Chapter Fifty one

23 0 0
                                    

SAIJALE

Funny how once a human become a princess and most powerful witch in the other world. Some says I can ruin this world just a one word that will escape in my mouth. Other says I can kill a lot of supernaturals just by using my power.

What they don't know...

I'm still the human who's afraid of death. A powerless human and a soft hearted, Fragile person.

Matapus ang kaarawan ko ay kinailangan kong pag aralan ang pagiging prinsesa. Kinailangan kong lumabas ng palasyo para salubungin ang mga nilalang na may iba't-ibang tingin mula pa nong nakalabas ako ng palasyo.

May mga humahanga at natatakot, marami namang galit at malungkot na nakatitig sa akin.

I know the history now. Alam ko na ang lahat.

I understand all of them. They're feelings and emotions are valid. Ginusto lamang nilang mabuhay ng payapa at masaya ngunit dahil sa pag mamahalan na hindi nararapat mula sa itaas ay nadamay sila.

Nang makabalik ako sa palasyo ay agad akong sinalubong ng isang kawal. Lumuhod ito at yumuko sa akin.

"Pinapapunta kayo ng master, mahal na prinsesa"

Bumuntong hininga ako at nag lakad na papunta sa silid kung nasaan ang throno ni ama. Nang makapasok ako ay agad akong lumuhod sa harap ng throno niya.

Itinuro rin ito sa akin. Kahit nasa mataas kang posisyon ay nararapat mong luhuran ang mas nakakataas sayo. Kahit pa kadugo mo ito.

"Pinatawag niyo raw ho ako?"

"Maaari ka ng tumayo, Saijale"

Tumayo na ako at ngunit nanatili akong nakayuko.

"Natapus mo ba ang pag babasa ng mga nararapat at mga hindi dapat? Mga batas na nararapat sundin at respetohin?"

"Opo, ama"

"Ang mga librong binigay ko sayo, natapus mo na ba itong basahin?"

"Opo, ama"

"May iuutos ako saiyo. Mirong traydor sa palasyong ito...gusto kong ikaw ang humuli sakaniya"

Nag angat ako ng tingin sakaniya "A-ama...H-hindi ko..."

"Saijale. Ikaw ang susunod na uupo sa tronong ito, habang maaga pa ay dapat alam mo na ang gagawin mo. Alam kong masyadong mabigat ang inuutos kong ito ngunit sa dadating na mga panahon ay nasisiguro kong mas may mabigat pa na gawain ang ibibigay sayo"

"Ngunit, ama..."

"Patunayan mong isa kang Flerou na nararapat sa posisyong ito"

Natulala ako sa sinabi niya. Pano ko gagawin ang bagay na hindi ko alam kung paano sisimulan?

"Mamayang gabi ay pupunta ang mga konseho rito. Dapat ay nasa tabi kita at ikaw ang humusga sa isa sakanila. Gusto ko ring kumuha ka ng ebidensya sa konsehong iyon"

Muli akong nag baba ng tingin at hindi na umimik.

"Maaari ka ng bumalik sa iyong silid"

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon