Chapter Forty four

1 0 0
                                    

SAIJALE


MABILIS na lumipas ang buwan at naging maayus na ang lahat. Sinabi ni Vlea sa amin na boyfriend niya na nga ang bampirang lalaking bumuhay sakaniya, and I'm happy for her. Si Gley ay sinabi sa aming nahuhulog na siya sa lalaking lobong lagi niyang kasama, hindi ko tuloy maiwasang matawa sa tuwing magkukuwento siya tungkol sa mga pagsasama nila at paano niya tinatago ang nararamdaman niya.

Alera stay the same, always quite while reading and listening to us.

Lumawak ang ngiti ko nang makita ko siya sa opisina niya. Nakatalikod siya sa akin kaya nagawa kong lumapit sakaniya na hindi man lang niya nararamdaman ang presensya ko dahil sa ginamit kong kapangyarihan. I bit my lower lip and open my arms to hug his back.

Naramdaman ko ang pagkagulat niya pero agad rin siyang nakabawi. Hinawakan niya ang kamay kong nakayakap sakaniya. Inalis niya ang mga kamay kong nakapulupot sakaniya at humarap sa akin, binalik niya ang pagkayakap ko sakaniya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Hi" I greeted.

"Hey" He smiled sweetly.

Hinaplos niya ang pisngi ko at inayus ang strand ng buhok ko. Hindi na ako nagulat nang lumapat ang labi niya sa labi ko at iupo ako sa mesa niya. Pinuwesto ko ang isa kong kamay sa batok niya habang ang isa naman ay nakahawak sa pisngi niya.

Siniil niya ang labi ko na para bang ilang araw kaming hindi nagkita kahit kahapon lang ay may nangyari nanaman sa amin.

Humiwalay ako sa halikan namin at pinagdikit ang mga noo namin "You can't be always horny when you see me" I chuckled.

"Sorry, can't help it" He said in a husky voice.

Natawa ako sa sinabi niya "I'm here to discuss something with you..." I said.

"What is it?"

"About Leo—"

Natigilan ako nang halikan niya nanaman ang labi ko "Stop mentioning his name"

Sasagot pa sana ako pero mabilis niya nanamang siniil ang labi ko. Hinayaan ko siyang panggigilan ang labi ko halos kapusin na rin ako ng hininga dahil sa paraan niya ng pag halik.

Natigil kami sa paghahalikan nang biglang umingay ang buong paaralan. Nagkatinginan kami bago ako bumaba sa mesa at lalabas na sana nang mapansin ko ang bintana. Natigilan ako sa nakita ko at mabilis na lumapit roon.

Totoo ba 'to?!

It's snowing!

Bumilis ang tibok ng puso ko nang yakapin niya ako sa likuran habang pinapanood kong magpatakan ang mga maliliit na puti galing sa kalangitan.

"Sorry, mukhang nawalan ako ng control"

Nagtaka ako sa sinabi niya. Hindi ko naman siya magawang lingunin o harapin dahil nakapatong ang baba niya sa balikat ko.

"I-ikaw ang may gawa nito?" Taka kong tanong.

"Yeah...matagal-tagal na rin noong huling mangyari because of my excitement" He said.

"Naguguluhan ako..."

"Ako ang nag iisang nilalang na may control sa nyebe na may pinagsamang apoy, nag iisang strega na may kayang magpalabas ng yelo at apoy"

"That is so amazing, Xious" Namamangha kong sabi.

"Tsh, says to a blue moon girl"

Napairap ako sa sinabi niya "Psh! Wala pa nga akong control at alam sa kapangyarihan ko eh"

"One day, ikaw mismo ang makakatuklas sa totoo mong kakayahan" Hinalikan niya ang panga ko pababa sa leeg ko hanggang balikat ko.

Habang nakatanaw sa snow at habang iniisip ang sinabi niya ay hindi ko maiwasang maisip ang sinabi ni Leo sa akin. About his first love and the pain that he been through.

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon