SAIJALE
"ANO?! YUN LANG BA ANG KAYA MO?"
Inis akong sumugod sakaniya pero lagi niyang nahaharangan ang espada ko. Hindi ko magawang sugatan siya!
Master daw!
Ni' hindi ko maramdaman na Master ako ng mundong ito dahil ganito nila ako tratuhin!
"Ano ba naman 'yan, yun na yun?" Inis kong tinapon ang espada at tumalikod sakanila.
"Ayaw ko na!" Asik ko at akmang lalabas sa silid na iyon.
"Sige! Sumuko ka, wag mong pag bayarin ang pumaslang sa iyong ama at isama nanatin ang iyong ina na namatay ng ganon lang!"
Kumuyom ang mga kamay ko at humarap sakanila. Bahagyang napaatras si Hefelyo at napailing nalang si Jehkre.
Alam kong nag iiba na ang kulay ng mga mata ko kaya ganon ang naging reaksyon nila.
"Idaan mo sa espada wag sa kapangyarihan mong hanggang ngayon ay hindi mo magawang kontrolin!" Sigaw ni Jehkre sa akin.
Gamit ang kapangyarihan ay pinalipad ko ang espada papunta sa akin at nang mahawakan yun ay walang sabi akong umataki sakaniya.
Oo si Hefelyo ang kalaban ko dito pero dahil sa subrang galit na naramdaman ko ay hindi na ako nakapag isip ng tama. Ang gusto ko lang ay ang kunin ang bibig niyang kasing daldal ng babae. Pero mabilis niya ring iniwasan ang pag sugod ko at walang kahirap-hirap na kumuha ng espada at nakipag laban sa akin pero sa huli ay espada ko ang tumalsik.
"Ang iyong ama nga ay sa murang edad natalo niya na ako, ikaw? Ang hina mo pa rin" inihagis niya pabalik ang espada at nilagay ang kamay sa likuran "Wag mong iisipin na isa kang makapangyarihan kaya hindi mo kailangang maging magaling sa pakikipag away gamit ang espada, baka nakalimutan mo na ang kapangyarihan mo ang dahilan kung bakit wala na ang iyong ama"
Nanginginig ang mga kamay kong nakakuyom at nang mag angat ako ng tingin ay nakatalikod na siya sa akin at nakalabas na rin. Bumuntong hininga si Hefelyo at sumunod sa walang hiyang Jehkre na iyon!
Sinubukan kong pigilan pero bumagsak na ang aking luha. Nagpapasalamat nalang ako na ako lang mag isa dito.
Paano ko makakalimutan kung walang oras na hindi niya pinapaalala sa akin iyon. At kahit pa hindi niya sabihin ay alam kong kasalanan ko lahat ng mga nangyari.
....
"MASTER!"
Diretso akong tumingin sa bampirang nakaluhod habang nanginginig at parang maiiyak na.
"Nang hihina na ang aming angkan, kailangan namin ng dugo"
Kumunot ang noo ko "May dugo sa Maser bakit hindi kayo doon pumunta?" Maser ang tawag sa parang palengke nila dito.
Kung ang palengke sa mundo ng mga tao ay magulo at minsan ay may hindi nakakaayang amoy dahil sa pinag halo ng mga hayup na paninda doon ay iba dito. Mabango ang palengke nila at madilim, kandila lamang ang nag sisilbing ilaw. Kung sa mundo ng mga tao ay sumisigaw ang mga nag titinda para may bumili sakanila, dito ay hinahayaan nila ang mga nilalang na pumili at bumili. Kalmado lang din lahat.
BINABASA MO ANG
Our Lifeless Love (Ongoing)
FantasyCan we love without life? Can we live without love? What is life without love... What is Love without life... Isang Academy na nakapukaw ng interest ng apat na babae... Because of curiosity the four girls entered the Academy, What they don't know...