Chapter Forty

9 0 0
                                    

ALERA

Mabilis akong tumakbo para habulin ang aking ina. Wala akong kapangyarihan o lakas tulad ng mga bampira ngunit sa oras na ito ay hindi ko na 'yon inisip. Mas nangibabaw sa akin ang pag alala kay mama na baka may mangyaring masama sakaniya.

Laking gulat ko nang makita siya sa isang kwarto ng lobo at kasalukuyan niya iyong kinuhanan ng puso. Napa-atras ako nang mag tama ang mga mata namin. Ngumisi siya at humakbang palapit sa akin. Hindi ko na nagawang umatras nang may tumulak sa akin papasok sa kwarto nang tignan ko kung sino iyon ay mas lalo akong nagulat. Ang professor sa pag co-control ng kapangyarihan ng strega.

Bago pa ako makatayu ay mabilis siyang nakalapit sa akin at sinandal ako sa dingding. Sinakal niya ako, at this moment I knew I lost my mother...Oo nga naman, I lost her when she left.

Nang gilid ang luha ko habang nakatitig sa namumula niyang mata. Hinawakan ko ang kamay niya at sinubukan 'yong alisin pero ano nga bang aasahan ko? Tao lamang ako at bampira siya.

"D-did y-you ever think of the family you abandoned?"

Nag salubong ang kaniyang kilay nang sabihin ko 'yon. Ramdam ko ang pag agus ng mga luha ko. Sinabi kong hindi na ako iiyak kahit anong mangyari pero...tao lang din naman ako, tumitibok pa rin ang puso ko.

"Lera, patayin mo na 'yan!" Sigaw ng professor sa labas.

"I-inisip mo ba ang anak na iniwan mo?" I want to ask all the questions that bothers me every night, before I die.

"Tumahimik ka!" Galit na sigaw niya. Naramdaman ko ang panginginig ng kaniyang mga kamay sa leeg ko.

"For 12 years...did you ever think of coming back to see your daughter?!"

"Sabi ng tumahimik ka!" Mas lalo niyang diniin ang kamay niya na nakabalot sa leeg ko.

Mapait akong ngumiti habang walang tigil pa rin ang mga luha ko sa pag patak.

"M-ma..."

Nanlaki ang mga mata niya nang bigkasin ko 'yon at mabilis na lumuwag ang kaniyang kamay sa leeg ko.

"H-hindi..." Umiling siya at bumalik ang normal niyang mga mata na para bang nawalan siya ng lakas "Ginugulo mo ang isipan ko! Isa ka ngang strega!"

"Sana alam mo kung gaano ka nahirapan si papa nang umalis ka para piliin ang mga bampirang sumundo sayo"

"Pinag lalaruan mo ang pag iisip ko!"

"Kahit na iniwan mo kami kahit kailan hindi ka siniraan ni papa! Nandon pa rin ang respeto...at pag mamahal niya sayo!"

"Tumigil ka!"

Tumalsik ako sa isang mesa nang itulak niya ako roon. Sinabunutan niya ang sarili niya at nag simula na ring pumatak ang mga luha niya!

"Lera! Patayin mo na 'yan!"

Binalot kami ng katahimikan at sabay silang tumingin sa akin. Nang tignan ko ang tinignan nila ay napasinghap ako nang makita ang pag agos ng dugo sa braso ko. Sinubukan kong hawakan ang pendant ng kuwentas ko ngunit wala na akong nahawakan.

Imbes na mamula ang mga mata niya ay bigla siyang nanlambot. Napaluhod siya at kasabay no'n ang pag hikbi niya sa harap ko.

"A-alera..."

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon