MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 3
[Clouds Pov]
"Mommy? Nasaan na po si Daddy?" tanong
ko sa maganda kong ina habang nagkakape
ito sa balcony.
"Hindi ko alam kung nasaan na. Basta
nandiyan lang 'yan kanina," sagot ng
mommy ko.
"Manang? Kape po, iyong matapang,"
pakiusap ko sa katulong.
"Ang aga mo yatang nagising, Clouds?"
tanong ni Mommy. Alas sais pa lang kaya
sigurado akong tulog pa ang lima kong
kapatid. Test tube babies kaming anim dahil
hindi mabuntis ang mommy namin noon.
Pero sila pa rin ang parents namin. 100%.
"Hindi na po ako makatulog," sagot ko at
napatingin sa malawak na hardin.
"Kumusta ang party na dinaluhan ninyo
kagabi?" tanong ni Mommy. It was a
welcome party ng anak ng manager ng
kasamahan kong singer. Well, ako ang God
of Music kaya walang makakatalo sa akin.
Laging sold out ang album ko at ang dami
ko nang awards pagdating sa larangan ng
musika.
"Okay naman po, masaya," nakangiting
sagot ko.
"Ako ang kinakabahan sa mga ngiti mo,"
sabi ni Mommy na nagwa-warning ang mga
titig sa 'kin. "Ilang beses kong ipaalam sa
'yo, Clouds na mag-behave kayo lalo ka na
dahil may career kang iniingatan?"
"Relax, Mommy. Ako ang bahala. Isa pa,
behave naman po talaga ako. Sa aming
anim, ako lang po ang virgin," sabi ko at
inilapit ang mukha sa ina. "Pero mom,
promise mo po, secret lang natin na virgin
pa ako," pakiusap ko na takot na baka may
makarinig sa amin.
"Tigilan mo ako, Clouds!" naiiritang sabi ni
Mommy na para bang hindi matanggap ang
inamin ko sa kaniya.
"Pasalamat ka nga po, open ako sa 'yo dahil
ina kita," madamdaming sabi ko. "Bakit ba
ayaw ninyong maniwala sa--ouch!"
Daing ko nang may humampas sa ulo ko
kaya napalingon ako. "Dad? Bakit
nanghahampas ka?"
"Ipaliwanag mo ito!" sabi ng ama ko na
makakalbo na yata sa aming anim dahil mga
pasaway ang lima kong kapatid. Well, ako
lang talaga ang matino sa aming anim.
Pabagsak na inilapag niya ang newspaper sa
harapan namin ni Mommy.
"Oh shit!" sambit ko, "Shit! Shit! Shit!"
Dinampot ko ang newspaper. Ako ang nasa
headline. Well, sanay naman ako na nasa
front page dahil sikat nga ako pero ngayon,
naka-brief lang ako na tumatakbo habang
hinahabol ng mga reporters. Binuklat ko ang
page eight at halos mawalan ako ng malay
nang makita ang larawang nakapatong pa
ako sa anak ng manager ng kaibigan ko.
Thank God at blurd ang sa lower part. Pero
tinakpan nila ang mukha ng babae at ang
mukha ko lang ang nakikita. Kagabi ito.
Bigla na lang bumukas ang pinto at
pumasok ang isang reporter kaya mabilis na
tumakbo ako pero sa kasamaang palad,
nakasalubong ko naman ang iba pang
reporters.
"Ngayon mo sa akin sabihin na virgin ka pa!"
Hamon ng ama ko.
"W-Well, s-sometimes..." napakamot ako sa
ulo ko. "I acted na para bang twelve years
old lang ako. I forgot my real age, you
know."
"Ikaw Clouds!" nanggigigil na sabi ni
Mommy.
"Ouch! Mommy, ang itlog ko!" reklamo ko
saka tumayo nang kurutin ako ni Mommy sa
singit. "Natanggal yata ang balat ko,
mommy." Tingnan ko mamaya dahil malapit
lang sa itlog ko ang kinurot niya. Baka
napigtas na ang scrotum ko.
"Paano mo tatakasan ang isyung ito,
Clouds?"
"Dad? Gawan mo na lang ng paraan," sabi
ko.
"Kumalat na sa internet at sa social media
ang mga litratong ito, wala na akong
magagawa pa," sabi ni Daddy kaya natahimik
ako. Paano na ang career ko? Isang malaking
pagkakamali at bubulusok ako pababa.
"Hayaan mo na, isa akong Villafuerte at hindi
ko kailangang magtrabaho para lang
mabuhay," ani ko. Sa aming anim, ako lang
naman ang nasa showbiz.
"Ah, lilisanin mo ang showbiz na may dumi
sa pangalan natin? Hindi ka na ba nahiya sa
Tito Blue mo?" tanong ni Dad. Si Tito Blue
at Tito Black ang ka-triplets niya. Genetic
kasi ang twins, triplets sa amin. Well, mas
malala sa mga Lacson dahil may quadruplets
sila. Pero dahil inggetero ang ama ko, anim
talaga ang pinagawa niya at kami nga iyon:
Sun, Moon, Star, Matter, Dust and ako-
Clouds. Hindi ko alam kung ano ang
pumasok sa isip ng butihing ama namin at
ganito ang ipinangalan sa amin kaya sikat
kami bilang team Galaxy. Siguro dahil 'Sky'
ang pangalan ng ama namin.
"Haist! Kaya ayaw kong mag-showbiz e,"
sabi ko. Noon, gusto kong sumikat at
makilala kagaya ng Tito Blue ko pero sa
kabila ng kasikatan, may kaakibat pala itong
pressure at nawawalan ako ng privacy. Kahit
yata pag-ihi o pagdumi ko, ibabalita nila.
Alam ko naman ito bago pa ako pumasok sa
showbiz dahil hindi nagkulang sina Tito Blue
at Daddy sa paalala sa akin pero hanggat
wala pa ako sa tuktok, hindi ko iyon
nararamdaman noon.
"Kaya gusto ko talaga ng babaeng anak
dahil mga walang kuwenta kayong anim lalo
ka na!" naiinis na sabi ni Daddy.
"Tama na nga!" saway ni Mommy sa aming
dalawa.
"Babymine? Kausapin mo nga ang lima na
magdala na ng mapapangasawa nila para
magkaroon na ako ng anak na babae," sabi
ni Daddy. Atat na atat itong magkaroon ng
anak na babae kaya bata pa lang kami,
pinapaasawa na niya ang isa sa amin pero ne
isa, wala pang may nag-uwi ng babae o
ipinakilalang girlfriend sa kanila.
"Pasok lang po ako sa kuwarto ko," paalam
ko sa kanila.
"Ayusin mo ang buhay mo, Clouds!" pahabol
ni Daddy.
"Hanggat guwapo ako, maayos po ang
buhay ko," sagot ko at dumiretso na sa
kuwarto.
Maghapong nakatitig lang ako sa laptop at
walang ibang ginawa kundi sagutin ang ilang
bashers sa social media pero kaagad na
tinawagan ako ng manager ko na mag-
deactivate muna ng account sa Insta,
Facebook at Twitter. Kahit ang Youtube
channel ko ay pinabura din.
Nagbihis ako at pumunta sa Bright Star
Agency dahil pinapunta ako ng manager ko
dahil may emergency meeting daw.
Pagpasok ko, lahat ng mga mata nila ay
nasa akin pero tuloy-tuloy ako sa meeting
room.
"Ano ang meron?" tanong ko. Nandito si
Tito Blue, Red at manager ko.
"Sigurado akong alam mo na ang pumutok
na balita tungkol sa 'yo," panimula ni Tito
Blue.
"Yun lang ba?" nakangising sagot ko at
naupo sa harapan nila.
"Lahat ng endorsements at shows mo ay
cancelled na," sabat ni Kuya Red kaya
napatingin ako sa kaniya.
"Cancelled?" ulit ko.
"Cancelled," ulit din ni Kuya. "Pinapa-pull
out na rin ang lahat ng album mo sa
market."
"Bakit?" inosenteng tanong ko.
"Alam mo kung bakit," sagot ni Tito Blue.
Humarap ako sa talent manager kong babae,
"At ano ang ginawa mo bilang manager ko?
Hindi ba't tungkulin mong alagaan ang
career ko?"
Hinarap ko rin ang Tito ko na CEO nitong
sikat na agency, "Tito, hindi po ba't dapat
rin ninyong alagaan at pagtakpan ang bawat
talent ninyo?"
"Ang daddy mo ang nagpa-cancel sa lahat,"
sagot ni Tito Blue.
"What? Si Daddy?" bulalas ko.
"Ilang beses ka nang tinakpan ng agency na
ito, Clouds. Ang dami mo nang nagawang
kalokohan pero hindi na namin kaya dahil
nag-leak na sa social media ang litrato mo
kaya magpahinga ka muna," sabi ni Kuya
Red.
"E di sabihin edited lang!" depensa ko. "Uso
na 'yan ngayon."
"Pati video?" tanong ni Kuya Red kaya
natigilan ako. "May kopya sila ng video na
nai-upload kani-kanina lang."
Nanghihinang napaupo ako.
"Alam mo naman ang mga paparazzi," ani
Tito Blue kaya tumayo na ako.
"Fine,pagod na rin ako sa showbiz," sabi ko
bago sila tinalikuran at dumiretso sa kung
saan ako dalhin ng sasakyan ko. The hell I
care sa career ko.
Ginabi na ako sa pagmamaneho na hindi ko
alam kung saab ako patungo. Inihimpil ko
ang sasakyan sa bar at uminom ng
pinakamatapang na alak nila.
Ang daming babaeng lumapit sa akin kaya
pinatos ko na at pinaghahalikan sila. I'm
drunk.
"Gusto mong kumuha tayo ng VIP room?"
malanding tanong ng babaeng kahalikan ko.
Ilang babae na ba ito? Hindi ko na alam.
Nanlalabo ang paningin ko pero naaninag ko
pa ang mukha ng babaeng kumakanta. Sa
lahat ng babae sa loob ng bar na ito, siya
ang pinakaagaw pansin dahil siya lang ang
pangit.
"Ano na, Clouds?" atat na tanong ng
babaeng nakakandong sa akin.
"A-Ayaw kong isuko sa 'yo ang virginity ko,"
sabi ko at tumayo nang makita ang babaeng
bumaba sa stage.
"S-Saan ka pupunta?" natarantang tanong
ng babae na akala niya, naka-jackpot na sa
akin.
"Sa hell," sagot ko at paika-ikang sinundan
ang pangit na babae.
"Pangit!" tawag ko nang makalabas na kami
sa bar pero nagmamadali yata siya. "P-
Pancit canton girl!" sigaw ko kaya tumigil
siya at lumingon sabay panlaki ng mga mata
nang makita ako.
"C-Clouds?" wika niya na para bang si
Kamatayan ako at hindi pa siya handang
kunin ko.
"A-Ako nga!" sabi ko at tumigil sa
paglalakad nang biglang umikot ang paligid.
Nasusuka ako. Sobrang tapang yata ng alak
na inimom ko kaya double na itong pangit
na nasa harapan ko.
"A-Ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya
at iginala ang mga mata sa paligid.
"Sinusundan ka," sagot ko at napahawak sa
ulo.
"Bakit?" nagtataka niyang tanong. Ang
pangit pala na nag-double ang mukha ng
pangit na nasa harapan ko.
"P-Para safe ang virginity ko," sagot ko kaya
natigilan siya. Ngumisi ako. "Ikaw lang kasi
ang pangit na nakita ko sa bar kaya s-sa 'yo
na ako sasama dahil s-sigurado akong hindi
kita papatulan," sabi ko at sinikap na
makalapit sa kaniya pero dahil sa sobrang
pagkahilo, natumba ako na agad naman
niyang sinaklolohan ang mabigat kong
katawan. See? Sa halip na maging
comportable ako, mas lalo akong nasasaktan
dahil ang tulis ng katawan niya. Wala man
lang kalambot-lambot dahil ang payat nito
na parang pinatayong kawayan.
"C-Clouds? Tumayo ka!" Huling sabi niya
bago ako nawalan ng malay.
