singhal ni Sky nang tuluyan nang
bumalik ang diwa niya. "Paano mo nagawa
ito sa akin, Amanda? Akala ko ba, okay na
tayo?" sumbat ni Sky na galit na galit sa
dating kasintahan.
"Hindi ko alam na naging successful ang
plano ni Daddy. Bago kami tumungo sa
ibang bansa ng asawa ko, nakiusap ako kay
Melanie na kapag matuloy ang binabalak ng
ama ko, Astray Czarina ang ipapangalan niya
para malaman ko kaagad na siya ang anak
ninyo ni Taira dahil ang kahulugan ng
pangalan niya ay Lost Empress. My dad told
me na hindi na niya itinuloy ang plano kaya
kampante akong wala na talaga at ilibing na
lang sa limot ang lahat until I saw her.
Unang kita ko pa lang kay Ash, malakas na
ang kutob kong anak ninyo siya ni Taira
that's why nakiusap ako na ipa-DNA ang
tatlo."
Tumulo ang mga luha ni Sky nang na-absorb
na ang lahat ng nangyayari. May anak siyang
babae at si Ash iyon. Hindi iyon biro lang.
Totoong nakabuo talaga sila ng babae ni
Taira.
"S-Sana mapatawad ninyo ako," malungkot
na sabi ni Amanda. Kung hindi dahil sa
kaniya, hindi sana magkakaganito si Sky.
Sana mas nakasama pa nila nang matagal si
Ash.
"B-Bakit may masamang tao katulad ng ama
mo?" umiiyak na sabi ni Taira. Kahit siya,
pinangarap din niya na magkaroon ng anak
na babae. Hindi lang siya umiimik dahil ayaw
niyang dagdagan ang frustration ni Sky.
Masaya naman siya sa anim na lalaki pero
kapag mabigyan sila ng babae, sobrang
laking blessing na iyon para sa kanilang
mag-asawa.
"A-Ako na ang humihingi ng kapatawaran
para sa ama ko," sabi ni Amanda.
"Matagal nang namayapa ang daddy mo
kaya tama na iyon. Ang mahalaga, anak ko si
Ash," wika ni Sky saka tumayo at kinuha si
Ash kay Seola. "P-Puwede ko bang mayakap
ang munting prinsesa ko?" luhaang sabi ni
Sky at lumuhod sa harapan ni Astray
Czarina.
Umiiyak na pinakawalan ni Seola si Ash kaya
mahigpit na niyakap ito ni Sky.
"D-Daddy Sky?" sabi ni Ash na gumanti sa
yakap ng ama. Wala man siyang
maintindihan sa mga nangyayari, pero
masaya siya sa nalamang ito ang tunay
niyang ama.
"A-Ash? Anak ko. Ako nga ang daddy mo,"
sabi ni Sky at pinahidan ang mga luha.
Tumayo si Taira at luhaang niyakap din ang
anak. Masaya siya dahil dininig ng Diyos ang
matagal na nilang pinanalangin pero alam
niyang wala nang hihigit pa sa kaligayahan ni
Sky ngayon. Umiiyak ito pero
nangingibabaw ang labis na kasiyahan sa
mga mata. Masaya siya. Pero mas masaya
siya para sa mag-ama niya.
"Ang allowance natin," bulong ni Star sa
mga kapatid.
"Kunin na natin bago pa tayo makalimutan
ng daddy," ani Dust.
"Oo nga. Baka makalimutan na niyang may
mga lalaki siyang anak," segunda ni Matter.
"Kayong anim!" galit na tawag ni Sky kaya
sabay na napatayo ang anim.
"Biro lang, Dad," nakangiting sabi ni Star.
"Ang totoo niyan, masaya talaga kami dahil
nakauwi na si Princess sa atin."
Lumapit sila sa mga magulang at nag-family
hug.
Nakatingin lang si Seola sa buong pamilya ni
Clouds. Masaya sila. Tumayo siya at
lumabas. Hindi naman siya kasali sa pamilya
pero masaya siya para sa kapatid.
"A-Ate Seola?" tawag ni Ash kaya napatigil
siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon
sa kapatid.
Pinakawalan ng magpamilya si Ash kaya
tumakbo ito palapit kay Seola.
"A-Ate Seola?" umiiyak na sabi ni Ash.
"Uuwi na po ba tayo?"
Mas lalong tumulo ang mga luha ni Seola.
Hindi niya kayang iwan si Ash sa mga
Villafuerte pero dito talaga ang tunay nitong
tahanan.
"D-Dito ka lang, Ash. Sila ang tunay mong
p-pamilya. Sila na ang mag-aaruga sa 'yo,"
umiiyak na sagot ni Seola.
Lumapit si Ash sa harapan niya saka umiiyak
na tumingala sa kaniya. "I-Iiwan mo ba ako?
A-Ate Seola? S-Sasama ako sa 'yo."
Naupo si Seola na naka-squatting position
saka hinawakan ang magkabilang balikat ni
Ash. "Dito ka lang. Na-miss ka nila. M-
Matagal na rin kayong hindi nagkasama.
Marami silang laruan saka masarap din ang
pagkain nila rito." Masuyong pinahidan niya
ang mga luha ng batang humihikbi. "S-Sila
talaga ang tunay mong pamilya."
Niyakap ni Ash si Seola. "P-Pero ikaw lang
ang Ate Seola ko. H-Huwag mo akong iwan,
ate. G-Gusto kitang makasama."
"S-Sorry, Ash. Dalaw-dalawin na lang kita
rito, okay?" sabi niya saka tumayo at
pinahidan ang mga luha. "Magkikita pa
naman tayo. Araw-araw kitang dalawin
kapag gusto mo. Tawag ka lang."
Nilagpasan na niya ang umiiyak na kapatid
pero napabalik siya nang may humatak sa
kamay niya at napasubsob sa malapad na
dibdib nito.
"Tahan na, tama na ang drama, pango."
"C-Clouds..." humihikbing sabi ni Seola.
"Gusto ko ring mabuo ang mga kapatid ko
sa sinapupunan," mahinang sabi ni Clouds at
niyakap si Seola. "Magkapatid pa rin tayong
tatlo sa sinapupunan ni Nanay Melanie."
"P-Pero malaki ang kasalanan ng nanay ko
sa pamilya ninyo," luhaang sabi ni Seola.
Mabait ang nanay niya at mabuting ina sa
kaniya pero hindi niya akalaing masama pala
ang nagawa nito sa pamilya ni Clouds.
"Tapos na iyon, Seola. Ang mahalaga,
inalagaan at binuhay niya tayo habang nasa
sinapupunan pa niya tayo. Hindi basta-basta
ang magsilang ng bata. Habang isinisilang
niya tayo, nasa ilalim din ng hukay ang mga
paa niya. Sapat na iyon para magpasalamat
ako sa kaniya."
Mas lalong umiyak si Seola at mahigpit na
niyalap si Clouds.
"U-Ulap..."
"Tahan na. Magiging bahagi ka rin ng
pamilya namin dahil papakasalan kita,
Seola."
"H-Hindi ko alam kung paano kayo
pasalamatan sa kabutihan ninyo," sabi ni
Seola at hinayaan si Clouds na pahidan ang
mga luha niyang walang katapusang
umaagos mula sa kaniyang mga mata.
Ngumiti si Clouds at hinawakan ang
magkabilang pisngi ni Seola. "Pakasalan mo
lang ako, sapat na sa amin."
Ngumiti si Seola at napailing. "Hindi ka ba
talaga matatapos sa kasal na 'yan, Ulap?"
"Hindi. I told you, gagawin kitang
Villafuerte."
"Ehem. Kain na tayo," yaya ni Taira. Nasa
dining room na ang iba kaya hinila na ni
Clouds si Seola. Nagpaalam na rin si Amanda
na umuwi dahil kanina pa naghihintay ang
anak niya.
"Tita? Isama mo naman po minsan si
Samantha para mas makilala pa namin,"
pahabol ni Clouds.
"Sure," nakangiting sagot ni Amanda bago
tuluyang lumabas sa pinto ng mga
Villafuerte.
Masaya silang kumakain habang nag-uusap.
Si Sky naman ay todo asikaso kay Ash na
nasa tabi nito.
"Kain ka pa, 'nak," sabi ni Sky na nakatitig sa
mukha ng anak na maganang kumakain.
"Daddy Sky? Kain ka na rin po," sabi ni Ash
at nginitian ang ama.
"Mamaya na. Hindi pa ako nagsasawang
pagmasdan ka," sagot ni Sky.
"Malulusaw si princess, Dad," ani Star na
nakangiti. Nakakatuwa lang tingnan ng ama
nila. Masayahin naman talaga ang ama nila
pero may mas ikasasaya pa pala ang mukha
nito.
"Dad? Ang allowance ho namin, isa-
shopping namin si Baby Ash bukas," paalala
ni Moon. Sa halip na gagala, ipapasyal na
lang nila si Ash bukas para ibili ng lahat ng
gusto nito tapos sa December, magdi-
Disneyland sila.
"Hanggang ngayon, hindi pa rin ako
makapaniwalang may princess ang galaxy
natin, babymine," saad ni Sky saka matamis
na ngumiti sa asawa. Gusto man niyang
sumeryoso pero ayaw mapalis ang ngiti sa
mga labi niya. "At ang ganda pa niya."
Ngumiti si Taira. "Ako rin. Mamayang gabi,
sa kuwarto ka namin matutulog, baby Ash,
ha."
Napatingin ang anim kay Sky na natigilan sa
sinabi ni Taira pero agad naman itong
nakabawi.
"Oo nga. Sa amin ka tumabi mamayang
gabi, Baby Ash," segunda ni Sky kaya sabay
na nakahinga nang maayos ang anim na
binata.
"Bata pa 'yan si Ash, makakalusot pa rin 'yan
si Dad mamayang gabi," bulong ni Clouds
pero napalakas yata kaya nagbabaga ang
mga matang hinarap sila ng ama. Anim sila
kaya madalas na may magigising na isa sa
kanila tuwing hating-gabi noon at nahuhuli
nilang may ginagawang milagro ang mga
magulang. Kaya ang ginawa ng ama,
pinagawan na sila ng kani-kanilang kuwarto.
Nang magbibinata na sila, saka lang nila
naunawaan kung ano ang ginagawa ng mga
magulang sa tuwing inaakala ng mga itong
natutulog na silang anim.A/n:
Kung may mali man po ako, paki-correct na
lang po kasama na ang tamang correction.Question:
1.Possible ba ito sa "real world"?
Ans: Yes. Meron tayong sperm and egg cell
bank. Puwede kang magpatago ng sperm or
egg cell kapag gusto mong makasigurado.
For example, ooperahan ang lalaki sa testes
o ang babae naman sa ovary o uterus.
Siyempre, mawawalan na sila ng kakayahang
magbigay ng baby sa asawa nila. Before the
procedure, puwede silang makakuha ng
sperm o egg cell para kapag gusto nilang
magkaanak balang araw, may healthy cells
sila.Ang babae kasi, may XX chromosomes at
lalaki naman ay XY.
So, kung ang X ng lalaki ay mag-unite sa X
chorosome ng babae, ibig sabihin, babae
ang anak nila. Pero kapag ang Y naman ang
mag-unite sa X ng babae, lalaki ang anak
nila.XX-girl
XY-boy.
So, nakasalalay sa chromosome ng boys ang
gender ng anak ninyo kasi tayong mga
babae, automatic na X ang naibibigay natin.
Gets na lang ninyo kasi hindi talaga ako
magaling sa explanation. Huwag ninyo akong
i-stress. Hehehe.
