Chapter sixty seven

5 0 0
                                    

Someone's Point Of View

"Nagsisimula na siyang mag hanap ng mga crystal, Suprema" balita sa'kin ng aking katiwala.

Sumimsim ako sa aking kopita at ngumisi.

"Tayo dapat ang unang makakakita no'n" Diin ko sakanila.

Itinapon ko ang kopita ko at mabilis na lumapit sa aking katiwala. Kinuwelyuhan ko ito at sinandal sa pader dahilan para magkaroon ng panibagong lamat ang aking pader. Nanginginig ito sa takot habang sinusubukang wag akong tignan.

"Unahan mo siya..." Binitawan ko siya at tumalikod "Hindi maaaring makita niya ang mga crystal lalo na ang kahoy na magiging dahilan ng kaniyang kamatayan"

Ako dapat ang makakahanap no'n. Sisiguraduhin kong sa akin mapupunta lahat ng crystal at isang araw ay ako mismo ang papatay sa anak mo, Herena.

Isa lang ang sa tingin ko ay makakatulong sa akin. Isa lang ang may pakinabang sa akin.

Ngumisi ako.

Ang babaeng malapit sakaniya, ang babaeng hindi niya aakalaing tatraydor sakaniya.










SAIJALE

"Parang awa niyo na, pakawalan niyo ako! Tulong! Tu—hmmp!"

Mabilis na tinakpan ni Alaina ang bibig nito. Agad na pumikit si Alaina at isinambit ang mga salitang inutos ko sakaniya. Nawalan ng malay ang babae at nang matapus ang mga salita na itinuro ko kay Alaina ay tuluyan ng bumagsak ang babae kaya nagmulat si Alaina at agad na napangiti.

"Tignan mo, ate Sai! Nagawa ko!"

Ngumiti ako "magaling, Alaina"

Tumawa ito na parang bata na nabigyan ng laruan na gusto niya.

Hinawakan ko ang kamay ng babae at pumikit sabay sabi ng mga salitang kailangan kong isambit para magtagumpay. Nang magmulat ako ay tinignan ko ang dalawa. Nakamaang sila habang titig na titig sa'kin.

"Sugurado ka na ba d'yan, mahal na prinsesa?"

"Sai, Astil." Huminga ako ng malalim at binitawan ang kamay ng babae saka tumingin sa salamin "Kailangan ko 'tong gawin..." Tumingin ako sa babae at hinaplos ang pisngi nito "Pahiram muna"

Kinumutan ni Alaina ang babae. Para lang itong mahimbing na natutulog.

Tumayo ako at tinignan ang kabuuan ko sa whole body mirror dito sa kuwarto. Inayus ko ang buhok ko at hinawakan ang sariling mukha.

Matambok ang mga pisngi at bilog ang mga mata, may maliit na labi at kasing puti ng gatas ang kaniyang balat. Ngumiti ako. Ang ganda niya. Kailangan ko munang hiramin ang anyo niya nang sa ganoon ay magawa ko ang misyon ko dito at makabalik na kay ama.

I never imagined that this day will come, the day that I needed to take someone's identity just like what my mother did.

Kinuha ko ang envelope na dala ng babae. Tinignan ko ang laman no'n. All of it was just a papers of her identity. Her name is Rejana Lia Geum. She graduated as a chef.

A smile form in my face. Such a wonderful timing. Base sa loob ng envelope ay mag a-apply siya.

Everything is getting easier.

Humarap ako sa dalawa "Hindi kayo puwedeng sumama sa'kin" I told them.

"Ngunit, Ate Sai..."

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon