Chapter Thirty

8 0 0
                                    

SAIJALE

TAHIMIK kong ginagawa ang inutos sa akin ng president nang biglang may sumabog sa labas kaya agad akong tumakbo sa kinaroroonan ng pag sabog at agad na napatakip ng bibig nang makitang naka higa na ang walang buhay na katawan ni Leo! Agad akong napatingin sa paligid.

Wala man lang bang gagalaw?!

Hindi ba nila lalapitan si Leo?!

What the hell is happening?!

"Magandang Araw, Binibini"

Agad akong nag mulat ng mga mata at tinignan ang lalaking nag salita. Nakahinga ako ng maluwag nang magising ako, Panaginip lang pala. Damn!

"Pres?"

He smirk and slowly shook his head kaya nag salubong ang kilay ko "Mali" Aniya.

"L-leo" Mabilis akong tumayo at lumapit sakaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit "Na miss kita!"

"Ramdam ko nga" Ginantihan niya ako ng yakap.

Mabilis na natapus ang araw na si Leo lang ang tanging kausap ko. Hindi niya sinabi kung ano ang ginawang parusa nila sakaniya, ayaw ko rin namang buksan ang usapan na 'yon dahil baka gusto niya ring kalimutan. Subrang bilis ng panahon, parang kailan lang nong pumasok kami rito ngayon ay mag da-dalawang buwan na pala kami.

Tahimik ang paligid nang mag lakad ako sa pasilyo dala-dala ang inutos ni pres na halamang iinumin niya raw. Natagpuan ko si Alera na nakatitig sa isang babaeng nag tuturo. Ngumiwi ako at lumapit sakaniya.

"Dapat ay mag handa ka na, maya-maya lang ay mag sisimula na ang pang huling klase ng strega sa araw na 'to"

Tumingin siya sa akin at tumango "Hm."

Yumuko siya at tinalikuran na ako para mag tungo sakaniyang silid. Bumuntong hininga ako at nag patuloy na sa pag lalakad.

Nang makaharap ko na ang pinto ng opisina ni Drixious ay akma ko ng bubuksan 'yon nang marinig ang boses ni Lady jhung ay napatigil ako. I should walk away and let them talk, I should respect their privacy! Pero hindi ko magawa.

"Paparating na siya, Drixious"

"Kailan daw?"

"Sa susunod na linggo."

Sino? Sino ang dadating? Base sa boses ni Lady jhung ay para itong nababahala na para bang natatakot siyang makaharap ang sinabi niyang paparating.

"Kakailanganin ng dalawang studyante na sasama sakaniya sa pag lakbay sa bayan, wala akong ibang maisip kundi ikaw ang isama nila, sana ay ayus lang saiyo"

"Pag iisipan ko."

Mabilis akong tumakbo papunta sa hagdan nang marinig ang yabag ni Lady jhung. Umakto akong kakaakyat lang nang mag salubong kami, yumuko ako bilang pag pakita ng respeto sa nakakataas na babae dito sa Nostrum. Hindi niya ako pinansin, nag patuloy lang siya sa pag lalakad.

Nang makapasok ako sa opisina ng president ay hindi ko na napigilan ang bibig ko "Sinong dadating?"

Nakaharap siya sa malaking glass window kung saan tanaw mo ang kagubatan. Nakahalukipkip ito at mukhang hindi napansin ang pag dating ko. Nakita ko sa repliksyon ng salamin ang pag kunot ng noo niya.

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon