SAIJALE
Why do I feel something? something na hindi ko maipaliwanag. Nang dumating siya at nakita ko siya sa personal ay para bang nakaramdam ako ng pangungulila, I saw his picture and some paintings pero iba pala kapag na sa harap ko na siya.
Titig na titig ang mga mata niya sa akin at para akong nanghihina dahil sa ginagawa niya. Was he using his power?
Imbes na sagutin siya ay nanatili rin ang mga mata ko sakaniya. Hindi ko ito maalis lalo na't hindi pa rin ako makapaniwalang ang lalaking nakita ko sa lumang litrato ay ganon rin ang mukha niya sa personal. Alam kong luma na ang litratong 'yon. Hindi man lang siya tumanda?
Or maybe...
He's a Vampire. But why?
Paanong may litrato si mommy sakaniya kasama ang isa pang babae?
Sino ba talaga ang lalaking 'to?
"Sagutin mo ang kaniyang katanungan, Binibining Saijale...at kung maaari ay mag bigay ka ng respeto sa master" Seryusong sabi ni Lady jhung.
Lumunok ako at tumingin sa mga kaibigan ko. Kakayanin ko kung ano man ang kaparusahang ibibigay nila ngunit ayaw kong pag daanan nila ang kung ano mang paghihirap sa paaralang ito. Masyado na silang maraming pinagdaanan sa lugar na ito.
"Wala pong ginawa si Gley, Pinagtanggol lang ni Vlea si Gley...Hindi niya sinaktan ang babaeng 'yan, Walang ginawa si Alera dahil kakarating niya lamang. Ako ang totoong nanakit sakaniya"
Ramdam ko ang titig ng lalaking sinabi nilang Master at para bang pinoproseso niya ang sinabi ko kung totoo ba ito o kasinungalingan.
"Hindi! Wag mong akuin lahat! Ako ang sumugod sa babaeng 'yan!" Agad na sigaw ni Vlea.
"Pwede ba, Tumigil ka na!" Inis kong sigaw sakaniya.
Mabilis siyang tumayo at sinunggaban ang kuwelyo ko "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!"
Tinulak ko siya "Tumigil ka na, Vlea! Wala kang kasalanan rito!"
"Bakit? Sa tingin mo mahina ako? Hindi ko kakayanin ang ibibigay nilang kaparusahan?!"
Tumawa ako sa sinabi niya "Wag mong ipagmayabang na isa ka ng bampira, kung sa tingin mo malakas ka, ako na mismo ang mag sasabi sayo nito, Vlea. You're just a newbie who can't control the strength of a vampire"
Natigilan siya sa sinabi ko.
Just stop, let me take the punishments.
"At porque matagal ka ng may kapangyarihan tingin mo malakas ka na?"
Tumitig ako sa mga mata niya "Wala kang Alam—"
"Kasi wala kang sinasabi!" Agad na putol niya sa akin "All this time, isa kang Strega?! Isa ka sakanila! You acted so innocent when we came here, we've been friends since we're kids pero nagawa mo pa ring itago na isa kang Strega! You acted like you are human like us!"
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. What was she thinking?! Did she forgot that we are surrounded by stregas and officials?!
BINABASA MO ANG
Our Lifeless Love (Ongoing)
FantasyCan we love without life? Can we live without love? What is life without love... What is Love without life... Isang Academy na nakapukaw ng interest ng apat na babae... Because of curiosity the four girls entered the Academy, What they don't know...