Chapter thirty two

1 0 0
                                    

SAIJALE

SINUBSOB ko ang mukha ko sa unan at halos idiin ko na ang mukha ko do'n. What the heck, tatlong araw na ang nakalipas simula nang mangyari 'yon. Nakakapanghina na matapus no'n ay parang walang nangyari sa amin dahil bumalik siya sa pagiging malamig at para akong alalay lang niya.

Dapat kanina pa ako sa opisina niya pero nanatili ako sa kwarto ko at hinayaan ang oras.

Bukas na dadating ang sinasabi nilang master, hindi ko rin maintindihan ang kakaibang pakiramdam, para akong kinakabahan na iwan.

Kahit labag sa loob ko ay bumangon na ako at nag suot ng uniporme, inayus ang sarili bago nag tungo sa opisina ng lalaking 'yon! Naabutan ko siyang kausap si Iuha nang makitang wala pa siyang kape sa mesa ay umalis at at pumunta sa kusina para gawan siya ng kape nang makabalik ako ay nandoon pa rin si Iuha, nilapag ko ang kape sa mesa niya. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin!

Umirap ako nang makatalikod na ako sakanila at umalis sa silid na iyon! Natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng kwarto ni Leo. Naka isang katok palang ako agad niya ng binuksan 'yon at sinalubong ako ng may ngiti sa labi. Ngumiwi ako at pumasok sa kwarto niya. Agad akong nag tungo sa kama niya at humiga roon.

"May problema ba?" Nag aalala niyang tanong.

"Oo miron."

"Bakit?"

"Your brother is a big jerk!" Umirap ako at sinandal ang likuran ko sa headboard.

"Uhh, Sai, wala akong maintindihan" Ngumiwi siya at tumitig sa akin.

Ngumuso ako at niyakap ang unan niya "Wala, gusto ko lang ng kasama at mag pahinga"

Ngumiti siya ng napakatamis "kung ganon ay ako ang pahinga mo?"

Nagkibit balikat ako "Baka nga" Siya lang naman kasi ang kaibiga ko na alam kung ano ako at masasabihan ko rin ng tungkol sa kapangyarihan na miron ako.

Umupo siya sa kama, sa gilid ko "Pinapahirapan ka ba ng kapatid ko?" Malungkot niyang tanong.

Tumango ako. Subra ang pag hihirap na pinadanas niya sa akin.

"Leo may tanong ako..." Ilang araw ko rin itong iniisip eh.

"Hmm?"

"'Yang kapatid mo...uhm...may babae nabang bumihag sa puso niya?"

Napaisip siya. Hinihiling ko na sana sabihin niyang wala pero nabigo ako dahil tumango siya.

"Si Rela, ang stregang una niyang minahal at mukhang wala ng pang huli dahil habang buhay niyang mamahalin ang babaeng 'yon"

Napalunok ako at nag baba ng tingin "nasaan ang babaeng 'yan? Maganda ba siya? Malakas? Anong miron sakaniya at napaibig niya ang may pusong yelo na lalaking 'yon?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Mukhang Interesado ka na sa buhay ng aking kapatid?" Bumuntong hininga siya "Si Rela ay isang strega na may kakayahang mang gamot, digmaan no'n nang masugatan si Xious at dalhin namin siya sakaniya, may nakakita na hinalikan lamang siya ni Rela at naging maayus na ang lagay niya, nag kamabutihan sila at tila nahulog ang aking kapatid, Hindi rin kasi basta-basta ang ganda ni Rela lalo na kapag ginamit niya na ang kaniyang kapangyarihan"

"Anong nangyari? Ba't hindi sila nag ka tuluyan?"

"Namatay si Rela sa harap ni Xious, simula no'n ay tila nawalan na ng buhay ang aking kapatid"

Dala ko ang salitang 'yon habang papunta sa opisina niya. Tatapusin ko ang kaparusahang ito tapus ay babalik na ako sa pagiging ordinaryong mag aaral sa paaralang ito. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang likuran ni Xious, naka tanaw ito sa glass window.

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon