MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 20
Unedited...
"Excited ka na ba mamaya?" nakangiting
tanong ni Red habang nag-oorder ng
fishball.
"M-Medyo. Pero kinakabahan pa rin ako,"
sagot ni Seola. Mamaya na ang release ng
album niya.
"Huwag kang mag-alala, okay na ang DJ's,
bloggers and journalists. Pupunta sila
mamaya sa CD release party mo. Tingnan
natin kung papatok sa masa ang kanta mo
at mag-top sa music radio."
"P-Paano kung malugi lang ang producer?"
nag-aalalang tanong ni Seola.
Ngumiti si Red. "Isa lang iyan sa concerns
mo pero think positive tayo, Seola. May
tiwala ako sa 'yo."
"Red? Salamat sa lahat. Kung hindi mo
kinausap si Mr. Lim, baka hindi na talaga
ako magkaka-album," pasalamat ni Seola.
Mahigit isang buwan din siyang naghirap
para sa single album niya.
"Wala iyon. Minsan lang siya tinawagan ng
staff namin. Akala ko nga, hindi na siya
papayag pero nagulat na lang ako dahil
tumawag siya at ipinaalam na okay na sa
kaniya ang lahat. Siyempre nakita niya na
may capacity ka."
Nahihiyang ngumiti si Seola.
"Ate Seola? Pupunta po kami mamaya sa
party mo para suportahan ang album mo,"
masayang sabi ng babaeng estudyanteng
lumapit sa kaniya.
"Kami rin po ng kapatid ko. Mula nang
makita ka niyang kumanta sa Survival Song,
idol ka na niya," sabi rin ng isa.
"Sayang po, hindi papayag si Mommy. Pero
one hundre sure ako na bibili ng album mo,"
nanghihinayang na sabi ng isa nilang
kasama.
"Naku, salamat sa suporta. Nakakahiya," sabi
ni Seola.
"Ba't ka mahihiya? Magaling ka naman po.
Pa-picture na lang kami para pang status sa
FB."
Natawa si Seola kaya napilitan siyang
magpa-picture kasama ng mga estudyante.
Nag-okay sign si Red sa kaniya at kinuha na
ang fishball saka kumain.
Nang mawala na ang mga estudyante,
lumapit si Red kay Seola at nagbayad.
"Kumain ka na naman pero hindi mo kami
binigyan ni Yesha?" tanong ni Chummy na
parang dragon ang hitsura kaya napakamot
si Red sa ulo.
"Hindi ka na ba naawa sa katawan mo? Ang
pandak mo pero ang taba mo," pabirong
sabi ni Red kaya napanganga si Chummy.
"Nakakainsulto ka, ah!"
"Sorry, biro lang," natatawang sabi ni Red
pero padabog na tinalikuran siya ni
Chummy.
"Red?" tawag ni Clarissa na nakangiti
habang palapit sa kanila ni Seola.
"Hello, Clarissa."
"Red? Next week na pala i-release ang
album ko, sana pumunta ka."
"Sure, basta ikaw."
Napatingin si Clarissa kay Seola. "Congrats
pala sa first album mo."
"Salamat, senior," pasalamat ni Seola at
bahagyang yumuko kay Clarissa.
"Galingan mo," sabi ni Clarissa at
napatingala kay Red na ang guwapo sa suot
na polo shirt. Sa dinami-rami ng nanliligaw
sa kaniya, si Red lang ang nagpapakaba sa
kaniya ng ganito sa malapitan.
"Cla? Halika, may ipapakita ako sa 'yo," yaya
ni Red at inakbayan ang dalaga. "Mauna na
kami, Seola. Kitakits na lang mamaya."
"Sige po, sir," sabi ni Seola at nag-wave sa
dalawa.
"Seola? Umuwi ka na dahil maaga ka pa
mamaya," sabi ni Clouds na hindi namalayan
ng dalaga na nakalapit na pala sa kaniya.
"Wala pa ang kapalitan ko," nakasimangot
na sagot ni Seola.
"Kahit na. Ako ang bahala. Marami ka pang
gagawin," ani Clouds.
"Ikaw ang magtitinda?" hindi
makapaniwalang tanong ni Seola pero
napahawak sa ulo nang katukin ito ni Clouds.
"Huwag ka nga! Maghahanap ako ng papalit
sa 'yo rito. Ano ang tingin mo sa akin,
tindero?"
"Sorry naman," nakasimangot na wika ni
Seola at inayos ang mga gamit para umuwi.
-----------------------
"Clouds? Makapal ang makeup," nakalabing
sabi ni Seola nang pumasok si Clouds sa
dressing room. Nagtatalo pa ang dalawang
makeup artist kaya sinamantala na ni Seola.
"Hoy, kayong dalawa," tawag ni Clouds na
naka-poker face. Alas kuwatro 'y media na
kaya malapit nang magsimula ang party.
"Bakit sir?" tanong ng baklang nagme-
makeup kay Seola.
"Pakibura at palitan ng makeup niya,"
seryosong utos ni Clouds kaya napakunot
ang noo ng dalawang bakla.
"Bakit?"
"Magtatanong ka ng bakit? Hindi na nga
kagandahan si Seola, kinapalan pa ninyo ang
makeup niya?"
Napanganga si Seola. Kinampihan nga siya ni
Clouds pero ininsulto naman.
"Maganda kaya siya," giit ng bakla.
"Hindi siya kagandahan sa paningin ko kaya
palitan na ninyo. Make it simple. Ayusin lang
ninyo ang noseline niya tapos okay na 'yan."
"Pero--"
"Gusto kong natural lang si Seola. Ako ang
manager niya kaya ako ang sundin ninyo!"
giit ni Clouds kaya walang nagawa ang
dalawa kundi sinunod ang gusto niya.
Nginitian ni Seola si Clouds sa reflection nila
sa salamin.
"Sunduin ko si Ash sa lobby," paalam ni
Clouds. Sa hotel room sila magpa-party na
pagmamay-ari ng mga Villafuerte kaya libre
lang.
"Dalhin mo siya rito," habol ni Seola.
"Para kayong magjowa," kinikilig na sabi ni
Sweet habang inaayos ang noseline niya.
"Hindi naman."
"Kayo na ba?" tanong ni Caramel. Iyan daw
ang pangalan ng dalawang bakla kaya iyon
ang tawag niya, Sweet and Caramel.
"Hindi ah," tanggi ng dalaga. "Malabo. Hindi
niya ako type at manager ko siya."
"Hmm? Bakit hindi? Kahit na hindi na siya
sikat, bagay kayo. Crush ko pa naman si
Clouds kaso may pagkasuplado," naka-pout
na sabi ni Sweet.
"Hindi naman siya ganoon kasuplado,"
nakangiting sabi ni Seola. Hindi lang talaga
nila kilala si Clouds. Kahit na inaaway siya
nito, ang bait nito kay Ash. Well, mukhang
kay Ash lang
Nang matapos na silang mag-ayos kay
Seola, pumasok si Clouds kasama ni Astray
Czarina.
"Ate? Ang ganda mo po," puri ni Ash na
hindi maalis-alis ang mga mata sa kapatid.
Ngayon lang nag-ayos ng ganito si Seola
kaya umiba talaga ang hitsura nito. Simple
pero ang ganda.
"Ano ka ba, matagal na," natatawang sabi ni
Seola.
"Hmm? Mas gumanda ka po," sabi ni Ash at
tumingala kay Clouds. "'Di ba po, Kuya
Clouds? Ang ganda ni Ate Seola?"
Sumalubong ang kilay ni Clouds. "Mas
maganda ka pa rin, Ash."
"Alam ko namang pangit ako sa paningin
mo!" sabi ni Seola. Kahit ipaligo niya ang
foundation at blushon, pangit pa rin siya sa
paningin ni Clouds.
"Wala akong sinabing pangit ka ngayon,"
sagot ni Clouds at hinawakan ang kamay ng
bata. "Halika na, Ash. Pupunta na tayo sa
upuan."
"Ate? Good luck po," masayang sabi ni Ash.
"Kaya mo 'yan, Seola. Enjoy lang ang stage,"
sabi ni Clouds at lumabas na kasama si Ash.
"Kuya? Hindi ka ba talaga nagagandahan kay
Ate Seola?" nagtatampong tanong ni Ash.
Binuhat siya ni Clouds. "Tama na ang
tanong, Ash."
"Hmm? Kuya Clouds? Crush mo si Ate Seola
eh," sabi ng bata kaya napatigil si Clouds sa
paglalakad at piningot ang ilong ng bata.
"Paano mo nasabi?"
"Nahuhuli kitang palaging sinusulyapan si
Ate Seola lalo na kapag kumakain tayo,"
nakangiting sagot ni Ash kaya
napabuntonghininga si Clouds.
"Sikreto lang natin 'to kaya walang
makakaalam," sabi ni Clouds.
"Sure. Secret lang natin," pagsang-ayon ni
Ash saka humagikhik. Napailing si Clouds. Sa
lahat ng tao sa mundo, sa bata pa siya
umamin at nagtiwala ng sikreto niya?
Malapit na sigurong magunaw ang mundo.
Matapos ang trenta minutos na paghihintay,
lumabas na si Seola kaya nagpalakpakan ang
mga tao lalo na ang mga estudyanteng taga
Westbridge.
Nakangiting nakatitig si Clouds kay Seola.
Noong una, medyo kinakabahan pa ito pero
sa bandang huli, nag-ienjoy na ang dalaga sa
pagkanta habang nagkikislapan ang camera.
"Ate Seola ko 'yan!" tili ni Ash nang matapos
kumanta si Seola.
"Salamat po sa lahat ng dumalo. Salamat po
sa Bright Star agency lalo na kay Sir Red.
Salamat po sa tiwala, sir. Sa producer,
staffs, at higit sa lahat, sa kapatid kong
number one fan ko at naniniwala sa
kakayahan ko. Astray Czarina, salamat."
Nakangiting pasalamat ni Seola at nginitian
ang kapatid. "Bago ko po awitin ang last
song, gusto ko ulit magpasalamat sa lahat
lalo na sa manager ko. Thank you, Clouds.
Kahit na pasaway ako, pinagtitiyagaan mo
pa rin ako."
May ibang nagulat at napatingin sa table
nina Clouds. Tanging ngiti lang ang itinugon
ng binata sa mga ito hanggang sa naibalik
na ang atensiyon na masiglang kumanta ng
last song.
Naging successful ang party ni Seola kaya
masaya ang dalaga.
"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?"
tanong ni Clouds kay Luke.
"Pasensiya ka na, ang hirap takasan ng
mommy ko. Bumisita siya sa condo ko,"
paumanhin ni Luke at binigay kay Clouds
ang puting bouquet ng rosas. "Alis na 'ko,
baka mawalan ako ng allowance. Alam mo
namang wala akong raket ngayon kaya sa
kanila ako umaasa ng pambaon."
"Salamat," pasalamat ni Clouds at pumunta
sa dressing room ni Seola. Alas diyes na ng
gabi kaya kailangan na nilang makauwi dahil
baka magkasakit na naman si Ash.
"Kuya Clouds? Saan ka galing?" tanong ni
Seola nang pagbuksan siya.
"Sa labas lang," sagot ng binata. Iniwan kasi
niya ang magkapatid para kunin ang
pinabiling bulaklak kay Luke.
"Salamat sa magandang bulaklak, Sir Red,"
pasalamat ni Seola habang inabot kay Red
ang blue tulips.
"Walang anuman. Congrats pala dahil naging
successful ang party," bati ni Red at hindi
maiwasang hindi humanga sa bagong anyo
ni Seola lalo na nang matamis na ngumiti ito
sa kaniya.
"Salamat sa effort ng agency lalo na sa 'yo,"
pasalamat ni Seola at pasimpleng sinulyapan
ang hawak na bulaklak.
"Clouds?" tawag ni Seola nang mapansing
nandito na si Clouds. Napatingin siya sa
hawak na bulaklak ng binata. "Saan galing
ang bulaklak mo?"
"H-Ha? Ito ba?" tanong ni Clouds at
iniwasang mapatingin sa tulips na bitbit ni
Seola. "G-Galing sa fans, bigay raw niya sa
'yo dahil hindi siya makalapit kanina."
"Talaga? Pakilagay na lang sa table," sabi ni
Seola.
"H-Hindi mo ba puwedeng hawakan?"
"Mamaya na lang sa bahay. Aayusin ko siya
sa table," sabi ni Seola na hindi mabitiwan
ang bigay ni Red pero hindi inilapag ni
Clouds ang hawak na bulaklak.
"Ihahatid ko na kayo," alok ni Red.
"Ako na ang maghahatid sa alaga ko," sabat
ni Clouds.
"May sasakyan kang dala?"
"Marami ang taxi!" sagot ni Clouds. Ano ang
gusto nitong ipamukha sa kaniya? Na mas
mayaman ito kaysa sa kaniya dahil wala na
siyang sasakyan?
"Ako na ang maghahatid kay Seola," giit ni
Red.
"Puwede ba, Red? Alaga ko si Seola kaya
ako ang maghahatid sa kaniya!"
Palipat-lipat ang mga mata ni Seola sa
dalawang lalaki na nagsusukatan ng tingin.
"Sir Red? Kay Clouds na lang po kami ni Ash
sasama," sabat ni Seola. Kilala niya si
Clouds. Baka kung ano pa ang magagawa
nito kapag umabot sa sukdulan ang galit.
Pikon pa naman ang mokong.
"Ingatan mo si Seola," bilin ni Red bilang
pagsuko.
"Wala ba akong utak para hindi ko maisip
'yan?" naiinis na sagot ni Clouds kaya
pinandilatan siya ni Seola.
"Goodnight, Ash," nakangiting paalam ni Red
saka lumabas na.
"Ba't ganiyan ka makitungo kay Red?"
"Umuwi na tayo, Seola. Inaantok na ako,"
tinatamad na sabi ni Clouds saka inabot kay
Seola ang bulaklak na hawak. "Kahit galing
ito sa fan mo, dapat matuto kang mag-
appreciate dahil hindi mo alam ang hirap
niya para lang maibigay ito sa 'yo."
Nahihiyang inabot ni Seola ang bulaklak kaya
dalawang bouquet na ang hawak niya. Ang
sa kaliwa ang ang tulips at sa kanan naman
ay rosas.
"Ang ganda ng tulips," puri niya habang
nakasunod kay Clouds na buhat na ang
natutulog niyang kapatid. Napaatras siya
nang tumigil si Clouds saka hinarap siya.
"Wala sa uri ng bulaklak 'yan! Ang mahalaga
ay ang sincerity ng nagbibigay sa 'yo!" ani
Clouds kaya napasimangot si Seola.
"Wala naman akong sinabi ah. Ang sabi ko
lang, maganda pala ang tulips dahil ngayon
ko lang ito nakita ng harapan," honest na
sabi ni Seola.
"Two lips, gusto mo?"
Wala sa sariling umiling si Seola habang dilat
ang mga mata. Ano ba ang problema ni
Clouds?
Nakalabing sumunod siya sa binata palabas
ng hotel.
Napatingin sila sa SUV na tumigil sa harapan
nila.
"Hey, Clouds!" masiglang bati ni Siwon na
kasabayang singer ni Clouds nang bumaba sa
sasakyan kasama ang driver.
"Nagustuhan mo ba ang bago kong
sasakyan? Mura lang ang bili ko niyan sa
online shop!" nakangising tanong ni Siwon.
"Hindi maganda kaya siguro ibinenta na ng
may-ari," wala sa mood na sagot ni Clouds
at binuksan ang pinto ng taxi na nakaparada
sa gilid ng kalsada. "Sakay na, Seola."
"Hindi maganda? Or sadyang pulubi na ang
may-ari nito?" pagmamayabang ni Siwon.
Sumakay si Clouds sa backseat katabi ni
Seola na kalong na si Ash at pabagsak na
isinara ang pinto. Wala siyang panahon para
patulan ang kayabangan ni Siwon.
Mahaba na ang nabiyahe nila nang magsalita
si Ash.
"A-Ang sasakyang iyon, i-ikaw ba ang
dating may-ari niyon?" tanong ni Seola sa
binatang kanina pa nananahimik sa tabi niya.
A halip na sagutin, isinandal ni Clouds ang
ulo ni Seola sa balikat niya. "Alam kong
pagod na ka kaya matulog ka muna, Seola.
Gigisingin na lang kita kapag malapit na tayo
sa bahay."