SAIJALE
"Darling..."
Nag mulat ako ng mga mata at tumingin sa paligid. I'm at the Academy. Kunot noo akong naglakad sa pasilyo. Tahimik ang buong paligid, tanging ang paghinga ko lang ang aking naririnig. Sinubukan kong buksan ang pinto na nahahawakan ko pero lahat ay walang isang nilalang ang nandoon.
"We can't stay here!"
Napatingin ako sa likuran ko nang makita si Vlea, Gley, Alera at....Ako?
"Wala na tayong magagawa hindi tayo maaaring lumabas." Diin ni Alera.
"So what? Ma e stay nalang tayo dito, ohh...Pag nalaman nilang tao tayo katapusan nanatin!"
"Shut your mouth at baka may makarinig pa sayo!" Inis na sambit ko.
"Vlea...Alera...Gley..." Napa-atras ako nang tumagos sila sa akin.
Sinubukan ko silang sundan pero biglang nag laho ang mga ito at biglang dumilim ang paligid. Natigil ako sa paglalakad at magsasalita na sana nang biglang lumiwanag ang paligid at sa isang iglap ay nasa classroom na ako ng dati naming paaralan.
"Mag confess ka kaya puro ka pa letter" napailing na sambit ni Vlea habang papasok na sila dito.
"Bantayan niyo ang labas" utos ni Gley. Pareho kaming napairap ni Vlea at lumabas kasama si Alera at doon nag bantay.
Hinalikan pa ni Gley ang letters bago ito pinasok sa bag ng crush niya.
Mapait akong ngumiti at pinigilang wag maiyak habang pinapanuod sila.
"Paparating na sila bilis!" Anunsyo ni Vlea.
Mabilis na lumabas si Gley at sabay kaming apat na tumakbo. Sumunod ako sakanila at halos matawa ako nang magkamali si Gley ng apak sa hagdan at dumiritso ito pababa. Nahila niya pa si Vlea at ang walang hiyang Vlea ay kumapit sa palda ko at nadala sa pag gulong nila sa hagdan. Naiiling lang si Alera habang bumababa at tinulungan kaming tatlo. Tawa kami ng tawa.
I remember this Day...I remember this moment, alalang-alala ko ang araw kung saan lahat kami ay na stambay sa clinic sinabi rin namin na nahulog rin si Alera kaya ayon nadamay siya sa amin. Pigil na pigil ang pag tawa namin nang hindi maipinta ang mukha ni Alera dahil nadamay siya sa kagagahan namin. Ayaw pa naman non na may absent.
Tuluyang umagos ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan nang mag iba ang lugar. I saw Gley trying to climb the three kasi may mangga sa itaas at tawa kami ng tawa nang mahulog ito. Nag si'takbuhan pa kami nang may ahas na nahulog sa punuan. Dahil nahulog si Gley ay pinagtulungan namin ni Alera na makatakbo ito. Nasa bukid kami nila ni Alera, bakasyon kasi at wala kaming magawa sa buhay nong araw na ito.
"Darling, please...hear me"
Nanlambot ang mga tuhod ko at pabagsak akong naupo sa lupa. Lumamig ang paligid at tanging ako lang ang nandito. Niyakap ko ang sarili ko at yumuko. Humikbi ako at napailing.
Nakakapagod. Hindi ko alam kung ilang araw, buwan o taon na akong ganito...bigla ay mamumulat ako sa nakaraan, tapus manghihina at iiyak na parang batang nawawala sa mall, hindi mahanap ang kaniyang magulang. Paulit-ulit ganito ang nangyayari.
BINABASA MO ANG
Our Lifeless Love (Ongoing)
FantasyCan we love without life? Can we live without love? What is life without love... What is Love without life... Isang Academy na nakapukaw ng interest ng apat na babae... Because of curiosity the four girls entered the Academy, What they don't know...