Hindi ko na alam ang mga sunod na pangyayari. Ang tanging na alala ko lang ay ang pag laho ng aking ama. Ilang araw na nga ba ang nakalipas simula nang mawalan ng hari ang mundong ito?
Tumayo ako mula sa pagkaupo agad na umatras ang nag aayus sa akin at yumuko. Pinagmasdan ko ang sariling repleksyon sa salamin. Matamlay ang aking mukha at dahil hindi pa akong nalalagyan ng kolorete ay para akong walang buhay na nakatayo. Itim ang aking kasuotan.
"Mahal na prinsesa, kailangan namin kayong ayusan sa mukha, hindi po kayo lalabas ng ganyan hindi po ba?" Tanong ng isang katulong.
Pero imbes na sumagot ay tumalikod ako sakanila at lumabas ng aking silid. Sumunod ang mga kawal sa akin papunta sa trono ng aking ama. Nang pag buksan ako ay hindi ko na pinansin ang mga Konsehong bumati sa akin.
Nang hina ako nang makita ang isang lalagyan na kumikinang na nasa trono ng aking ama. Alam kong iyon ang abo niya. Ayon nanaman ang luhang hindi ko mapigilan para akong pa ulit-ulit na sinaksak sa subrang sakit. Sumisikip nanaman ang aking puso. Ang hirap huminga.
Ama...
Nanginginig akong humakbang sa palapag ubang ma rating ang trono at yakapin ang Hydria. Iniisip ko nalang na si Ama ang aking kayakap.
Humarap ako sa mga konseho at isa-isa silang tinignan. Nakayuko man ay alam ko kung sino ang malungkot at parang wala lang sa mga nangyayari. Bumuntong hininga ako at pinigilan ang pag iyak sa harap nila. Humakbang ako pababa at nag lakad palabas. Naramdaman ko ang pag sunod nilang lahat hanggang sa marating namin ang silid kung saan ilalagay ang hydria. Itinabi ko iyon kay mommy. Natakpan ko ang bibig ko nang kumawala ang pag hagulgol ko.
Bakit kailangan niyo akong iwan?
Nang hina ako at pakiramdam ko ay nanlambot ang mga tuhod ko. Bago pa ako bumagsak ay may sumalo sa akin.
"Mahal na prinsesa" naiiyak niyang tawag sa akin. Inalayan niya ako at saglit na sumulyap sa aking ina at sa hydria.
Bumagsak nanaman ang aking luha kaya pinunasan ko yun at nanghihinang lumabas. Naka luhod lahat ng konseho bilang pag bigay respeto kay Ama at gano'n rin ang mga katulong at kawal.
Inalis ko ang paningin sakanila at nag lakad na pa alis doon.
"Ayus lang ako, Alaina" sabi ko nang makarating ako sa aking silid. Nag aalala siyang tumitig sa akin.
"Hindi po ako naniniwala. Ngunit mahal na prinsesa, kailangan niyong maging matatag at nandito lang po ako kung may kailangan man kayo"
Ngumiti ako at hinaplos ang buhok niya "Salamat"
Pumasok na rin ako sa silid at nang maisara ang pinto ay humakbang ako papunta sa aking kama ngunit hindi pa man ako nangangalahati sa pag hakbang ay nanlambot ang aking tuhod at tuluyan ng bumagsak sa sahig.
Naikuyom ko ang aking kamao sa dibdib at humikbi. Humagulgol at walang tigil na sinisisi ang aking sarili.
Kung marunong lang sana akong gumamit ng kapangyarihan ko sa ganong sitwasyon sana ay naligtas ko si Ama. Nandito pa sana siya. Kung hindi ako naging distraksyon sakaniya sana ay nagawa niyang lumaban! Ang hina hina ko! Bakit hindi ako nakakilos nong makita ang kalaban sa likuran niya habang siya ay mabilis na ipinalipad ang espada para lang iligtas ako! Bakit...bakit hindi ko nagawang lumaban?
Wala akong kwenta! Ni' hindi ko man lang inayus ang aking sarili, basta basta nalang akong sumulpot kung sana ay handa ako ay nandito pa sana si Ama.
Anong gagawin ko sa mundong ito?
Wala na ang dahilan kung bakit ako nanatili rito.
...
Nagising ako isang gabi. Tahimik na ang palasyo kaya napagdisesyunan kong puntahan ang silid kung asan si mommy at ama. Wala akong ibang suot kundi ang aking pang tulog. Dala ko ang kuwentas na binalikan ni Ama noon. Tatlong linggo na ang nakalipas. Simula nang ilagay ko siya rito ay hindi na akong lumabas sa aking silid.
BINABASA MO ANG
Our Lifeless Love (Ongoing)
FantasyCan we love without life? Can we live without love? What is life without love... What is Love without life... Isang Academy na nakapukaw ng interest ng apat na babae... Because of curiosity the four girls entered the Academy, What they don't know...