Chapter seventy two

6 0 0
                                    

LUMUHOD ako sa harap ng aking ama at sumabay naman sa'kin ang aking mga nakasama sa mundo ng mga tao.

"Nakauwi na po ako, ama"

Ayaw kong matunogan niya ang pagkadismaya ko kaya nag kunwari akong parang walang nangyari.

"Masaya akong narito ka na, anak" Narinig ko ang pag buntong hininga niya "magpahinga ka na saiyong silid, mamayang hapunan ay mag uusap tayo" kalmadong wika niya.

Mas yumuko ako at halos halikan ko na ang sahig para lang itago ang mukha ko.

Tumango ako at tumayo na upang mag tungo sa aking kuwarto. Bago ako tuluyang umalis ay humukod muna ako upang ipakita ang respeto ko sakaniya bago lumabas.

Nang makalabas ako ay hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Lahat ng mga nilalang sa palasyo ay abala sa sariling ginagawa nila. Pero kapag dumaan naman ako ay tumitigil sila at mabilis na yumuyuko.

Tumigil ako sa pag lalakad nang makita ko ang unang konseho. Bahagya akong yumuko, ayaw ko kasing makita ang mukha niya. Sa lahat ng mga nilalang dito ay siya lang ay may lakas loob na tumingin sa'kin. Siguro dahil siya ang unang konseho kaya wala siyang takot at sa tingin ko ay may karapatan rin siya dahil nga siya ang unang konseho. Tsh.

"Nakabalik ka na pala, mahal na prinsesa"

Obviously.

"Ilang buwan rin kayong nawala, nag tagumpay ka naman ba sa gawain mo sa mundo ng mga tao?"

Bumuntong hininga ako "Hindi ko ho natagumpayan ngunit sapat na ang mga natuklasan ko upang iwan muna ang mundo ng mga tao"

"Mawalang galang na ho, Konsehong Jehkre ngunit kailangan ng magpahinga ng mahal na prinsesa" sabat ni Astil.

Kahit hindi ako tumingin sakaniya ay alam kong tumango ito kaya mas yumuko ako at nag lakad pa lagpas sakaniya. Agad na nag si' tabi ang mga konsehong kasama niya at yumuko upang mag bigay ng respeto.

Nang makarating ako sa aking kuwarto ay agad kong isinirado ang pinto at hinubad ang aking kasuotan.

Dumiretso ako sa banyo at nilubog ang sarili sa tubig na may rosas. Naka handa na talaga lahat pati ang pabango sa paliguan ay na-aamoy ko na. Iminulat ko ang aking mga mata sa ilalim.

Ito nanaman ang mga katanungan sa isipan ko. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.

Paano ako makakatulong sa mundong ito at kunin ang mga crystal na hindi ko naman alam kung saan nakatago. Nahanap ko nga ang isa pero hindi ko naman alam kung paano iyon kukunin.

Gamit ang kapangyarihan ko ay ginising ko ang natutulog na Rejana. Bilang kapalit ng pag gamit ko sa anyo niya ay binalik ko ang ala-ala niya. Nag iwan rin ako ng sulat, doon ko sinabi ang lahat. Kung anong nangyari at kung bakit kinailangan kong mag panggap na siya.

Nang umahon ako sa tubig ay may paro-parong nag hihintay sa akin sa gilid. Kumunot ang noo ko habang nakatingin rito. Lumipad ito papunta sa taas hanggang sa bumagsak ito sa tubig. Tumaas ang tubig at naging bilog sa harap ko. Napakurap-kurap ako nang makita roon ang dahan-dahang pagpakita ng imahe ni Gley.

Napatakip ako sa aking bibig nang marinig ang hagolgol at ang pagkawala niya ng sigaw habang sinusubukang damhin ang kaniyang minamahal.

...

"Gusto kong puntahan ang lugar ng mga lobo, ama, sana ay bigyan niyo ako ng permiso"

Nakatitig lang ako sa aking pag kain habang ang aking ama naman ay kumakain ng matiwasay. Saglit siyang tumigil at tumingin sa'kin kaya umayos ako ng upo.

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon