Chapter Fifty Eight

7 0 0
                                    

GLEYAR

Umaga na. Una akong nagising kesa sakaniya kaya ako ang nagluto ng breakfast. Habang nagluluto ay hindi ko maiwasang alahanin ang mga kaibigan na iniwan ko. Kumusta na kaya ang mga 'yon?

Hindi naman siguro sila galit sa akin diba?

Nang gabing iyon ay hindi lang talaga ako makapag isip ng tama. Ang alam ko lang ay ayaw kong sumama sa kuya ko at ipagawa nanaman sa akin ang mga ayaw kong gawin. With him I have no freedom. Gusto ko lang lumaya kaya sana naiintindihan nila 'yon.

Napaigtad ako nang may yumakap sa akin sa likuran.  Hindi na kailangang tignan dahil amoy pa lang niya at ang matigas niyang katawan ay alam ko na kung sino ito.

He rested his chin on my shoulder that make me smile. My sweet werewolf.

Matapus kaming mag umagahan ay umalis kami sa bahay namin para mamitas ng mga tinanim niya. Mukhang wala namang nagmamay-ari sa lugar na ito kaya gumawa siya ng maliit lang na bahay.

Saglit rin itong nawala nalaman ko nalang na naghahanap ito mg maitatanim nang sa ganoon ay may makain rin kami. Dahil sa lakas niya bilang isang werewolf ay natapus niyang gawin ang lahat sa dalawang buwan.

Noong makarating kami dito ay pansamatala kaming nanirahan sa kagubatan habang hindi pa tapus ang bahay na ginagawa niya. Nagdala siya ng kumot kaya tuwing gabi ay sa ilalim ng malaking puno kami natutulog...Ako lang pala. Binabantayan niya kasi ako.

Feel na feel ko tuloy ang pagiging mag asawa namin. Ohhh, kinasal nga pala kami hihi. Kaya basically asawa ko nga siya.

"Pinangarap ko kaya 'yon..."

Kasalukuyan kaming nasa kagubatan. Gabi na. Nakatanaw kami sa buwan, nakahiga ako sa lupa pero may mga maliliit na dahon naman kaya hindi masyadong madumi. Ginagawa kong unan ang paa niya. Hinahaplos rin nito ang buhok ko habang nakatingin sa buwan.

"Ikasal sa simbahan, gusto ko kasi maging saksi ang Diyos sa pagmamahalan namin. Gusto kong pangakuan sa harap ng maraming tao tapus hahalikan niya ako sa harap ng lahat" Ngumingiti pa ako habang sinasabi 'yon. Iniimagine ko talaga ang scenario na ikinakasal kami ni Jaren.

"Walang Diyong ngunit ang kasal sa mundo ko ay dapat saksi ang lahat ng lobo. Lahat ay aayusin ang lugar at sa harap nila mangangako ka at luluhuran mo rin ang lalaki; sa ganito mo maipapahiwatig sa lahat...sa kaniya na inaalay mo ang pagmamahal mo sakaniya at dapat lumuhod rin ang lalaki upang tanggapin ang pagmamahal ng isang babae."

Lumalim ang usapan namin hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Bago at tuluyang hilahin ng antok ay naramdaman ko ang labi niya sa noo ko.

Mga ibong kumakanta sa kagubatan ang nagpagising sa akin. Napanguso ako nang makitang ako lang mag isa dito. Asan si Jaren?

Agad akong napangiti nang makita itong naglalakad palapit sa akin. May dala rin itong kabayo at nakasuot pa ng—Anong miron? Ano kayang trip ng lalaking ito?

Why is he wearing suit? Nakaayus pa ang buhok nito.

"Anong miron?"

"Malalaman mo mamaya, sa ngayon...mag bihis ka muna, isuot mo ito." Nakangiti niyang inabot sa akin ang isang paper bag.

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon