Chapter Nine

7 0 1
                                    

VLEARIE

I can't do this! Napapikit ako at halos manginig ako sa pangdidiring naramdaman ko. Takot ang nararamdaman ko sa mga bampira habang pandidiri naman sa mga Strega at Lobo.

"Wag kayong tatakbo" Mahinang banta ni Alera.

Tumakbo na si Sai at gustong-gusto kong sumunod sakaniya lalo na't nasusuka na rin ako!  My eyes glued at the guy sucking that girls neck, He was enjoying his breakfast. That guy from the traffic. Hindi ko alam kung bakit napatitig ako sakaniya. All I know is seeing him sucking that blood was terrifying.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang tumingin siya sa dereksyon ko kaya nag tama ang mga mata namin. Titig na titig siya sa akin habang sinisipsip ang leeg ng babaeng pinapatay niya. I saw a smirk in his lips. He let go the girl. Agad na bumagsak ang katawan ng babae sa sahig. Pinahiran niya ang labi niya na may dugo sa gilid at kinindatan ako bago nag hanap ulit ng makakain.

Tumingin ako sa babaeng bumagsak. Her eyes is open same as her mouth, He become pale in just a second.

Mahihilo ata ako.

Para akong nanghihina lalo na't naka tingin sa dereksyon ko ang walang buhay na babae.

"Bakit Hindi niyo kinakain 'yan?" Tanong ng isang Strega na nasa tabi ni Alera.

Tumingin si Alera sakaniya habang nag iwas naman ako ng tingin lalo na't nakita kong ngumunguya pa rin nong karneng hinanda nila sa amin.

Napakapit si Gley sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.

"Gusto mo? Iyo nalang." Sambit ni Alera.

Nang laki ang mata ng babaeng Strega "Talaga? Pero...paminsan-minsan lang tayong makakain nito, sigurado kang ibibigay mo ito sa akin?"

"Oo, nakakasawa rin 'yan lalo na't lage kaming kumakain niyan nong nasa labas palang kami ng paaralan na 'to" Pag sisinungaling ni Alera.

Tumango ang babae at agad na kinuha ang plato ni Alera. Binigay rin namin ang amin sa mga katabi namin. Masaya nilang kinakain 'yon habang nandidiri kaming pinapanood ang lahat na mag saya sa pag kain nila.

Bumalik na rin si sai. Tahimik lang ito habang naka baba ang tingin, iniiwas niyang tumingin sa paligid. Alera look at her with a worried look. Tulad nong makita namin siya kahapon ay naging gano'n nanaman siya ngayon, maputla at parang hinang-hina. Pinagpawisan rin siya na para bang tumakbo siya pa balik rito.

"H-hindi ko na kaya—aurgh"

"Fuck—Gley!" Agad akong napapikit nang maamoy ang suka niya sa uniporme ko.

"Anong nangyayari?"

Tumigil ang lahat at tumingin sa Dereksyon namin. Mabilis na lumapit si Lady Jhung at tumingin sa aming apat.

"Miron pong gumagamit na itim na kapangyarihan sa aking mga kaibigan." Alera immediately stood up.

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ni Lady jhung at tumingin kay Alera.

"Si Sai po ay gabi-gabing hindi pinapatulog dahil ginugulo ng Strega na ito ang kaniyang ulo habang ang isa ko pong kaibigan na si Gley ay parang pinasuka niya po ito ng sadya" Agad na paliwanag ni Alera.

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon