prologue

8.2K 120 3
                                    

Playing Love With A School Heartthrob

by: sha_sha0808 Ash Simon

PROLOGUE

Simple lang talaga ang buhay ko at walang gana sa mga lalaki. Ayaw ko ng gulo at away kaya sa pinakamatahimik na unibersidad ako nag-aral ng kolehiyo- St.Joseph University. Dito rin naman ako nakapasa ng scholarship exam kaya go na.

Ang akala ko, ang St.Joseph na ang pinakatahimik na paaralan sa buong Pilipinas pero nagkakamali ako dahil sa halip na sa paaralan ako magwo-working student, sa bahay ako ng mga Alcarde nagtatrabaho bilang isang katulong.

Ang sabi ng iba, masuwerte raw ako dahil nakakasama ko si Preenz sa iisang bubong. Siya lang naman ang school heartthrob 'kuno' ng St.Joseph. Palibhasa anak ng may-ari. Sino ba ang hayop na nagsasabing masuwerte ako? Sino ba ang matuwa kung sa tuwing maglilinis ako, condom sa drawer at brief niyang kulay pula sa sahig ang nakikita ko? Kadiri!

Binu-bully rin ako ng girlfriend niya sa school dahil pobre lang daw ako. Gusto kong lumaban pero ang dami ng tropa ng kurdapyang iyon kaya quiet na lang ako. Hindi na ako lumalaban pero joke lang-- pakshit siya! Sino siya para urungan ko? Pasensiyahan na lang pero ako ang mahirap na hindi paaapi. Ako ang pobre na walang inuurungang kalaban!

Ako si Epokrita Matapobre aka 'Epok' for short at walang sino mang puwedeng mang-api sa isang katulad ko. Itatayo ko ang bandera ng mga katulong at higit sa lahat, papatayuin ko ang sandata ni Preenz Alcarde nang hindi ko isinusuko ang Bataan. Yes, ise-seduce ko siya. Hitting two birds in one stone para makaganti ako sa dalawa. Bago ninyo husgahan ang katulad ko, isipin ninyo muna ang paghihirap ko sa tuwing huhubad ang hayop na lalaking iyon sa harapan ko. Hindi ako mahilig sa pogi at higit sa lahat, hindi ako mahilig sa hambog kaya safe naman yata ako? Pero hayop siya! Weakness ko ang abs at may 8 packs siya.
Madalas na napipikon si Preenz sa akin kaya madalas din niyang baliktarin ang letra ng nickname ko. Hayop siya! Kinasusuklaman ko sila ng lintik na nagpangalan sa akin!

Author's note.

1. Madalas naliligaw ang mga pangalan kaya pakitama na lang po ako.

2. Hindi ako humihingi ng votes or comments para sa next chapter kaya huwag makipagplastikan sa comment. Pero kung nakakasira ang comment mo sa pagsusulat ko(psychologically), huwag ka nang magkomento pa.

3.Clichè story po ito.
School, bahay, seduce, heatthrob, mahirap, mayaman, palaban. So, wala kang makikita o mababasang bago kaya hindi rin naman interesting ang story na ito.

4. Maraming mali sa grammar, punctuations etc... Kaya kung maselan ka at perfectionist lalo na sa technicalities, huwag nang magbasa dahil magsasayang ka lang po ng oras.

5. Hindi po ako published writer kaya huwag kayong mag-expect mula sa akin dahil maliban sa ganda, wala na akong maipagmalaki sa inyo. Charot.

6. Huwag mag-expect na iiyak, kiligin ko matatawa kayo dahil hindi ko iyon maipangako. Basta ang maipangako ko lang ay magaganda tayo at pangit ang new gf ni Ex. Hahahaha!

7. Huwag ikumpara ang gawa ko sa gawa ng iba kasi kahit waley o mababa man ito sa paningin ninyo, orihinal naman na galing sa sexy kong utak.

8. Hindi ako magaling sa English kaya isusulat ko ito sa wikang nakasanayan ko pero mababaw pa rin. Hahaha

9. Kapag hindi na nagustuhan ang takbo ng istorya, palakarin ninyo at umalis ng tahimik sa account ko. Ayaw ko nang gulo.

10. Respect my story para sa ibang readers kahit na hindi ako karespe-respeto.

11. Sulat lang nang sulat pero try din nating mag-improve.

12. Well? Alam naman ng lahat na hate ko si Ex kaya pakisabing pakyu sila ng kabayo niyang girlfriend. Gosh, ang bitter ko. Sa tagal ko nang kumakain ng ampalaya, nagiging matamis at masarap na sa aking panlasa. Mamatay si Ex pero nextime na lang pala. Hindi pa siya nakakabayad ng utang. Hahaha!

*Matagal na akong nahihirapang mag-update dahil puro seryoso ang mga isinusulat ko nitong nakaraang buwan kaya gusto kong ibalik ang tunay na gusto ko kahit na mababaw man ito sa paningin ng iba. Minsan, mahirap turuan ang pusong magsulat ng mga bagay na hindi naman niya gusto o genre... Iyon ang natutunan ko nitong mga nakaraang buwan. Here's a piece of advice... Alam ba ninyong kapag may problema o depressed ang isang tao, binibigyan siya ng papel at lapis o ballpen ng psychologist o psychotherapist tapos isulat o iguhit niya ang lahat ng gusto niya para makagaan sa loob? Simple lang at mababaw sa paningin ng iba pero iyon talaga ang totoo. Ang pagsusulat ng istorya ay hindi lang para buhayin ang literatura kundi para makasagip ng buhay ng tao. Kaya nating itama ang pagkakamali sa pagsusulat pero hindi natin kayang ibalik ang buhay ng mga kabataang nagsu-suicide*

Playing Love With A School HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon