Chapter Sixty nine

7 0 0
                                    

SAIJALE

GINAWA KO LAHAT! Mag luto ng mga putnginang putahe na ginamitan ko nalanf ng kapangyarihan upang sumarap! Sinubukan kong mapalapit sakaniya, nag susuot ng mga fitted nang sa ganon ay baka mapansin niya ang kurba na miron ang babaeng hiniraman ko ng katawan at mukha. Pero waley, no effect!

Hindi rin ako basta basta makalapit sakaniya dahil sa tuwing dumidikit ang katawan namin ay may kakaiba akong nararamdaman, parang kuryente na masakit sa kaluluwa!

Kasalukuyan akong nag hihiwa nang karne habang siya naman ay nag luluto. Palihim akong sumusulyap sakaniya kaya ending nahiwa ko ang sarili kong daliri.

Nakagat ko ang sariling labi at agad na lumabas ang dugo mula doon.

"Hey, are you okay?"

Bago pa ako makapag salita ay nakalapit na siya sa'kin. Hindi ko nagawang makakilos nang kunin niya ang kamay ko at pinahiran ng tissue ang dugo doon. Agad kong kinuha ang tissue mula sakaniya at ngumiti. Tinakpan ko ang sugat nang maramdaman ang pagsira ng hiwa doon.

Of course, he shouldn't see it healing.

Ngumiti ako sakaniya "Oy, nag aalala siya" tukso ko sakaniya na ikina taas ng isa niyang kilay at umiling nalang saka bumalik sa ginagawa niya.





...






Gabi na at marami paring tao kaya wala akong magawa kundi ang magpakapagod sa kusina. Miron pang mga vloggers na nag re-review sa resto.

Umupo ako sa highchair dito sa counter at huminga ng malalim. Gusto ko ng umuwi sa hotel at humiga sa malambot n kama doon at damhin ang lamig ng aircon sabay balot sa katawan ng kumot na parang lumpia.

Napaigtad ako nang tawagin niya ang pangalan ko.

"Jana."

Agad akong tumayo at tumingin sakaniya "Chef?"

"Clean the kitchen then you can go home" Aniya at umalis na.

Bumuntong hininga ako.

Inis kong pinunasan ang stove habang hinihintay na kumintab iyon. Nakakainis lang kasing isipin, anak ako ng hari at isa sa nirerespeto sa palasyo, ako dapat ang nag uutos hindi yung ako ang inuutusan!

And kahit naman noon pa ay hindi ako pinapagalaw ni mommy sa kusina! Siya ang nagluluto at naglilinis, ayaw niyang kumilos ako, she said, I will just enjoy my life in school and wherever it is!

Padabog kong hinagis ang basahan sa sink at inis na pina andar ang tubig sa gripo.

Alam ko naman eh! Wala ako sa mundo ko, wala ako sa palasyo at higit sa lahat wala na si mommy para iparamdam sa'kin na ang katulad ko ay hindi nararapat sa mga ganitong gawain.

Nakagat ko ang sariling labi at wala sa sariling hinigpitan ang pagkahawak sa basahan kulang nalang ay maghiwalay na ang kawawang tela.

Para akong nanghihina nang maisip ko nanaman ang mommy ko.

Ayon nanaman ang mga luhang kahit kailan ay ayaw mag pa awat.

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon