Chapter Nineteen

2 0 0
                                    

SAIJALE

AYOKO NA!

I can't take this anymore! Kanina pa ako pa akyat baba sa paaralang ito dahil sa walang hiyang blue eyes na lalaking 'to! Ginawa akong katulong amp!

"Hindi ito ang lasa no'n, bigyan mo ako ng iba"

I sighed. Tinitigan ko siya at inis na napakuyom "Ano ba kasing halaman ang hinahanap mo?!" Inis kong tanong.

"Basta, alam ko ang lasa pero hindi ang itsura, mag pintas ka ulit doon"

Bweset!

Padabog akong lumabas sa opisina niya at halos sirain ko ang pinto niya sa pag sira no'n. Naka salubong ko si Iuha pero hindi ko na siya pinansin dahil sa subrang inis ko sa walang hiyang presidente na 'yon!

"Saijale..."

Tumigil ako sa pag lalakad at nilingon siya. Lumapit siya sa akin at ngumiti.

"Ang iyong kaibigan ay naka balik na"

Napangiti ako "Talaga? Nasan siya nga—"

"Ang utos ko ang iyong unahin, Binibini"

Inis akong napatingin sa lalaking naka sandal sa pader at naka halukipkip. Nakayuko si Iuha at pinag saklop ang sariling kamay. I rolled my eyes on him and walk away.

Tulad ng utos niya ay pumunta ako sa garden at hinanap ang sinasabi niyang halaman. Namimitas ako nang biglang may humila sa akin paalis roon. Agad akong tumingin sa lalaking humila sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala kung sino ito.

He was the man who investigated this school. The police man.

"Alam kong alam mo kung nasan si Vlea, you two are friends, right?"

Kumunot ang noo ko. Hinila ko ang kamay ko pa alis sa pag ka hawak niya "Hindi ko alam ang sinabi niyo"

Siya kaya ang tinaguan ni Vlea nong pumunta sila dito?

"Saijale, Alam kong isa ka sa mga kaibigan niya" Huminga siya ng malalim "Sabihin mo lang sa akin kung nasan siya...ligtas naman siya diba?"

"Sino po ba kayo?" Bakit parang makapag alala siya kay Vlea ay kapamilya niya ito?

"Ginugulo ka ba ng lalaking ito, Sai?"

Napatingin ako kay Filya at ngumiti sakaniya tsaka umiling "Hindi, ayus lang..." Bumaling ako sa lalaki "Wala po akong alam sa sinasabi ninyo" Sambit ko bago siya iwan doon.

Bumuntong hininga ako at bumalik sa Garden. Tinitigan ko ang mga halaman doon pati mga dahon ay hindi nakalagpas sa akin. Ngumiwi ako at pinikit ang mga mata ko. May nabasa ako sa libro na binigay ni Leo noon, Kapag may hinahanap kang hindi mo mahanap ay ipikit mo lang ang mga mata mo, focus at wag mag isip ng kung ano-ano, tanging ang hinahanap mo lang ang isipin mo.

Nag mulat ako nang may larawan ng halaman ang nakita ko. Tumingin ako sa halaman na 'yon at agad na pinitas 'yon. Bumalik na rin ako sa opisina ng lalaking 'yon at binigay sakaniya ang halaman na hinahanap niya. Naka ngiti pa ako, I'm proud of myself.

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon