Prologue

29 0 0
                                    

Nagtataka ako...totoo ba ang pagmamahal sa mundong ito? May pagmamahal nga ba sa mundong ito?

Katanungan pa ba iyon kung saksi na rin naman ako sa mga nagmamahalan ng mga nilalang at kahit kailan ay hindi sila nag wagi sa pagmamahalan na 'yon.

Laging nauuwi sa trahedya.

Pumikit ang babae at hinayaan ang sarili niyang malunod sa tubig. Hanggang sa ilalim ay dama niya pa rin ang sakit ng pagkawala ng kaniyang ina. Dalawa silang magkapatid ngunit higit siyang malapit sa ina. Hindi niya rin gusto ang mga nangyayari sakaniya simula nang mawala ang kaniyang ina.

Kung maaari lang na sa pag ahon ko rito ay wala na akong problemang haharapin. Sambit niya sakaniyang isipan at minulat ang mga mata sa tubig. Blanko ang kaniyang isipan at hindi niya rin magawang kumurap dahil mas gusto niyang maramdaman ang pananakit sakaniyang mga mata kesa sa sakit ng kaniyang puso.

"Mahal na prinsesa, paparating ang iyong amang hari." Anunsyo ng kawal sa labas ng kaniyang kwarto.

Labag sa kaluoban niya ang umahon at lumabas ng paliguan. Nakasuot na siya ng puting damit na hanggang sa paanan niya ang taas. Humalukipkip siya at hinintay ang pag luwa ng pintoan sakaniyang Ama. Ilang segundo lang ang hinintay niya, agad siyang yumuko at pinag saklop ang sariling kamay.

"Ilang buwan ka ng nakakulong rito, Kailangan mong lumabas at makipaghalobilo sa mga Strega sa ating emperyo lalo na't ikaw ang susunod sa aking yapak" Seryusong sambit ng kaniyang ama.

Nagbaba siya ng tingin. Gusto niyang magalit sa ama dahil para lang wala sa ama nito na nawalan siya ng ina. Ni' hindi niya nakitang nag luksa ang kaniyang ama. Trono at kapangyarihan, 'yan nalang lage ang iniisip ng kaniyang ama. Minsan ay napapaisip siya kung may puso pa ba ang lalaking ito.

"Mamaya gaganapin ang kasayahan ng mga strega, dapat lang na naroon ka kaya dapat ay makita kita mamaya sa kasayahang mangyayari. Utos ito ng hari na dapat mong sundin" Puno ng autoridad na sambit ng kaniyang amang hari "Wag kang maging sakit sa ulo, Herena"

Nag angat ng tingin si Herena at mariing tinitigan ang kaniyang ama.

"Sakit sa ulo? Nag luluksa ako, ama. Alam kong hindi ninyo alam ang pakiramdam ng nawalan ng mahal sa buhay dahil wala ka namang minahal sa mundong ito puwera nalang sa trono at kapangyarihan ninyo" Mariing sambit ni Herena.

Hindi nagkaroon ng reaksyon ang kaniyang ama sa sinabi nito. Nanatili itong seryuso at parang wala lang ang kaniyang sinabi.

"Wag mong subukang hindi ako sundin, Herena." Huling katagang iniwan ng kaniyang ama bago ito tumalikod at umalis.

Puno ng inis siyang umupo sa kama at tumitig sa kawalan. Kaba at takot ang kaniyang nararamdaman, kaba dahil sa mangyayaring kasayahan mamaya at takot dahil wala na ang kaniyang ina para umalalay sakaniya. Hindi siya masyadong sanay na humarap sa mga tao nang hindi kasama ang kaniyang ina.

NAALIMPUNGATAN si Herena nang marinig niya ang pagkatok sa labas. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Bumuntong hininga siya at bumangon. Umupo siya sa kama at tumingin sa pintoan.

"Mahal na prinsesa, nandito na po ang maganda ninyong katulong!" Maligayang sambit ng babae sa labas.

Tipid na ngumiti si Herena nang marinig ang boses ng babae.

"Pasok" Wika niya.

Agad na bumukas ang pinto at bumungad do'n ang dalagita na may malawak na ngiti habang may dalang malaking kahon. Humubog sa katawan nito ang suot niyang pangkatulong at makalaglag panga ang kagandahan ng katulong na ito. Siya ang paboritong katulong ni Herena lalo na't kasabay niya itong lumaki at parang kapatid niya na rin ang turi sa babae.

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon