SAIJALE
Hindi ko mapigilan ang pag ngiwi ng labi ko habang ginagamot ang sugat ko ng manggagamot sa paaralang ito. Nasa gilid ko si Leo, hindi niya talaga ako iniwan kahit nang makarating kami rito.
"Ang matanda...ano na ang nangyayari sakaniya?" I asked.
"Na sa opisina na siya ni lady jhung"
Nang matapus akong gamutin ay agad akong umalis sa kama.
"Sai, anong ginagawa mo, mag pahinga ka muna...saan ka ba pupunta?!"
"Si Iuha...pupuntahan ko siya!"
Wala siyang nagawa kundi ang alayan ako papunta sa kwarto ni Iuha. Marahan ko na iyong nabuksan pero hindi ko na tinuloy nang marinig ang sinabi niya.
"N-nakita ko...buhay nga ang anak niya...nakita ko mismo kung paano niya nagawang patayin ang ganon ka daming bampira! Sa harap ko mismo nakita ang pag ilaw ng mga asul niyang mata at pag kawala ng kaniyang kapangyarihan!" Mabilis na wika ni Iuha.
"'Yon rin ang sinabi ng traydor" Boses ni Lady Jhung.
Wala sa sarili akong napaatras at tumingin kay Leo na mukhang naguguluhan sa narinig niya. Umalis ako roon at bumalik sa kwarto ko, nakasunod lamang si Leo sa akin. Agad akong humiga sa kama ko.
Walang ibang nag pa tumba sa mga bampirang 'yon! Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan!
"Sai..ayus ka lang ba?"
Umupo ako at sinandal ang likuran ko "hindi ko rin alam, Leo"
Sasagot pa sana siya nang biglang may kumatok sa pinto ko kaya sabay kaming napatingin doon. Bumukas 'yon at agad na bumungad si Lady Jhung. Nag lakad siya palapit sa akin at nakasunod naman si pres sakaniya.
"Kumusta ang lagay mo?"
Tumingin ako kay Leo na ngayon ay nakaupo sa gilid ng kama ko.
"M-maayus na po" Sagot ko.
"Mabuti naman" Ngumiti siya at tumingin kay Leo "sumunod ka sa akin may ipapagawa ako sayo"
Kumunot ang noo ni Leo at tumingin sa akin.
Wag mo akong iwan kasama ang lalaking 'to please!
Bumuntong hininga siya bago ako halikan sa noo. Ngumiti siya "Babalikan kita"
Gusto ko pa sana siyang pigilan pero agad na rin itong nakatayo at mabilis na sumunod kay Lady Jhung. Wala akong nagawa kaya hinayaan ko nalang siya doon at hindi na nag abala pang tumingin sakaniya.
"May sasabihin ka ba, pres?" Hindi ko napigilan ang panglalamig ng boses ko.
Na alala ko nanaman ang mukha niya nang makita si Iuha, it was full of emotions! Lungkot at pag aalala. And I fucking hate the fact that him showing emotions to other girl is killing me.
Nagsimula kumabog ang dibdib ko nang umopo siya sa gilid ng kama ko at kinuha ang kamay kong nakapatong sa hita ko!
What is he doing?!
"Masakit pa ba ang sugat mo?" Biglang lumambing ang boses niya na ikinamaang ko. Hindi ako nakasagot kaya muli siyang nag salita "Patawarin mo ako, Sai"
BINABASA MO ANG
Our Lifeless Love (Ongoing)
FantasyCan we love without life? Can we live without love? What is life without love... What is Love without life... Isang Academy na nakapukaw ng interest ng apat na babae... Because of curiosity the four girls entered the Academy, What they don't know...