Chapter Sixty two

3 0 0
                                    

Hindi ko alam kung anong iniisip ko basta nalang akong sumugod kay Lady jhung nang makabawi ako. Tahimik ang Academy nang makapasok ako, nagkaklase ata. Dumiritso ako sa opisina niya, wala ng katok o ano pa, basta nalang akong pumasok.

Nang makita niya ako ay agad siyang yumuko "Mahal na prinsesa..."

Umupo ako sa visitor's chair at senenyasan siyang umupo sakaniyang upuan. Nilapag ko sa harap niya ang librong may kakaibang sulat. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo at tumingin sa akin. Bumaling ulit siya sa libro nang tignan ko siya. Inabot niya ito ngunit biglang umilaw ang libro kasabay no'n ang pag layu niya sakaniyang kamay. Napahawak siya sa kamay niya at tumingin sa libro.

"A-ang lamig...lamig na kahit sino man ay hindi makakayang hawakan. Kakaiba ang libro na ito, mahal na prinsesa"

Bumuntong hininga ako at kinuha ang libro. Binuklat ko ang libro at pinakita sakaniya ang nakasulat doon ngunit binigyan niya lang ako ng nagtatakang tingin.

"Walang laman ang libro?"

Tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niya. Tinignan ko ang libro pero gano'n pa rin naman, may nakasulat pa rin. What does she mean na wala?

"Lady Jhung..." May pagbabanta sa boses ko "Wala akong panahon sa biruan kaya kung maaari ay diretsuhin niyo ako kung ano ang librong ito"

"Ngunit mahal na prinsesa, wala talagang laman ang libro. . .teka. . .naalala ko na, may librong binabasa ang reyna noon, sa tuwing sinisilip ko ay wala naman akong nakikitang letra, pinasa niya ito saiyong ina bago siya mamatay at tulad ko ay blankong pahina lamang ang nakikita niya"

"Hindi kita maintindihan"

"Wala po talaga akong alam kung anong miron sa librong 'yan at tanging ang reyna at ikaw lang ang nakakakita sa nakasulat"

Tumitig ako sa libro at agad na nakuha ang ibig sabihin ng lahat ng nangyayari...

Nakatadhana akong Magmay-ari ng librong ito. Pero bakit ako? Bakit hindi si ina? Bakit hindi ibang strega? Dahil ba lahat ng nakasulat dito ay ako lang ang may kakayahang gumawa ng lahat ng hindi maipapaliwanag na kapangyarihan?

Kailangan ko ng umalis...

Bawat oras na tumatakbo ay may mga nilalang na namamatay.

"Gusto mo bang bisitahin ang iyong mga kaibigan?" Maingat na tanong ni lady jhung.

Umiling ako "hindi muna sa ngayon...may kailangan pa akong gawin" matapus kong sabihin 'yon ay tumayo na ako at lumabas sakaniyang opisina.

Sakto at naglabasan ang mga studyante. Bumuntong hininga ako at ginamit ang kapangyarihan upang hindi nila ako mapansin o makita. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakita ko si Alera at Vlea na naglalakad sa hallway. Tawa ng tawa si Vlea habang tahimik lang na nakikinig si Alera.

"Nakita mo ba kung paano siya napahiya, God! It was so funny!"

"Tama na, baka may makarinig pa sa'yo at pag initan ka ng mga strega, Vlea" mahina at seryosong saway ni Alera sakaniya.

Tumigil ako at pinagmasdan sila hanggang sa tuluyan na nila akong madaanan. Lumingon ako sa gawi nila at marahang inangat ang kamay para sana abutin ang kamay ni Alera pero nakalayo na ito.

At least I saw them, they're happy and continue living their new life, they finally embrace the strength that they have.

I just hope that they will use this in good way and never do the thing that we despise about the vampires...using their strength to kill some innocents.

Nag madali akong umalis sa academy hanggang sa mapadpad ako sa isang tahimik na lugar. Again I focus my power to do the portal.

Shit.

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon