LIMANG BUWAN....
Limang buwan akong tulog. At sa bawat araw na lumilipas habang natutulog ako ay isang trahedya ang nangyayari sa Ravor. Mag iisang daan na ang namatay sa sakit na kumakalat sa lugar na ito. Hindi maipaliwanag ng mga babaylan at iba pang manggagamot sa mundong ito kung ano ang sakit na ito. Wala pang nakaligtas sa kung sino man ang madadapuan ng sakit na ito.
"Mainam siguro na patayin ang mga nasa labas nang sa ganoon ay matatakot silang pumunta rito. Hindi maaaring magpakalat-kalat sila sa labas, Master."
Kung siguro at isang patalim ang aking mga mata ay baka kanina pa itong duguan na nakahandusay sa harap ko dahil kanina ko pa siya tinutusok ng masamang tingin.
Ang konsehong ito ay talagang nag papaubos ng pasensya ko.
"Mawalang galang na, Konsehong Jehkre ngunit hindi ako sang ayon sa iyong pinaplano" huli na para pigilan ko ang sarili ko sa pag salita.
"Kung ganoon mahal na prinsesa may mas maganda ba kayong plano para masolusyunan ang problemang ito?"
Kinagat ko ang labi ko at nag baba ng tingin. Sana nanahimik na lang talaga ako.
"Kapag nag tagal sila diyan sa labas ay maaari tayong mahawa sakanila. Master, hayaan niyo akong solusyonan ang problemang ito, bigyan niyo ako ng permiso upang paslangin ang sino mang mag tangkang umapak sa labas ng kaharian ninyo. Hayaan niyo akong mag lagay ng hangganan sa kanilang magagalawan"
Kumuyom ang mga kamay ko. Hindi maaari.
"S-si mom-ina..." Tumingin sa akin si ama nang magsalita ako muli.
Na alala ko na...
Nong pumasok ako sa isang pintoan na may naglalaman na nga aklat, akala ko isang karaniwang mga aklat lang ngunit natuklasan kong hindi pala. Hindi ko ito masyadong pinansin noon pero may nabasa ako sa isang shelf...nakasulat iyong sa letrang tanging strega lang ang nakakabasa. Ang librong iyon ay may nakasulat sa cover na Kapangyarihang nagpapagaling nang mga sakit. Eùsìøßtøìs, in english healing power.
"Kung may makakatulong at makakagamot sa mga nilalang na nasa labas ay si ina 'yon. Hindi kailangang dumanak ang dugo sa lugar na ito, ako mismo ang mag dadala kay ina dito!" Bumaba ako at lumuhod sa harap ni ama "Master! Hayaan niyo akong pumunta sa mundo ng mga tao upang puntahan si ina at dalhin siya rito."
Binalot ng katahimikan ang lahat. Nanatili akong nakaluhod habang nakayuko sa harap nito. Ramdam ko ang mga titig ni ama sa akin at doon pa lang ay alam ko ng nag dadalawang isip siyang payagan ako.
"Master, isa akong prinsesa na may responsibilidad sa mundong ito. Hindi ako maaaring manahimik lamang sa gilid at pakinggan ang mga hinanakit ng ating nasasakupan. Hayaan niyo akong gawin ang trabaho ko, ama."
"Saijale...."
"Nakikiusap ako, master"
Narinig ko ang pag buntong hininga niya "Hindi ka maaaring lumabas sa mundong ito ng mag isa. Mapanganib ang mundo ng mga tao para sa isang prinsesang katulad mo, Saijale."
"Kung ganoon ay hayaan niyo akong samahan ang iyong anak sa misyong ito, master"
Napatingin ako kay Hefelyo nang lumuhod ito at tulad ko ay nakayuko rin ito.
"Hayaan niyo akong protektahan ang mahal na prinsesa, ibubuwis ko ang buhay ko para sakaniya, hindi ako mag dadalawang isip na matalsikan ng dugo kapag may magtatangkang lumapit sakaniya"
Tumitig ako sakaniya.
Muli kaming binalot ng katahimikan. Ramdam ko na ang pananakit ng tuhod ko at panginginig ng mga kamay ko. Tumingin ako kay ama at binigyan siya ng nakikiusap na tingin. Nag iwas siya ng tingin at bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
Our Lifeless Love (Ongoing)
FantasíaCan we love without life? Can we live without love? What is life without love... What is Love without life... Isang Academy na nakapukaw ng interest ng apat na babae... Because of curiosity the four girls entered the Academy, What they don't know...