Chapter seventy one

4 0 0
                                    

SAIJALE

Ilang buwan na rin ba ang nakalipas simula nang nandito ako? Dalawang buwan. Tumatagal na ako. Kailangan ko ng tapusin ang kailangan kong gawin. Nararamdaman ko ring nakukuha ko na ang loob niya.

May dalawang crystal pa akong kailangang hanapin, hindi ako puwedeng mag tagal dito.

Kumunot ang noo ko nang makita ang dalawa sa labas ng resto. Nag dadamit pulubi ito! What the hell are they doing?

I focus my ears to them. Lumabas mula sa sasakyan si Matt. Agad nila itong hinarangan. Kumunot ang noo ko sa ginawa nila, puno naman ng pagtataka ang mukha ng lalaki dahil sa pag harang ng dalawa sa kaniya.

"Magandang umaga po, nag hahanap po kasi ako ng trabaho para sa anak ko, ilang araw na rin po akong nag libot-libot para lang po makahanap ng trabaho"

Tumaas ang kilay ko. What?

"Kahit tagapag linis lang po" sabat ni Alaina na ikina kunot ng noo ko.

"Anak, ayus lang na si papa lang muna ang mag trabaho, obligasyon kita"

"Papa, ayaw kong magpabigat sainyo" nakita ko pa ang pag tulo ng luha ni Alaina na para bang awang awa na siya kay Astil.

"Uhm..."

Nanlaki ang mga mata ko nang lumuhod sa harap ang dalawa at halos halikan ang paa ng lalaki. Napailing ako at tumalikod na para bumalik sa kusina. Naubos na ba nila ang lahat ng mapapanuod sa T.v?

"Maligo at mag bihis muna kayo, importante sa lugar na ito ang pagiging malinis kaya gawin niyong representable ang mga sarili ninyo, doon ang dressing room"

Tumingin ako sa direksyon nila. Nadala talaga siya sa acting ng dalawa?

Nang makita kong busy na si Matt ay pasimple akong pumunta sa dressing room at gamit ang kapangyarihan ay isinira ko ang pinto. Gulat silang napatingin sakin at agad ring ngumisi si Alaina habang nakayuko naman si Astil.

"Anong ginagawa niyong dalawa?" I asked them with seriously.

"Nag aaply po" lumawak ang pagkangiti ni Alaina.

"Hindi ako nakikipagbiruan, Alaina"

Ngumuso ito "eh kasi, ate Sai..."

"Pinadalhan kami ng mensahe, Sai" diretsong sambit ni Astil.

"Mensahe?" Kumunot ang noo ko.

"Mensahe galing sa hari, mahal na prinsesa" nag angat ng tingin si Astil sa'kin "kailangan niyong bumalik agad sa Ravor"

"Bakit?"

"May Digmaang mangyayari, mahal na prinsesa"

....

"Are you free later?"

Nilingon ko si Matt at saglit na sumulyap sa dalawa na ngayon ay nagtatalo kung sino ang mag pupunas sa mesa. Bumuntong hininga ako at tumingin kay Matt.

"Yeah, why?"

"May bagong bukas na resto, wanna go and try it out?" Ngumiti siya.

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon