MY UNIDEAL GIRL
by: sha_sha0808 Ash Simon
CHAPTER 49
Unedited....
"Bakit ako ang dadalo sa meeting ninyo?"
tanong ni Seola na papasok na ang sasakyan
nila sa loob ng Westbridge campus.
"Wala na kasi si Nanay kaya ikaw na lang,"
sagot ni Sky na naghahanap ng
mapaparkingan.
"May mommy ka naman kaya sana sila na
lang," ani Seola.
"Huwag ka na kasing magreklamo, mukha ka
namang nanay," biro ni Clouds na hindi
nagustuhan ni Seola.
"Ikaw Clouds, sumusobra ka na!"
"Nanay ng mga anak ko," depensa ni Clouds
at pinatigil ang sasakyan nang makahanap
ng space.
Tinanggal niya ang seatbelt at inilapit ang
mukha kay Seola. "Huwag ka nang
magtampo, gusto ko lang na ikaw ang
dumalo ng meeting."
"I hate you, Ulap!"
"I love you, Seola," nakangiting sabi ni
Clouds at pinisil ang ilong niya. "Halika na,
para masanay ka na sa Westbridge dahil
next year, sabay na tayong papasok dito."
"Utuin mo pa ako, Ulap!" sabi ni Seola.
"Huwag nang magtampo ang mahal ko,
baba na tayo. Hmmm?"
Tinanggal ni Seola ang seatbelt at padabog
na bumaba. Hinabol naman siya ni Clouds at
inakbayan.
"Ate Seola? Na-miss kita!" tili ng isang
estudyanteng nakasalubong nila.
"Hello
"Hello, kumusta ka na?" nakangiting bati ni
Seola. Isa ito sa mga suki niya noong
nagtitinda pa siya ng pancit canton at
kikiam sa paaralang ito.
"Mabuti naman po. Sikat ka na talaga!"
masayang sabi nito at kinuha ang camera sa
shoulder bag, "pa-picture po."
"Hoy, huwag ninyong tagalan, may meeting
pa kami," sabi ni Clouds nang nagsilapit ang
iba pang estudyante.
"Sumama ka na sa amin, Clouds," yaya ni
Seola at hinila ang kasintahan para magpa-
picture sa mga ito.
"Wala ka na talagang magawa kundi isama
ako sa mga kalokohan mo," reklamo ni
Clouds nang matapos na silang magpa-
picture sa fans ni Seola.
"Masaya sila kapag makapa-picture sa 'yo
kaya huwag mo nang putulin ang
kaligayahan nila," sabi ni Seola at nginitian
ang binata.
"Oo na lang," sabi ni Clouds.
Tumuloy na sila sa meeting room. About
lang naman sa babayaran at activities nila
para sa U-week ang pinag-meeting-an.
"Puwede naman palang hindi dumalo!" sabi
ni Seola saka kinurot sa tagiliran ang
kasintahan habang naglalakad sila sa
hallway.
"Eh? Gusto kong may dumalo sa akin dahil
sina Sun, mayroon nga sila e," pagtatampo
ni Clouds.
"Inggitero ka!"
"Huwag ka nang magtampo, ililibre kita ng
masarap na ice cream," sabi ni Clouds.
"Akala ko ba, bawal akong kumain ng ice
cream?"
"One serve puwede na," sabi ni Clouds at
hinatak na ang dalaga palabas sa gate at
dumiretso sila sa ice cream house na malapit
sa school.
Ini-sway-sway ni Clouds ang naka-
holdinghands na kamay nila habang
naglalakad.
"Pango? Kiss mo 'ko," out of the blue na
sabi ni Clouds.
"Tigilan mo nga ako sa kaartehan mo, Ulap!"
"Kiss mo 'ko sa lips," sabi ni Clouds at
tumigil saka hinarang ang katawan kay
Seola.
"Clouds!" Pinandilatan niya si Clouds na
parang tanga sa harapan niya.
"Nahihiya ka? Sa cheek na lang," ani Clouds.
"Alis sa daan ko!" pagtataboy ng dalaga.
Tsup!
Nanlaki ang mga mata niya nang halikan siya
ni Clouds sa kanang pisngi saka patay-
malisya na inakbayan. "Halika na, masarap
ang ice cream kapag mainit ang panahon."
"Wala ka talagang pakundangan, noh?"
pagmamaktol ni Seola. Gusto sana niyang
iwan si Clouds pero ang higpit ng
pagkakahawak ng mokong sa kamay niya.
Nagkibit-balikat lang si Clouds at binilisan
ang paglalakad hanggang sa nakarating na
sila sa ice cream house.
Nag-order si Clouds matapos nitong
paupuin si Seola. Sa pinakadulo na malapit
sila ng CR pumuwesto.
"Kain ka na, pango. Baka sakaling tumangos
ang ilong mo sa masarap na ice cream,"
biro ni Clouds nang maupo sa tabi niya.
"Magsawa ka lang sa pang-aasar sa akin!
Tutal, diyan ka naman masaya!" napipikon na
sabi ni Seola.
"Pango, pango," nakangising sabi ni Clouds
saka tinawid ang pagitan nila at hinalikan
siya sa mga labi.
Hindi na umimik si Seola. Sasakit lang ang
ulo niya kapag patulan niya ang kasintahan.
Dedma na lang siya sa iilang nakatingin sa
kanila. Malapit na nga niyang ma-master ang
art of dedma.
"Kuya Clouds!" tili ng dalagitang palapit sa
kanila.
"Nandito ka na naman, Tin? Tinakasan mo na
naman ang bodyguard mo?" bulalas ni
Clouds sa pinsan.
"Hmm? Gusto ko pong kumain ng ice cream.
Isa pa, unli ice cream ako," nakangiting sabi
ni Tintin at ipinakita ang hawak na coupon
na ibinigay ng ina.
"E di ikaw na ang may unli ice cream," sabi
ni Clouds. "Alam mong uso ang kidnapping
ngayon at tinatanggal ang organs."
"Tumatakbo naman po ako kapag may
makita akong van," nakalabing sagot ni
Tintin.
"Bahala ka."
"Hello, Ate Seola. Ang ganda mo po," puri
ni Tintin. Simple lang ang ganda nito at
sigurado siyang walang pinaretoke si Seola.
"Salamat," nakangiting pasalamat ni Seola.
"Wait lang po, kuha lang ako ng ice cream
ko," paalam ni Tintin at lumapit sa counter.
Medyo bantay sarado siya ng ama dahil
mula siya sa angkan ng mga Lacson.
Montenegro ang kaniyang Lola Nicole na
nagmamay-ari ng Westbridge. Ang mga
Montenegro naman talaga ang may-ari
nitong paaralan, ang magkapatid na Karl at
Nicole Montenegro kaso nakapag-asawa ang
nag-iisang anak ni Karl Montenegro ng isang
Villafuerte. Ang Lola Nicole naman niya ay
naging Marcelo nang maikasal kay Leo
Marcelo kaya nawala na nang tuluyan ang
Montenegro sa kanila. At ang Mommy
Christine naman niya ay nakapag-asawa na
ng isa sa mga Lacson.
"Yes, ma'am?" tanong ng nasa counter.
Ipinakita niya ang coupon kaya napangiti
ang babae at binigyan siya ng ice cream.
"Kuya? Sa taas na ako kakain," paalam ni
Tintin at dala ang tray ay umakyat siya sa
taas.
Inilapag niya ang tray na may ice cream saka
napatitig sa litratong nasa wall.
"Ang guwapo niya," manghang bulong niya
habang nakatingala sa lalaking nasa litrato.
Matangos ang ilong, makapal ang kilay pero
mabait ang mukha. Nakita na niya ito minsan
sa mga lumang litrato ng Mommy Christine
niya. Ito ang lalaking first boyfriend ng
kaniyang ina at ito rin ang nagbigay ng
coupon para sa unli ice cream niya.
"Pelmar Santillan," usal niya sa pangalang
nakasulat sa baba ng litrato.
"May kailangan ka ba sa akin, Miss?"
Muntik na siyang mapatalon nang may
nagsalita sa likuran niya. Napahawak siya sa
dibdib at ilang beses na kumural dahil baka
namamalikmata lang siya. Ang nasa litrato,
nakatayo sa harapan niya at nginitian siya.
Napakamot ito sa ulo habang nakatitig sa
kaniya.
Muling humarap si Tintin sa litrato at
kapagkuwa'y sa binata.
Malakas na tumawa ang binata at amused na
nakatitig sa mukha ng dalaga.
"Kamukha ko talaga siya. Hindi ka naman
minumulto kaya huwag kang matakot," sabi
ng binata at napatitig sa litrato. "He's my
dad."
"G-Ganoon ba? P-Pasensiya ka na,"
paumanhin ni Tintin at napayuko dahil ang
dami na palang nakatingin sa kanila lalo na
sa guwapong nasa harapan niya.
"What's your name, Miss?" tanong ng
binata.
"T-Tintin," sagot ng dalaga at napakagat sa
ibabang labi.
"Cute," sabi nito sa baritonong boses. "Sige,
mauna na ako, Tin," paalam nito saka
tumalikod.
"S-Sandali," wika ni Tintin kaya napalingon
ang binata at hinintay ang susunod na
sasabihin niya. "A-Ano ang pangalan mo?"
Ngumisi ang binata bago magsalita,
"Pelmar," sagot ng binata. "Pelmar Santillan,
Junior. Nice to meet you, Tin."
-------------------------
"Uuwi kami ni Ash ngayon, gusto kong
magpahinga," paalam ni Seola. Nasa hardin
sila at sumusulat ng kanta si Clouds para sa
duet nila.
"Dito na kayo matulog, please," pakiusap ni
Clouds pero tinaasan lang siya ng kilay ng
dalaga.
"Abuso ka na, Ulap."
"Anong abuso? Hindi nga kita pinapatulan
kahit na tigas na tigas na ako," depensa ni
Clouds kaya malakas na hinampas siya ni
Seola sa balikat.
"Ang manyak mo talaga, Ulap!"
"Bakit? Totoo naman," ani Clouds saka
sumeryoso ang mukha. "Pango? Ne minsan
ba, wala kang naisip na kahalayan sa isipan
mo? Hindi ba umabot sa ganoon ang
imahinasyon mo sa relasyon natin?"
Biglang uminit ang magkabilang pisngi ni
Seola. Alam naman niyang kapag humina ang
depensa niya, aabot sila ni Clouds sa
ganoon.
"Huwag nga nating pag-usapan 'yan! Hindi
maganda!" sabi niya para pagtakpan ang
hiya.
"Wala namang maganda kapag ikaw ang
kausap ko," mahinang sabi ni Clouds kaya
pinalampas na lang ni Seola. Paano kaya siya
minamahal ni Clouds? Ang sweet-sweet nila
sa harap ng ibang tao pero kapag silang
dalawa lang, puro pamimintas ang naririnig
niya kay Clouds. Pamimintas pero kapag
mapikon na siya, agad itong mag-iiba at
maging ultramega lambing sa kaniya. Bipolar
e.
"Pango? Minsan, nai-imagine ko--"
"Tigilan na, Clouds Villafuerte!" singhal niya
kaya napasimangot si Clouds.
"Oo na! Hard to get mo! Pero titiisin kita
kasi mahal kita! Pero huwag mo namang
tagalan, pango. Masakit sa puson," reklamo
ni Clouds at pinagmasdan si Seola. "Alam ko
na kung bakit ganiyan ang ilong mo. Siguro,
nakaharap ka sa muningning ng nanay mo
tapos biglang pumasok ang pitotoy ng tatay
mo kaya natusok ang ilong mo."
"Walang hiya ka talaga, Ulap!" sigaw na ni
Seola kaya ang lakas ng tawa ni Clouds saka
tumayo at tumakbo nang tanggalin na ni
Seola ang tsinelas.
"Biro lang, Seola. Mahal kita kahit pango ka!
May puwet pa naman!" Lalong pang-aasar ni
Clouds habang tumatawang tumatakbo.
Napatigil si Seola nang makitang bumaba sa
sasakyan si Amanda. Ang ganda nito at kilos
pa lang ay mayaman na. Sabi ni Clouds,
dating beauty queen ito na naging
kasintahan ng Daddy Sky nila.
"Magandang hapon po," magalang na bati ni
Seola.
"Hello, Seola. Magandang hapon naman,"
nakangiting bati ni Amanda at hinalikan siya
sa pisngi. "Sina Sky?"
"Umalis po eh," sagot ni Seola.
"Ganoon ba? Naku, nakalimutan kong
tumawag bago pumunta rito," sabi ni
Amanda at napatampal sa noo.
"Magandang hapon po, Tita Amanda. Ang
ganda mo pa rin po," bati ni Sky at humalik
sa pisngi ng ginang.
"Naku, bolero ka talaga. Anak ka nga i Sky,"
natatawang sabi ni Amanda at napatitig kay
Seola.
"P-Patay na pala ang nanay ninyo," ani
Amanda.
"Opo," sagot ni Sky. "Pero nandito naman si
Seola kaya masaya pa rin ako."
"I'm happy for both of you," ani Amanda.
"Kuya Clouds! Si Kuya Moon, inaasar ako!"
tili ni Astray Czarina habang palapit sa
kanila.
"Sapakin ko makaya si Moon para sa 'yo,"
sabi ni Clouds saka binuhat si Seola.
"Kaninong anak 'yan?" tanong ni Amanda.
"Kapatid po namin ni Ash," sagot ni Clouds.
"Say hello to Tita Amanda."
"Hello po," magalang na bati ni Ash.
"A-Anak ng nanay mo, Seola?" tanong ni
Amanda na titig na titig kay Ash.
"Opo," sagot ni Seola.
"A-Astray Czarina?" mahinang saad ni
Amanda.
Napakunot ang noo ni Seola. "P-Paano mo
po nalaman ang tunay na pangalan ni Ash?"
Kahit si Clouds ay nagtataka rin sa ikinilos ni
Amanda.
"May problema po ba, Tita Amanda?"
tanong ni Clouds. Kinabahan siya sa
reaksiyon nito.
"I-I'm sorry," wika ni Amanda saka napaupo
dahil nanghihina ang mga tuhod niya at
nawalan siya ng lakas . "I-I'm so sorry,"
pabulong na paumanhin niya habang
nakatingala sa magkapatid na Seola at Ash.