Chapter seventy four

3 0 0
                                    

ALERA

"Kumusta naman siya?"

Bumuntong hininga ako at nag iwas ng tingin. Umupo ako sa harap ni Gley at hinaplos ang t'yan niya.

"Hindi mo naman pinapahirapan ang mama mo?" Tanong ko na para bang maririnig ako no'n o sasagutin.

"Ler? Ano? Kumusta si Sai?" Nag hihintay pa rin siya sa aking sagot.

"Wala ka bang cravings? Or do you want to walk outside? I can borrow a car kay lestrel's car"

"Why can't you answer me, Lera?"

"Because remembering her hurts me, Gley" bumuntong hininga ako at tumayo saka nag iwas ng tingin "She's the queen, the new master"

"Did you talk to her? I told you to give my hug to her" mula sa reflection sa salamin ay nakita ko ang pag nguso niya "I really miss her, Ler"

I miss her too.

"Mabuhay ang Master ng mundong ito!"

"Mabuhay!"

I know that I shouldn't look at her but I did. Isa sa mga bilin ni Lady jhung na wag na wag mag angat ng tingin sakaniya kapag nakaluhod na kami at nakababa na ang aming ulo pero hindi ko siya sinunod. Hindi ko napigilan ang sarili ko.

I look up and saw her eyes filled with tears. She didn't gaze at us but she look around with pain and sadness, like her eyes is telling everyone that she can't do this.

With the crown in her head, the blue cape and the blue gown that shines. She's so beautiful.

Pero kasabay nang walang pag tigil niya sa pag luha ang pananakit ng puso ko. Hindi ko kayang makita siyang ganito ka hina. Kahit natatakpan ng pulang lipstick ang labi niya ay parang nakikita ko pa rin ang pamumutla no'n. Her hair changed. I almost didn't recognize her. Ang daming nag bago sakaniya at alam ko isa na doon ang masayahing siya.

Sai...

Muli akong bumuntong hininga at tumingin sakaniya "Don't think too much about her, Gley. Just focus on yourself first, okay?"

"K" ngumuso muli ito at tumingin na sa t'yan niya.

Gabi na, tulog na si Gley habang ako ay nag hahanda para sa klase namin. Nang mag anunsyo na mag sisimula na ay lumabas na ako ng kuwarto.

Kumunot ang noo ko nang nasa hallway ako ay may biglang humila sa braso ko at niyakap ako. Nanlaki ang mga mata ko habang ang mga kamay ay nakalaylay.

"Kailangan ko lang talaga ng yakap, sana hayaan mo ako, kahit ngayon lang" Malamig niyang sabi.

Naikuyom ko ang aking kamay at hinayaan nga siya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili, dapat ay tinulak ko siya. Dapat ay masama na ang tingin ko sakaniya pero ito ako at nanglalambot sa mga yakap niya na kasing lamig ng panahon ngayon.

Kumalas siya at bago pa ako makatingin sakaniya at tumalikod na siya.

"Salamat, Alera"

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon