Chapter 1
Untamed Butterfly
Sapphire
"Sapphire anak!" malalakas na kalabog sa pintuan ng maliit kong kwarto ang kaagad nagpadilat sa mga mata ko.
"Anak gising na! Tingnan mo kung ano ang nasa balita, yung Ateneo Fashion Concepts, may hiring!" Ateneo Fashion Concepts? Kailan pa nagkaroon ang Ateneo ng fashion company? Tanong ko sa isip ko. Tatamad tamad pa akong bumangon mula sa pagkakahiga at saglit pang tumulala at kumurap kurap.
"Anak! Bilisan mo at baka hindi mo maabutan yung balita sa TV..!" makulit talaga itong nanay ko. Nakitang natutulog pa yung tao. Oo nga at gusto ko ng makabalik sa pagtratrabaho matapos kong matanggal bilang isang xerox copy girl sa isang kumpanya. Pero, hindi naman ako nagmamadali. Okay din naman iyong, makapag pahinga paminsan minsan. Bakit ako natanggal? Uhhmm..kasi nahuli kong kalaguyo ng matandang manager namin iyong receptionist na pagka sungit sungit. Kaya ayun, sa takot nila na baka i tsismis ko, ay gumagawa ng kwento, hanggang sa makaabot sa taas, at tinanggal ako. Dalawang buwan lang rin naman ang tinagal ko doon. At ngayon nga ay wala na naman akong trabaho.
"Ayon sa DeAntonio Fashion Concepts, dahil umano sa patuloy na pag expand ng kanilang kumpanya ay kasalukuyan silang nangangailangan ng ilan pang empleyado, para punan ang mga bakanteng posisyon.." maliit lang ang bahay namin. Halos dikit dikit lang ang mga pinto ng kwarto, at ilang hakbang lang ay sala na, kung saan naroon ang TV. Kaya dinig na dinig ko. At malinaw na malinaw sa pandinig ko ang narinig ko. Dahan dahang nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang balitang iyon, kaya naman nagkakandarapa akong bumaba sa maliit kong kama, at lumabas ng kwarto. DeAntonio Fashion Concepts! Bongga na yun! Sikat na kumpanya, at talaga namang nag gagandahan ang mga obra nila!
"Sa lahat po ng interesado sa pag aapply ay maari po kayong magpasa ng inyong mga resume sa email address na nasa screen.." agad kong inilibot ang paningin sa mga sulok ng bahay kung saan ako makakakita ng ballpen o anumang panulat. Nang makakita ay agad kong isinulat sa aking palad ang nasabing email address.
"Shhabi ko shayo hiring ang Ateneo eh.." ang nanay ko, habang ngumunguya ng pandesal na isinawsaw nito sa kape.
"Nay, hindi Ateneo, DeAntonio po.." pagtatama ko. Elementarya lang ang natapos ng nanay ko, kaya hirap ito sa pagbasa at pagbigkas ng mga salita, lalo na sa ingles.
"Eh..ganun na rin iyon.." anito na ikinumpas pa ang kamay.
"Naku Nay! Ito na ang pagkakataon ko! Sigurado akong matatanggap ako dyan!" masaya kong sabi.
"Eh ano naman ang alam mo sa ganyan anak? Hindi ba at secretary naman ang tinapos mo? Bakit gustong gusto mong makapasok sa ganyang kumpanya?" takang tanong nito.
"Nay naman, alam nyo naman na ang gusto ko talaga ay maging isang designer eh, pangarap ko yun, baka ito na ang simula ng mga pangarap ko Nay!" nasasabik at kinikilig ko pang sabi.
"Eh ano ba ang aapplyan mo?" muling tanong nito.
"Edi ano pa Nay, edi designer! Wala naman akong ibang gustong maging trabaho dyan kundi designer..Wow..na iimagine ko na yung magiging unang obra ko Nay.." nangangarap kong sagot dito.
"Naku Sapphire! Mag almusal ka na nga at baka gutom lang iyan..tawagin mo na muna ang Tatay mo ng makapag kape na rin.." pagtataboy nito sa akin. Nakanguso naman akong sumunod sa utos nito, at tinungo ang pintuan palabas kung saan naroon ang aking tatay na hanggang ngayon ay nagkukumpuni pa rin ng karag karag naming jeep.
"Tay! Mag almusal na po muna tayo!" Aya ko rito, habang bahagyang nakadungaw sa ilalim kung saan ito nag kakalikot ng kung ano.
"Paki abot mo nga anak iyong plais at hindi ko maikot itong turnilyo.." agad ko namang iniabot rito ang plais. Maya maya pa ay lumabas na ito at tumayo.

BINABASA MO ANG
Untamed Butterfly (Completed)
Storie d'amoreUntamed Butterfly "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area, please try your call later.." "Stop the nonsense Sapphire. Why are you not here in the office? I need coffee now." Wow. Akala mo kung magsalita siya, walang...