MY UNIDEAL GIRLby: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 47
Unedited....
"Next school year, papasok ka na," sabi ni
Clouds kay Seola.
"Hmm? Excited na nga ako," nakangiting
sagot ng dalaga. Hindi na nila pinag-usapan
pa ang nangyari kahapon dahil umiiwas si
Clouds. Ang sabi ni Clouds, ito na raw ang
bahala sa lahat kaya nanahimik na siya. May
tiwala naman siya rito.
"Mabuti. Gusto kong makapagtapos ka at
matupad mo ang lahat ng pangarap mo,"
sabi ni Clouds habang nagmamaneho.
"Salamat, Ulap," pasalamat ni Seola.
"Salamat saan?"
"Sa lahat. Kasi nakilala ka namin ni Ash,"
sagot ni Seola at napatingin sa unahang
kalsada. Hindi gaanong traffic ngayon kaya
medyo matulin ang pagpatakbo ng sasakyan
ng binata.
"Kahit hindi ko kayo nakilala, magkakilala
naman tayo dahil magkapatid naman tayo,"
sagot ni Clouds at sinulyapan si Seola.
"Destiny tawag diyan."
Ngumiti si Seola, "Destiny ka riyan.
Naniniwala ka ba roon?"
"Hindi," sagot ni Clouds na nag-U-turn.
"Pero nang makilala kita, parang gusto ko
nang maniwala na totoo nga ang destiny,"
dagdag ni Clouds.
"Love is blind," ani Seola at hinarap ang
binata. "Sa kaso natin, love is blind."
Tumigil si Clouds nang mag-red light. "Hindi
ako naniniwala sa love is blind."
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Seola. Alam
naman niyang pangit siya at guwapo ito.
Mahirap siya at mayaman ito. Sikat ito at
tindera lang siya ng pancit canton at kikiam.
"Kasi nakikita kita. Nang binuksan ko ang
mga mata ng puso ko, saka ko lang
napagtanto na mahal na pala kita," sagot ni
Clouds kaya tumawa si Seola. "Bakit ka
tumatawa?"
"K-Kasi--" Napahawak siya sa tiyan dahil sa
pagkatawa. "Hindi ko akalaing ganito ka ka-
romantic at sweet."
Napahampas si Clouds sa manibela.
"Iniinsulto mo ba ako, pango?"
Umiling si Seola. "Hindi a. Honest lang ako.
Hindi ko talaga naisip na ganito ka ka-sweet
at mapagmahal."
Sumeryoso si Clouds at muling pinaandar
ang sasakyan nang mag-green light. "Hindi
ko rin naman naisip na maging ganito ako
ka-corny," mahinang sabi ni Clouds.
"Pero nakaka-inlove ka," ani Seola kaya
napasulyap na naman si Clouds sa kaniya.
"Gusto kong ganito ka palagi sa akin."
"Dami mong demands," sabi ni Clouds at
binilisan na ang pagpatakbo nang malapit na
sila sa villa.
"Clouds? Ano ang sabi ng mga magulang
mo tungkol sa sagot mo kahapon sa
reporters?" nahihiyang tanong ni Seola. Baka
palapit pa lang siya, isasara na ng mga
Villafuerte ang pinto para sa kaniya.
"Hindi ko pa alam. Kay Luke ako dumiretso
kahapon," sagot ni Clouds kaya nanlaki ang
mga mata ni Seola at agad na tinanggal ang
seatbelt.
"U-Uwi na ako."
"Seola naman, malapit na tayo."
"C-Couds? Ayaw kong tumuloy. P-Paano
kung magalit sila sa akin? P-Paano kung
isumpa nila ako? P-Paano kung--"
"Calm down," mahinahong sabi ni Clouds at
hinawakan siya sa kamay habang ang isang
kamay ay nagmamaneho. "Kahit ano pa ang
sabihin nila, hindi magbabago ang pagtingin
ko sa 'yo. Ikaw ang mahal ko at ipaglaban
ko iyan."
Medyo huminahon si Seola nang
maramdaman ang pagpisil ni Clouds sa
kamay niya. Tama. Wala namang mawawala
sa kaniya kapag sumugal siya. Tutal,
nagsimula naman sila ni Astray Czarina sa
wala.
Habang papasok na sila sa gate ng villa, mas
lalong sumisigabong ang dibdib niya sa
kaba. Ah, bahala na. Kasama naman niya si
Clouds kaya lahat ay magiging magaan.
Nang makarating na sila sa mansion ng mga
magulang ni Clouds, mahigpit na hinawakan
ng binata ang kamay niya bago sila pumasok
sa pinto.
"Huwag kang matakot. Matakot ka kung
makalimot ulit ako," nakangiting sabi ni
Clouds kaya dahan-dahang sumilay ang mga
ngiti sa mga labi ni Seola.
"Ate!" tili ni Ash at patakbong lumapit sa
kaniya saka niyakap siya. "Look oh, marami
akong toys. Pumunta kami kahapon sa
factory ni Daddy Sky, ang daming toys,"
masayang pagkukuwento ni Ash habang
nakatingala sa kaniya.
"Good," sabi ni Seola at tinap ang ulo ng
kapatid. Ngayon lang naging masaya si
Astray Czarina ng ganito. Minsan, nagu-
guilty siya dahil hindi niya ito nabigay noon.
Iba ang kasiyahan ng kapatid niya ngayong
nandito ito sa mga Villafuerte kaysa noong
sila lang. Siguro dahil dito na nito
natagpuan ang pagmamahal ng mga
magulang na matagal nang inaasam.
"Hali ka na, princess," tawag ni Moon.
"Saan kayo pupunta?" tanong ni Clouds.
"Swimming," sagot ni Star at binuhat ang
batang tumakbo palapit sa kaniya. "Tuturuan
namin si Ash na lumangoy. Wann join with
us?"
"No, thanks," tanggi ni Clouds na hawak pa
rin ang kamay ni Seola.
"Mukhang mas magiging masaya si Gurang
Sky ngayon ah," makahulugang sabi ni Moon
na napatingin sa magkahawak-kamay ng
magkasintahan.
"Binata ka na talaga, Ulap!" nakangising sabi
ni Dust na papalapit din sa kanila. Naka-
swimming trunks na ito. "Salamat at hindi
na kami ma-pressure na mag-asawa at
manganak ng babae."
"True," pagsang-ayon ni Moon. "Paampon
na lang ninyo si Ash para mawalan na kami
ng pressure."
"May group swimming yata kayo?" pag-iiba
ni Clouds nang makita ang sina Moon at Sun
na palabas na ng bahay at nakapampaligo
rin.
"Family bonding, dude!" natatawang sabi ni
Star at lumabas na ang lima bitbit si Astray
Czarina.
"See? Wala lang sa kanila," bulong ni Clouds
at pinakawalan ang kamay ni Seola para
akbayan ito.
"Mabuti at umuwi na kayong dalawa,"
seryosong sabi ni Sky kasama si Taira na
palapit sa kanila.
"M-Magandang umaga po," magalang na
bati ni Seola pero kay Clouds nakatingin si
Sky.
"Pakipaliwanag nitong lahat," ani Sky.
"Bumalik na ang alaala ko at si Seola naman
talaga ang girlfriend ko at hindi si Clarissa,"
diretsahang sagot ni Clouds para wala nang
satsat pa.
"P-Paano nangyari iyon?" naguguluhang
tanong ng ina niya. Naupo muna sila sa sala
at si Clouds na ang nagpaliwanag ng lahat
na agad namang nakuha ng mga magulang.
"P-Pero mabait na bata si Clarissa at hindi
ko alam kung paano niya nagawa iyon.
Bakit?" hindi makapaniwalang tanong ni
Taira.
"Dahil dragon ang nanay niya!" galit na sabi
ni Sky. "Si Rica ang may pakana ng lahat ng
ito."
"Kaya po binigyan ko sila ng chance na
bawiin sa mabuting paraan ang lahat pero
mukhang wala silang balak na bawiin sa
publiko ang relasyon namin ni Clarissa para
magmukhang masama si Seola," ani Clouds
at napasulyap sa ama. "Dad? I need your
help. Kailangan kong ma-restore ang CCTV
footage para may ebidensiya akong si Seola
talaga ang iniligtas ko."
"Sabing aampunin ko si Ash e," pagtatampo
ni Sky.
"Dad naman, ayaw ko ng bargain."
"Paano ko maampon si Seola? Walang hiya
ka!" pagmamaktol ni Sky.
Inakbayan ni Clouds ang kasintahan na
kanina pa tahimik sa tabi niya. Alam niyang
kinakabahan ito. "Ako na po ang bahala kay
Seola ko. About kay Ash, hayaan na lang
nating si God ang bahalang humusga sa
maging kapalaran ng bata. Huwag nating
tanggalan ng karapatan ang tunay na mga
magulang niya. Kung talagang mahal ninyo si
Ash, mamahalin ninyo siya bilang anak kahit
na hindi siya Villafuerte." Hindi pa rin naman
siya nawawalan ng pag-asa. Malay nila,
darating ang taong gawing Villafuerte si
Ash. Katulad nang gagawin niya kay Seola.
Napangiti siya sa naisip. Malapit na ring
maging Villafuerte si Seola.
"Basta dito palagi si Ash, okay lang sa akin,"
masayang sabi ni Sky. Wala siyang pakialam
sa sasabihin ng iba sa tuwing ipag-shopping
niya ng mga damit at laruan ang batang
babae. Eh, sa wala siyang anak na babae e.
Puro batugan ang nabuo nila ni Taira.
"Malay mo, baka isa sa mga anak mo ang
pakakapangasawa kay Ash," biro ni Clouds
nang marinig ang tawa ni Ash kasama ang
mga kapatid niya sa pool.
"Bata pa si Ash," sabat ni Taira.
Ngumisi lang si Clouds. "Age doesn't matter,
Mom." Pero sa kaloob-looban niya, hindi rin
magandang idea iyon. Masyadong bata pa si
Ash para sa kaedad niya.
"Masaya ako at nakaalala ka na, Clouds,"
sabi ni Taira.
"Kaya pala parang may kakaiba nang
ipakilala mo si Clarissa sa amin. Kawawa
naman siya pero kailangan nilang malagot sa
kasalanan nila lalo na si Rica!" sabi ni Sky na
determinadong pagbayarin ang mag-inang
Rica at Clarissa. Napatingin siya kay Seola.
"Kailan kayo nagpapakasal? Gawan ninyo ako
ng babaeng apo,okay?" excited na sabi ni
Sky na agad namang siniko ni Taira para
sawayin ang pagiging madaldal nito.
--------------------------------
"At saan ka pupunta?" tanong ni Rica kay
Clarissa na nag-iimpake.
"Aalis na ako sa pamamahay na ito," walang
ganang sagot ni Clarissa.
"What? Baliw ka na ba, Clarissa?"
"Malapit na dahil sa pinaggagawa mo!"
sagot ni Clarissa na isinara ang malaking
maleta.
"Ako? Kailangan mong bawiin si Clouds kay
Seola! Mawawalan ka ng career sa mga
nangyayari!" pamimilit ni Rica sa anak.
Tumigil si Clarissa sa ginagawa at hinarap
ang ina. "Matagal na po akong nawalan ng
career. Tanggapin na lang natin na lubog na
ang career ko. Hayaan po ninyo akong gawin
ang gusto ko sa buhay."
Mapait na ngumiti si Rica at namewang sa
anak. "Basta-basta ka na lang bang susuko?
Ganiyan ba ang itinuro ko sa 'yo, Clarissa?"
"Tinuruan mo po ako ng lahat para makilala
at sumikat at utang ko sa iyo ang lahat ng
iyon pero Mom? Nakakaapak na po ako ng
tao para umangat. Pasensiya na, hindi ko na
po kaya," naiiyak na paumanhin ni Clarissa at
binitbit ang maleta saka hinila palabas ng
kuwarto pero pinigilan siya ng ina saka
malakas na sinampal sa kanang pisngi.
Mas lalong tumulo ang mga luha ni Clarissa
at napahawak sa pisnging sinampal ng ina.
"Dumalo ka sa presscon na pinagawa ko
ngayon at sagutin mo ang lahat ng
itatanong nila ngayon!" pamimilit ni Rica.
"M-Mom? Tama na po."
"Hindi ko hahayaang mauwi tayo sa ganito
kaya sumulpot ka sa presscon!" Inagaw niya
ang maleta ni Clarissa. "Kung ayaw mong
isumpa kita bilang anak, gawin mo ang
gusto ko!"
Nang lumabas ang ina, walang nagawa si
Clarissa kundi ang humagulgol sa pag-iyak.
Matapos ang trenta minutos, naghilamos
siya at inayos ang sarili saka lumabas. Ina pa
rin niya ito at utang niya ang lahat sa babae
pati na ang buhay niya. Ito ang nagbigay sa
kaniya ng lahat kaya hindi puwedeng
suwayin niya ang ina.
"Mabuti," sabi ni Rica nang madatnan niyang
naghihintay sa sala. Napatingin ito sa relo.
"Male-late lang tayo nang kaunti pero
hayaan mo silang maghintay."
Tahimik na lumabas si Clarissa at sumakay
sa sasakyan. Pinuno niya ang mga mata ng
matataas na gusaling nadadaanan at
mamahaling sasakyang nakakasabay sa gitna
ng daan. Sikat siya. Tinitingala ng lahat at
higit sa lahat, marami ang taonf gustong
maging siya.
"Dito na tayo," pagpukaw ni Rica kaya
napabuntonghininga si Clarissa bago
bumaba sa agency building.
Marami na ang nag-aabang sa kaniya sa
labas pero tahimik na naglalakad siya
patungo sa conference room ng building.
Napatigil siya sa paglalakad nang
makasalubong nila si Red.
"Puwede ba kitang makausap kahit limang
minuto lang?" tanong ni Red kaya tumango
siya at sumama sa binata kahit nakitaan niya
ng pagtutol ang mga mata ng ina.
Sa office siya nito dinala. "Cla? Kung ano
man ang sasabihin mo mamaya, sana totoo
lang," sabi ni Red.
Malungkot na ngumiti si Clarissa, "Hindi ko
na ba talaga mababago ang imahe ko sa
mga mata mo?"
"Maganda ka pa rin kaya kaya mo 'yan,"
nakangiting sabi ni Red at kinindatan ang
dalaga.
"R-Red?" tawag ni Clarissa at may kinuha sa
bulsa. "Alam kong hindi mo ako kayang
mahalin kagaya ng pagmamahal mo sa ibang
babae pero sana matanggap mo ang
bracelet na ito. Hindi ito galing sa masama."
Inabot niya ang ginawang bracelet kay Red
na gawa sa tunay na pulang perlas.
Isinuot ni Red sa kanang kamay ang bracelet.
"Maganda. Na-appreciate ko lalo na't
pinaghirapan mong gawin ito."
"Friends ulit?" tanong ni Clarissa at
nakipagkamay kay Red.
"Friends pa rin," pagtatama ni Red at inabot
ang kamay ni Clarissa saka lumabas.
Napabuntonghininga si Clarissa. Alam niyang
hindi na niya makukuha pa si Red kahit na
anong gawin niya.
Lumabas siya at dumiretso sa conference
room at naupo sa tabi niya.
Unang nagtanong ang female blogger sa
kaniya.
"Gaano po katotoo na hiwalay na kayo ni
Clouds at si Seola ang dahilan?" tanong
nito.
"Totoo ang lahat."
Napatingin sila kay Clouds na pumasok at
lumapit sa kanila. Napatayo si Rica pero
hindi kumilos si Clarissa.
"Ano ang ginagawa mo rito, Clouds?"
tanong ni Rica.
"Nandito ako para sabihin ang totoo,"
walang ganang sagot ni Clouds at hinila ang
isang silya saka naupo sa tabi ni Clarissa.
"Tapusin na natin ang lahat ng ito."
"Lumabas ka!" pagtataboy ni Rica na
mukhang nakalimutang may mga reporter
pero hindi nagpapatinag si Clouds at
humarap sa media men.
"Pasensiya na kayo kung medyo natagalan
ang pag-amin ko," panimula ni Clouds. "Ang
totoo niyan, nagka-amnesia ako kaya inilihim
namin ang totoo. May selective amnesia ako
at nakalimutan kong si Seola ang girlfriend
ko."
Sumenyas siya sa tauhan ng agency at may
pinakita sa screen na nasa likuran nila. Ito
ang eksenang matakbo niyang nilapitan si
Seola at sinalo ang nahulog na billboard
para iligtas ang dalaga kaya nagsimula ang
ingay sa buong paligid.
"Kagaya ng nakikita ninyo, si Seola talaga
ang iniligtas ko."
Tahimik lang si Clarissa at tila nabingi sa
lahat ng ingay. Ano pa nga ba? Wala na.
Bagsak na ang career niya pero dapat lang
naman ito sa kaniya.
"Hindi alam nina Clarissa na may girlfriend
ako kaya pinakiusapan ko siya na sakyan ang
lahat ng haka-haka dahil ako mismo ay hindi
rin alam na may girlfriend ako," dagdag ni
Clouds kaya nagtatakang napatingin si
Clarissa sa binatang sa reporters nakatingin.
"Pareho lang kaming biktima ng pangyayari
pero ang pinakabiktima sa aming tatlo ay si
Seola dahil nakalimutan ko siya."
Itinaas ni Clouds ang puting folder. "Ito ang
magpapatunay na hindi ako
nagsisinungaling. Naglalaman ang folder na
ito ng medical records ko."
Tumayo si Clouds at ibinigay sa isang
reporter ang medical records at lumabas.
Agad na tumayo si Clarissa at hinabol ang
binata.
"C-Clouds..." tawag niya kaya tumigil ang
binata at humarap sa kaniya. "S-Salamat. A-
Alam kong mahirap pero salamat..." umiiyak
na sabi niya.
"Naging kaibigan kita, Cla. Pero hanggang
doon na lang ang lahat. Mula ngayon,
tinatapos ko na ang pagkakaibigan natin.
Oras na apakan mo pa si Seola, ako mismo
ang makakalaban mo!" pagbabanta ni Clouds
at napatingin sa leeg ni Clarissa.
"P-Pasensiya na--" Nagulat si Clarissa nang
hablutin ni Clouds ang kuwentas sa leeg
niya.
"Pasensiya ka na kung babawiin ko na ang
kuwentas na ito dahil hindi naman talaga
ikaw ang nagmamay-ari nito," seryosong
sabi ni Clouds na hawak na ang kuwentas at
walang pasabing tinalikuran si Clarissa.
![](https://img.wattpad.com/cover/323263677-288-k652260.jpg)