21

855 39 0
                                    

MY UNIDEAL GIRL

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 21

Unedited....
"Hindi ba kasama si Clouds?" tanong ni Red
nang pagbuksan ng pinto si Seola.
"Hindi e," sagot ng dalaga. "May gagawin pa
siya."
"Mabuti naman," sagot ni Red kaya
napatingin si Seola sa binata. "Ayaw ko lang
kasi ng asungot."
Natawa si Seola. "Asungot talaga?"
"Kilala mo naman si Clouds, pasaway 'yon,"
sabi ni Red.
Sumakay si Seola sa frontseat. Umikot si
Red sa drivers seat. Binuksan ni Seola ang
cellphone at binasa ang text ni Clouds.
"Bago mag 6P.M, dpat dito ka na dhil
naghihintay si Ash."
"Okay" lang ang ini-reply niya at tinago na
sa bulsa ang cellphone nang maramdamang
umandar na ang sasakyan.
Kakausapin lang naman nila ang DJ sa
Quezon para ipatugtog ang kanta niya.
"Congrats pala dahil mataas ang sales mo,"
bati ni Red.
"Talaga?" masayang tanong ni Seola at
napatingin kay Red na nagmamaneho.
Napasulyap si Red kay Seola kaya
nagsalubong ang mga mata nila. "Oo naman,
ikaw pa." Kinindatan niya ang dalaga kaya
agad na umiwas ng mga mata si Seola.
"Sir Red? Salamat sa lahat."
"Palagi ka na lang nagpapasalamat sa akin,"
natatawang sagot ni Red.
"Sawa ka na po ba?"
Mas lalong natawa si Red sa dalaga. "Hindi
naman. Mas gusto kong palagi kang
nagpapasalamat dahil alam kong napasaya
kita."
Pinabilisan niya ang pagpatakbo ng sasakyan
kaya hindi na niya nakita ang pamumula ng
pisngi ni Seola.
"Kung lahat ng boss kasing bait mo, e di
wala nang mahihirapang talent," sabi ni
Seola.
"Hindi naman. Strict din ako kaso alam kong
mas kikita ako sa 'yo balang araw kaya
nagiging mabait ako sa 'yo," biro ni Red
kaya natawa si Seola.
Hindi siya naiilang kay Red dahil mabuti ang
ipinapakita nito sa kaniya.
"Kaya galingan mo pa, Seola,para malaki ang
kikitain ko kapag mas lalo kang sumikat."
Malakas na tumawa ang dalaga. "Naku, kahit
wala ako, malaki na ang kita ng agency
ninyo. Isa pa, pagmamay-ari ninyo ang KBS
network kaya alam kong marami kayong
pera."
Napailing si Red. "Hindi naman. Akala mo
lang na mayaman kami."
Pasado alas kuwatro na nang dumating sila
sa Quezon kaya nag-text
siya kay Clouds na male-late siya.
"Gusto lang naming makausap ang DJ at
may-ari ng radio station," sagot ni Red
nang tanungin siya ng security guard.
"May appointment na po ba kayo, sir?"
"Yes," sagot ni Red.
Iginiya sila ng guard patungo sa opisina ng
CEO ng radio station.
Naging maayos ang pag-uusap nila pero
inabot na sila ng isang oras.
"Kain muna tayo, Seola," yaya ni Red habang
pabalik na sila. Madilim na kahit mag-a-alas
siyete pa lang at sobrang traffic pa.
"Huwag na ho," sabi ni Seola kahit na
nagugutom na.
"Sige na, treat kita," giit ni Red.
Walang nagawa ang dalaga nang ihimpil ni
Red ang sasakyan sa isang mamahaling
restaurant kaya bumaba na lang siya.
"Palagi mo na lang akong dinadala sa
mamahaling restaurant," sabi ni Seola
matapos ilapag ng waitress ang order nilang
nilagang baka at inihaw na pusit.
"Hindi naman gaanong mahal, affordable
naman," sagot ni Red.
"Mahal na 'to para sa akin," sagot ni Seola
at kinuha ang kutsara saka tinikman ang
sabaw.
Napatitig si Red sa mukha ng dalagang
masaya sa kinakain. Totoo, hindi mahal ang
restaurant na ito. Sa isang kagaya niya,
cheap na ito. Sa lahat ng babae, kakaiba si
Seola. Palagi itong natutuwa sa maliit na
bagay na ibinibigay niya. Iyong simple lang
para sa kaniya pero ang saya na ng dalaga.
Palagi pa itong nagpapasalamat at na-
appreciate ang mga bagay na ibinibigay at
ipinapakita niya.
"Sir? Kain ka na po," alok ni Seola nang
mapansing nakatitig ang boss sa kaniya.
"H-Ha? Oo, ang sarap mo kasing tingnan
habang kumakain," sagot ni Red at
sinimulang kumain.
"Naku, sir. Ikaw ha, baka sa sobrang titig
mo, ma-inlove ka sa akin," biro ni Seola
saka sinabayan ng tawa.
"What if I am?"
Napatitig siya kay Red sa sinabi nito. "What
if inlove na nga ako sa 'yo, Seola?"
Ilang segundong natigilan ang dalaga pero
kaagad namang nakabawi sa pagkabigla.
"Naku, sir, palabiro ka talaga. Kumain ka na
nga po nang marami para masaya na tayo.
Sige, kain pa," alok ni Seola saka inilagay
ang isang inihaw na pusit sa plato ng binata.
"Alam kong kanina ka pa nagugutom kaya
ikain mo na 'yan."
Napailing na lang si Red at sinimulan niyang
kumain. Ayaw na rin naman niyang i-push pa
kay Seola ang nararamdaman dahil baka
mailang ang dalaga sa kaniya.
Pasado alas otso na nang matapos sila.
"Busog ka na ba? Baka gusto mo pa,"
tanong ni Red habang palabas sila sa
restaurant na dinarayo ng tagarito.
Napahawak si Seola sa bundat na tiyan.
"Naku, sir. Sobrang busog na po ako.
Salamat sa dinner," nakangiting pasalamat ni
Seola.
Sumakay na sila sa sasakyan at nakinig sa
music radio.
"Sir, kanta ko 'yan!" tili ni Seola saka
napapikit at sinabayan ang tugtog. Ang
sarap sa pakiramdam na boses na niya ang
naririnig sa radyo. Parang kailan lang,
pangarap niyang kumanta sa stage pero
ngayon, nasa radyo na ang boses niya at
may sariling album pa.
Paminsan-minsan, napapasulyap si Red kay
Seola habang kumakanta ito. Hindi niya
mapigilang hindi humanga. Napaka-natural
lang nito at masayahin.
Matapos ang mahigit isang oras na biyahe,
nakarating sila sa lugar ni Seola.
"Salamat po sa pagsama, sir," nakangiting
pasalamat ni Seola habang tinatanggal ang
seatbelt.
"Pasensiya ka na kung ginabi tayo, traffic.
Ikumusta mo na lang ako kay Ash," sabi ni
Red.
"Sige po. Ingat sa biyahe," sagot ni Seola at
bumaba na.
Ini-start na niya ang engine nang mapansin
ang cellphone ni Seola kaya kinuha niya.
"Haist, nahulog niya," ani Red at pinatay ang
engine saka tinanggal ang seatbelt at
bumaba para habulin si Seola. "Ang bilis
niyang maglakad," reklamo niya dahil
mukhang sa bahay na niya ito maaabutan.
Paliko na siya nang makita si Seola sa tapat
ng hagdan kaharap si Clouds.
"Anong oras na? Alam mo bang kanina pa
kami nag-aabang ni Ash?" galit na tanong ni
Clouds.
"Sorry na, traffic lang," sagot ni Seola.
"Huwag ka nang magtampo, Clouds."
"Huwag mong sabihing kumain ka na sa
labas? Sabi mo, magluluto ako!"
Umiling si Seola. "H-Hindi pa ako kumain
kaya kakainin ko ang linuto mo. Masarap ka
kayang magluto," sagot ng dalaga at
hinawakan si Clouds sa braso.
Naitago ni Red ang cellphone ni Seola sa
likod. Mula sa kinaroroonan niya, rinig na
rinig niya ang usapan ng dalawa. Magkasama
ang dalawa sa iisang bubong? Parang
sumakit yata ang dibdib niya.
"Umakyat na tayo, mahamog na. Kumain ka
dahil matutulog na kami ni Ash. Sa kuwarto
ko siya natulog dahil wala ka pa!" sabi ni
Clouds.
Napatingin si Red sa dalawang umakyat na
sa bahay. Hindi niya maipaliwanag ang
nararamdaman. Kilala niya si Clouds.
Kabisado niya ang tipo nitong mga babae
pero bakit ngayon, parang hindi na niya
kilala ang pinsan?
------------------------------
"Clouds! Topseller ang album ko!" tili ni
Seola at niyakap si Clouds nang pumasok ito
kaya natigilan ang binata. Wala namang
perfume si Seola pero bakit parang ito na
yata ang pinakamabangong babae na
yumakap sa kaniya?
"S-Sorry," nahihiyang paumahin ni Seola
nang maramdamang nanigas ang katawan ni
Clouds. "Masaya lang ako kaya nayakap
kita."
"Sana palagi kang masaya," bulong ni
Clouds.
"Ha?" Seola.
"W-Wala. Sabi ko, masaya ako dahil nag-top
ang album mo sa market," sagot ni Clouds
at napakamot sa ulo. Masaya siya dahil
mabenta ang album ng dalaga pero mas
masaya siya dahil niyakap siya nito.
"Oo nga e, unexpected nga," nakangiting
sabi ni Seola. "Mababawi na natin ang
nagastos ng producer."
"Sana nga. Isa pa, magkaka-bonus ka niyan,"
nakangiting sabi ni Clouds at bumalik sa
table sa sala para mag-aral dahil may quiz
sila sa Monday.
Napasulyap siya kay Seola na pumasok sa
kuwarto nito.
"Haist! May mali talaga sa akin e," bulong ni
Clouds at napangiti na naman nang
maalalang niyakap siya ni Seola. "Malapit na
akong mabaliw."
"Masaya ka yata?" puna ni Seola nang
muling lumabas sa kuwarto.
"H-Ha? Wala naman. Masaya lang ako dahil
pumapasok ang mga binabasa ko sa utak
ko," sagot ni Clouds at sumeryoso ang
mukha.
"Kumain ka na, nagluto na ako ng ulam."
"Ang galing naman ng cook namin ni Ash."
"Huwag mo na akong bolahin at kumain ka
na," nakasimangot na sabi ni Clouds pero
napangiti na naman nang tumalikod si Seola.
"Iba na talaga 'to. Kung dati, sakit sa puso
at paghinga, ngayon naman, sakit sa utak.
Baka sa mental ang bagsak ko nito!" sabi ni
Clouds sa sarili at napasulyap kay Seola na
maganang kumain.
"Clouds?"
"Seola?"
"Mamaya pala, pupunta si Sir Red dito."
"Bakit?"
"D-Dito raw siya magdi-dinner," sagot ni
Seola at napayuko nang makita kung paano
bumaga ang mga mata ni Clouds.
"Wala ba silang mesa sa bahay nila para dito
pa siya kumain?"
"K-Kasi gusto raw niyang makita si Ash."
"Talaga po? Pupunta si Kuya Red?" tanong
ni Ash na kakalabas lang sa kuwarto.
"Bumalik ka na sa pagtulog, Ash."
"Tapos na po akong matulog, alas kuwatro
na po eh," nakalabing sagot ng bata.
"Samahan mo akong bumili ng lulutuin,
Ash."
"Menudo na lang po," sagot ng bata.
"Sige, sige," pagsang-ayon ni Seola.
"Menudo? Kapag si Red, magme-menudo
kayo samantalang kapag ako, pancit canton
at tuyo lang ang ipinapakain ninyong
magkapatid sa akin?" sabat ni Clouds.
"Dito ka naman nakatira kaya okay lang na
kainin mo ang madalas na ulam namin."
"Napaka-unfair ninyo!" naiinis na sabi ng
binata.
Lumapit si Seola kay Clouds at tumabi sa
binata.
"Clouds? Baka puwedeng gumala ka muna
mamaya?"
"Bakit? Sino ka para utusan ako?"
Napasimangot si Seola. "Sige na, baka kasi
malaman ni Sir na nasa iisang bubong lang
tayo nakatira."
"Pakialam ko?"
"Sasabihin niya sa pamilya mo na sa bahay
lang na ito ka tumutuloy."
Masamang tumingin si Clouds kay Seola.
Kapagkuwa'y kinuha niya ang lahat ng papel
sa mesa at padabog na pumasok sa
kuwarto.
"Galit si Kuya?" bulong ni Ash na agad
naitikom ang bibig nang muling lumabas si
Clouds at nilagpasan sila.
"K-Kuya Clouds? Saan ka pupunta?"
"Lalayas! Tinataboy na ako ng ate mo dahil
pupunta ang butiki na pinsan ko!" sagot ni
Clouds at isinuot ang tsinelas saka lumabas.
Pumunta siya kay Luke at nanood ng TV.
"Bakit ganiyan ang mukha mo?" tanong ni
Luke at ibinigay sa kaniya ang isang bote ng
alak.
"Ayaw kong uminom!" tanggi ni Clouds.
"Pinalayas nila ako dahil lang kay Red?"
"Pinagsasabi mo?" nakakunot ang noong
tanong ni Luke.
Tumayo si Red saka lumapit sa pinto at
lumabas sa condo ni Luke.
"Bahala sila!" sabi niya at sumakay sa dyip
pauwi sa bahay nila ni Seola.
"Psh! Basagin ko ang salamin ng sasakyan na
'to e!" bulong niya nang mapadaan sa
nakaparadang sasakyan ni Red. Tuloy-tuloy
siya paakyat sa hagdan. Narinig niya ang
pag-uusap ng mga ito kaya kumatok siya sa
pinto kahit na alam naman niya ang
password.
"Clouds?" ani Seola nang pagbuksan siya
saka tinulak siya palabas.
"Haist! Ang bango naman ng ulam!" sigaw ni
Clouds. "Nagugutom tuloy ako!"
Matamis na nginitian niya si Seola saka
inilagay ang sapatos sa tabi ng sapatos nina
Seola. Sinipa niya palayo ang kanang
sapatos ni Red saka dumiretso sa loob.
"Oh, Red? Napasyal ka rin?" Kunwari ay
hindi niya alam na nandito ang pinsan.
Walang emosyon na tumingala si Red kay
Clouds na naupo sa harapan niya.
Kinuha ni Clouds ang isang plato at naglagay
ng kanin at ulam. "Ang bango ng menudo,
mas lalo tuloy na nagutom ako. Mabuti na
lang dahil naisipan kong pumasyal."
Maganang kumain si Clouds pero nakailang
subo na siya nang mapatingin sa tatlong
nasa harapang nakatitig sa kaniya. "Oh? Kain
na tayo. Nahiya kayo?"
"K-Kain na tayo, Sir Red," nahihiyang yaya ni
Seola.
"Seola? Subukan nating magkasama ka sa
live show nina Clarissa," sabi ni Red.
"Talaga ho?" nakangiting tanong ni Seola.
"Oo, gagawa kami ng paraan para
mapasama ka," sagot ni Red.
"As usual, sila raw ang gumawa ng paraan
para sila ang pasalamatan," bulong ni Clouds
pero siniko siya ni Seola para manahimik.
"Kain ka pa, Ash," sabi ni Clouds at nilagyan
pa ng ulam ang plato ng bata.
Masayang nag-uusap sina Seola at Red sa
sala habang naghuhugas naman si Clouds ng
pinagkainan nila.
"Ginawa akong alila!" bulong niya at
pinunasan ang basang kamay saka lumapit sa
dalawa at naupo sa harapan ng mga ito.
Tumayo si Red at hinarap si Seola. "Mauna
na ako, Seola. Alas otso na. Salamat sa
masarap na dinner."
"W-Wala po iyon," nakangiting sabi ni Seola.
"Mabuti at uuwi ka na!" sabat ni Clouds kaya
hinarap siya ni Red.
"Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Red
na tinaasan ng kilay ang pinsang nakapatong
sa mesa ang mga paa.
"Uuwi," sagot ni Clouds. "Pero mauna ka
na."
"Hindi, sabay na tayo," wika ni Red na hindi
inaalis ang mga mata sa mukha ng pinsan.
"May pag-uusapan pa kami ni Seola," giit ni
Clouds.
"Hindi ba't hindi nakakabuti kina Seola na
gabi na tapos nandito ka pa sa bahay nila?"
tanong ni Red kaya sumenyas si Seola kay
Clouds na umalis na lang.
Napilitang tumayo si Clouds at sumabay kay
Red na lumabas.
"Sa condo na lang ako ni Luke, Red," sabi ni
Clouds nang makasakay sa sasakyan ng
pinsan.
Walang imik na pinaandar ni Red ang kotse.
"May gusto ka ba kay Seola, Red?"
"Ikaw Clouds? May gusto ka ba sa kaniya?"
Napasulyap si Red sa pinsang hindi kumibo.
"May gusto ako kay Seola, Clouds. Liligawan
ko siya kaya umaasa akong hindi kita maging
karibal."
"Itigil mo ang sasakyan, Red!" sabi ni Clouds
kaya tumigil si Red.
Tinanggal ni Clouds ang seatbelt at hinarap
ang pinsan. "Ligawan mo si Seola pero
huwag kang umasang hindi mo ako magiging
karibal!" sabi ni Clouds bago bumaba sa
sasakyan.

My Unideal GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon