VLEARIE
Dahil medyo curious na rin ako sa mundong pinasok ko ay sumama ako kay Alera sa Library. Hindi ko inexpect na kasing laki na pala ng bahay ko ang library nila...mas malaki pa nga ito. Mga oldies na rin ang libro pero in fairness walang alikabok.
Imbes na about sa History ng mga bampira, lobo at strega ang babasahin ko ay nauwi 'yon sa Romance na ginawa ng isang sikat na mag susulat rito sa pilipinas. Akalain mo 'yon, may romance pala dito. Pero walang masyadong tao rito, nabibilang lang ang mga pumupunta dito. Sa kwarto daw kasi nila binabasa ang kinukuha nilang libro rito.
Akala ko Romance binabasa ko, Shangina, Ang brutal! Naiimagine ko kung paano dumikit ang ngipin sa leeg ng babae at itusok 'yon sabay diin no'n hanggang sa masipsip nito ang dugo at hanggang sa mabali ang leeg ng babae dahil sa pagiging agresibo nito! Omegesh! Yokona!
Mabilis kong sinira ang libro at agad na tumayo para ibalik 'yon sa shelf. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang binabalik 'yon sa taas. Doon kasi 'yon naka pwesto kanina.
Tumingkayad ako dahil mukhang kulang ang height ko sa taas ng shelf. Ayaw talaga maabot!
Oy! Baka isipin niyo pandak ako...Although cute 'yong mga pandak but No, I'm actually 5'4. Sakto lang ang height ko, sadyang mataas lang ang shelf.
I bit my lower lip and tried to put the book back. Kunti nalang—
Ang akala ko ay matatamaan na ng mga libro ang mukha ko! Shit! That was close! May nasagi kasi akong libro at mukhang nawala sa balanse ang mga 'yon. Napapikit pa ako sa takot.
Wala naman akong naramdamang masakit kaya minulat ko ang mga mata ko.
"Ayus ka lang ba, binibini" Malalim ang kaniyang boses, Maputla ang kaniyang balat ngunit may mapupula naman itong labi.
Tumingin ako sa pangalan niya at agad na tumango.
"Oo, salamat" Napakamot ako sa batok ko at nag baba ng tingin.
"Bakit hindi mo nalang kasi ginamit ang kapangyarihan na miron ka?"
"H-huh?" My mouth half opened.
Umayos ka Vlea! Bampira ang kaharap mo!
"A-ahh...hahaha, Iniipon ko ang lakas ko"
Ngumisi siya at tumango, Halatang hindi naniniwala sa sinabi ko. Ngumuso ako at nag baba ng tingin. Gusto kong tumakbo pero masyado ata 'yong kahina-hinala. Isang strega? Tapus tatakbuhan ang bampira? Tsh. Isang angat ko lang sa kamay ko lilipad na 'to sa labas ng library, kung Strega ako.
"Kung ganon ay maiiwan na kita"
Tumingin ako sakaniya "S-salamat ulit...Treou" I force a smile before I left him.
Iiwan niya rin naman ako do'n kaya inunahan ko na siya.
Bumalik ako sa pwesto namin kanina ni Alera pero wala na siya do'n! Nasan na 'yon? Naka kunot ang noo ko habang hinahanap siya sa paligid. Where is she? Nang mabigo ako sa pag hahanap sakaniya gamit ang mata ko ay lumabas na ako at dumiritso sa kwarto ko.
Ilang minuto lang din ang lumipas nang mag announce nanaman si Lady Jhung na lahat ng Strega ay pumasok na sa klase namin which is...About nanaman sa mga halaman.
BINABASA MO ANG
Our Lifeless Love (Ongoing)
FantasyCan we love without life? Can we live without love? What is life without love... What is Love without life... Isang Academy na nakapukaw ng interest ng apat na babae... Because of curiosity the four girls entered the Academy, What they don't know...