MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 6
Unedited...
"Wala na bang iba?" tanong ni Clouds kay
Luke na singer din pero mas naunang
lumubog ang career dahil napabayaan ng
manager.
"Wala na," sagot ng lalaki. "Wala ka pa bang
nahahanap?"
Dalawang araw na nilang iniikot ang buong
bar pero wala pa ring natitipuhan si Clouds.
"Bakit ba kasi kailangan kong humanap ng
singer? Kaya ko namang bumalik sa
industriya na walang tulong ng iba!" naiinis
na sabi ni Clouds kaya napakamot sa ulo si
Luke.
"Kaya mo nga ba?" tanong nito kay Clouds.
Pilit na ngumiti siya nang isang nakakamatay
na tingin ang ipinukol ni Clouds sa kaniya.
"Bakit ba kasi nandoon ang mga lintik na
reporters na iyon!"
"Sikat ka kasi kaya ang daming paparazzi.
Parang ako lang noon, hindi na ako
makapag-sexlife dahil--" napatigil siya nang
napa-poker face si Clouds.
"Okay, ikaw na ang guwapo sa ating
dalawa," pagsuko ni Luke. Bakit ba ayaw
maniwala ni Clouds na sumikat naman siya
kahit papano. Hanggang ngayon, may fans
pa naman siya na nag-aabang sa comeback
niya.
"Eh, kung ang street singers na lang kaya
ang kukunin natin? Iyong mga sumisikat sa
Facebook? At leastmay fans na sila?"
suhestiyon ni Clouds. Hindi talaga malilinis
ang pangalan niya kapag siya lang mag-isa.
Kailangang gumawa siya ng ama. Hindi
naman niya puwedeng maiwan ang
entablado dahil nasa sistema na niya ang
pagkakanta.
"Maki-ride on sa kasikatan nila?" tanong ni
Luke at napahimas pa sa baba, "Puwede.
Iyon nga lang. Paano kung isasabak sila?
Magaling ba?"
Napaisip si Clouds sa sinabi nito.
"Kung sabagay, magaling at matiyaga ka
naman yatang magturo sa mga baguhan?"
ani Luke kaya napahampas ni Clouds ang
manibela.
"Shit! Bakit ba kasi nangyayari sa akin 'to?"
"Karma," nakangising sagot ni Luke kaya
napatigil si Clouds sa pagmaneho.
"Damn! Alam mo namang wala akong
seatbelt!" reklamo ni Luke na muntik nang
mapasubsob.
"Kanina pa tumutunog ang alarm ng
sasakyan ko dahil wala kang seatbelt!" ani
Clouds na kulang na lang ay itapon palabas
ang kaibigan pero ito na lang ang natitira sa
kaniya. Halos lahat ay iniwan na siya. Kahit
nga ang limang kapatid, mukhang
ikinakahiya na siya. Hindi man nila aminin
pero iyon ang nararamdaman niya. Ayaw
lang nilang madamay sa galit ng ama.
"Sana hindi na lang ako ipinanganak sa
mundo!"
"Gago! Hindi mo rin sana natikman ang
masarap na sex," biro ni Luke.
"Ulol! Virgin pa si Clouds Rodriguez
Villafuerte!" sagot ni Clouds kaya tumawa si
Luke.
"Turn right, last bar na 'to," ani Luke kaya
iniliko ni Clouds ang sasakyan at itinigil sa
isang hindi kilalang bar.
"Hindi siya sikat," sabi ni Clouds nang
basahin ang pangalan ng bar. Parang
nakapunta na siya rito pero hindi lang niya
matandaan.
"Precious diamonds are usually find in
unexpected places," Luke whispered.
"Psh! Precious diamond!" ani Clouds at
sumunod sa kaibigan.
Kumuha ng table si Luke para may maupuan
sila ni Clouds. Tig-isang bote lang sila dahil
kanina pa sila nakainom sa mga bar na
pinuntahan.
"Sintonado!" naiinis na sabi ni Clouds
habang nakikinig sa kumakanta. Intro pa
lang, wala na sa timing. Binabawi lang sa
pasigaw kaya ang akala ng lahat, magaling
talaga itong kumanta. Well, may boses
naman kahit paano. Pero sa dinami-rami ng
kagaya nito, nagiging normal na lang itong
singer.
Dinukot ni Clouds ang cellphone at tinext
ang bestfriend niya. Kailangan niyang
maging guest sa concert nito para kahit
paano, makikita pa rin siya ng mga tao.
Sikat si Clarissa kaya sigurado siyang
mahahatak siya nito. Isa pa, super close sila.
Ayaw lang talaga niyang patulan dahil isa ito
sa mga singers na nirerespeto niya.
Passing by hills, hills. There is still one left
If I pass them all, it's an endless mountain
pass🎶
Living in this world
Living this life 🎶
Napatingin si Clouds sa maliit na entablado
nang may bagong kumanta.
Sumalubong ang kilay niya nang mamukhaan
ang babaeng parang stick na pinahawak ng
mikropono para kumanta.
"It' spicy, spicier than pepper. 🎶
Passing by hills, hills. There is still one left
🎶
"Hmm? Unique ang boses niya, huh," ani
Luke habang nakatitig kay Seola.
"Simpleng kanta," walang ganang sabi ni
Clouds.
"Simple pero may buhay," depensa ni Luke
saka pinagmasdan ang payat na babae at
hindi naman ganoon kaganda.
"Pambata."
"Trot singer kasi siya," ani Luke. "With
proper training, magiging magaling siya.
Kulang lang sa push."
Tumayo si Clouds. "Wala siya sa listahan ko
at ayaw ko ng trot singer lang," sagot ng
binata. Napatitig siya sa mga parokyanong
pumalakpak kaya mas lalong sumigla ang
boses ni Seola.
"Pwede mo siyang i-consider--"
"No!" tanggi ni Clouds saka lumabas na ng
bar.
"Ikaw rin, hindi mo na mapapabangon ang
career mo."
"Maraming singers!" ani Clouds.
"Siya lang ang may potential."
"E di hindi na ako babalik sa entablado!"
sagot ni Clouds na tuloy-tuloy sa sasakyan.
Idinaan muna niya si Luke sa apartment nito
bago dumiretso sa hotel na tutuluyan.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong niya
kay Red na nasa lobby at tumayo nang
makita siya.
"Next day na ang audition ng Bright Star,"
sabi ni Red.
"Alas dose na ng madaling araw pero
nagpunta ka pa rito para ipaalam sa akin
ang maliit na bagay na iyan? Ano ang gusto
mo? Mag-o-audition din ako?"
pagsisinuplado ni Clouds sa pinsan.
Palibhasa ito ang acting CEO ng agency ng
ama dahil busy si Blue sa pag-aalaga kay
Avery.
"Two days lang ang audition."
"So?"
"Dalhin mo si Seola sa audition stage,"
seryosong sagot ni Red.
"Ako?" bulalas ni Clouds saka itinuro ng
sarili. "No way! Hindi kami close ng tindera
na iyon! Ikaw na lang!"
"Judge ako at hindi puwedeng ako ang
magdadala sa kaniya dahil iisipin ng iba na
may favoritism ako," paliwanag ni Red.
"Psh! Meron nga!"
"Oras na makapasa sa audition at
mapapasok mo si Seola sa Bright Star,
tutulungan kitang makapag-debut ng bago
mong album," ani Red nang maramdamang
tatalikuran siya ni Clouds. "May potential si
Seola at gusto ko ang timbre ng boses niya.
But as a president, ayaw kong isipin ng
ibang stars na kaya siya nakapasok nang
dahil sa akin."
"Iba na lang ang hilingin mo pero huwag
siya!" ani Clouds.
Tinapik siya ni Red sa balikat. "Si Seola ang
singer na gusto ko sa agency at siya lang
ang way para bumalik ang career mo. Pag-
isipan mong maigi, Clouds."
"Huwag kang umasa! Never akong papatol
sa offer mo!" Pahabol ni Clouds sa pinsan na
palayo na sa kaniya. Bakit siya hihingi ng
tulong sa isang hamak na tindera lang? Wala
naman itong appeal at star quality.
------------------------
"Kuya Pogi!" bulalas ni Astray nang makita si
Clouds sa labas ng bahay nila.
"Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni
Seola.
"Kumusta ka na, Seola?" tanong ni Clouds at
tinanggal ang shades para matitigan ang
dalaga.
"O-Okay lang. Bakit ka nandito?" sagot ng
dalaga.
"Binibisita mo po ba kami, Kuya?" tuwang-
tuwang tanong ni Astray. Ang pogi kasi ng
lalaking kaharap tapos ang bango pa.
"Baka may dinaanan lang siya," sabat ni
Seola at pinandilatan ang kapatid. Mukhang
na-startruck kay Clouds e.
"Kayo talaga ang sadya ko," sagot ni Clouds
at tinaas ang bitbit na supot. "May dala
akong hotdog at tapa para sa 'yo, Ash,"
nakangiting sabi ni Clouds at tinap ang ulo
ng magandang bata.
"T-Talaga po?" Nagliliwanag ang nga
matang tanong ng bata.
"Oo naman. Malakas ka sa akin e," sabi ni
Clouds. "May ice cream din ako at cake sa
kotse."
"Wow! Gusto ko po ng ice cream!"
masayang sabi ng batal kaya kinurot na ni
Seola ang kapatid na nawawala sa sarili nang
dahil lang sa pagkain.
"Wait lang, kukunin ko lang sa kotse," sabi
ni Clouds at kinindatan si Astray.
"Umayos ka nga!" saway ni Seola at kinurot
si Astray. "Behave ka!"
"G-Gusto ko po ng ice cream," naiiyak na
sabi ng bata habang hinihimas ang hita na
kinurot ng kapatid.
"May nangyari ba?" nagtatakang tanong ni
Clouds na kay Astray nakatingin.
"Wala," sagot ni Seola.
"Halina kayo sa loob, kakain na tayo," yaya
ni Clouds na para bang sa iisang bahay lang
sila nakatira.
"Sige po, kuya!" masiglang sagot ng bata at
hinawakan ang kamay ng binata at hinila
papasok.
"Hindi ako nakapagligpit ng bahay," sabi ni
Seola na kulang na lang ay hatakin palabas
ang dalawa.
"Hindi bahay ang ipinunta ko," ani Clouds
kaya napilitang sumunod si Seola sa loob.
"Bakit ka nandito?" tanong ng dalaga sa
binatang naupo sa harapan ni Astray.
"Kumain ka nang marami, Ash. Alam ko
namang ilang buwan o taon ka nang hindi
nakakain nang masarap," alok ni Clouds at
binuksan ang lahat ng dala saka magiliw na
pinagmasdan ang bata na sabik na sabik na
makakain nang masarap.
Lumapit si Seola sa rice cooker saka kumuha
ng kanin.
Naramdaman niya ang presensiya ni Clouds
sa likuran niya.
"Sabik kumain nang masarap na pagkain ang
kapatid mo," sabi ni Clouds kaya nilingon ni
Seola ang kapatid. Ang dungis na ng mukha
nito dahil sa ube ice cream.
"Bakit ka nandito?" Bumalik si Seola sa mesa
at inilapag ang kanin.
"Mas mapapakain mo pa ng masarap na
pagkain ang kapatid mo kapag maging sikat
na singer ka na," ani Clouds. Naupo si Seola
saka tiningala ang binatang nakatayo sa
harapan nila.
"Bukas na ang audition sa Bright Star
agency, sali ka," sagot ni Clouds kaya
napanganga si Seola.
"Pumunta ka para sa audition? Pasensiya ka
na, wala akong balak na--"
"Isipin mo ang kapatid mo,"
pangungumbinse ni Clouds. "Saan ka kukuha
ng ipapakain sa kaniya? Hindi naman
puwedeng araw-araw, pancit canton at
noodles lang ang ipapaulam mo sa kaniya!"
"May tuyo, kamatis, itlog, kikiam, sardinas,
siomai at asin pa naman kaya umalis ka na!"
pagtataboy ni Seola.
"Haist! Mag-audition ka!"
"Ayaw ko! Kung gusto mo, ikaw na lang para
bumalik ang lumubog na career mo!"
suhestiyon ni Seola saka tinusok ng tinidor
ang hotdog na dala ni Clouds. "Ano--"
Nagulat siya nang tinabig ni Clouds ang
kamay niya kaya tumilapon ang hotdog sa
plato ni Astray.
"Huwag mong kainin ang hotdog ko!" galit
na sabi ni Clouds saka nakipagtitigan kay
Seola. Napanganga naman ang bata saka
palipat-lipat ang tingin sa dalawa.
"Para lang kay Ash ang dinala ko!" giit ni
Clouds na naubos na ang pasensiya sa
dalaga.
Galit na tumayo si Seola. "Kunin mo ang
lahat ng pagkaing dala mo at lumayas ka sa
pamamahay ko!" Magpapancit canton na
lang siya para walang gulo.
"Lalayas naman talaga ako! Tsk!" sabi ni
Clouds. "Pero para kay Ash ang lahat ng
pagkain at huwag kang tumikim!"
Padabog na lumabas ang binata sa bahay
nina Seola.
"Arte! Akala siguro, maganda na! Puwe!"
bulong ni Clouds habang palapit sa kotse.
Maikli lang talaga ang pasensiya niya lalo na
pagdating kay Seola.A/n:
Fanfiction po ito ng "Lovers of Music" kaya
almost the same lang ang takbo ng story.
Pero siyempre, may ibang eksena at
pagdating sa kalagitnaan, medyo ililihis ko
na siya. Siyempre, may kakaiba pa rin sa
story na ito. Afterall, may sarili naman
akong utak kahit na medyo mapurol na.
Gosh, mapurol na talaga ang brain ko.
Mapurol na siya dati pa, pero mas pumurol
pa lalo. Hahaha!
