VLEARIE
HINDI ko pa tuluyang naimulat ang mga mata ko ay alam ko ng nakatitig si Gley sa akin. Ramdam ko ang mga mata niya...kagabi pa 'yan! May kumatok sa pinto at siya na mismo ang nagpapasok rito. I groaned when they both stared at me.
Inis akong bumangon at umupo sa kama "What?!" Inis na asik ko.
"I need your vampire strength" Agad na sagot ni Gley.
"Uhm...I'm just here to ask if how's your morning" Alera answered.
"Well, obviously annoying! My morning is annoying, nakikita ko pa lang ang mukha nito naiirita na ako!" Inis kong sabi at inirapan si Gley.
"Oh come on! Please..." Nag puppy eyes pa talaga bruha.
"Bakit, Gley? You need vampire strength?" Alera asked her.
"Hmm" Nakangusong tumango si Gley.
"Uh...Maybe I could help you"
"Great! Oh ayan, nandyan na si Alera" Masayang sambit ko.
Umalis siya sa kama ko at pumunta kay Alera "Really?" Agad niyang niyakap si Alera nang tumango ito "Buti ka pa, you're such a good friend and you're always at my back pag kailangan ko. Hindi tulad ng iba d'yan"
Inirapan ko siya at humalukipkip.
"Ganito kasi 'yan, kagabi pa dumating ang mga studyante sa Nostrum. Nag stay daw sila sa Manere La Locus, 'Yon ang narinig ko kay tita"
Napatingin ako sakanila. Dumating na sila kagabi? So ibig sabihin...nandito na siya?
"Eh...ayaw kong pumunta roon mag isa lalo na't nasa mundo ako ng mga iba't-ibang nilalang"
Tumango si Alera at inayus ang buhok nito "Sige. Mag handa ka na, sasamahan kita"
"Huy teka! Sasama ako" Agad akong umalis sa kama at pumunta sa banyo.
Nandito na siya! Oh I miss that guy! Ilang araw rin kaming hindi nag kita kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit ganito ang inasta ko. Mabilis akong naligo at nag ayus ng buhok ko. Nang makalabas ako ay talagang pinili ko ang pinakamagandang saya na nakita ko at pinarisan ito ng off shoulder.
Nang makalabas ako ay halos matawa ako sa mukha ni Gley. Inis at pandidiri ang expression niya. Inirapan niya ako at kinatok ang kuwarto ni Alera. Agad na bumukas ang pinto niya at lumabas na rin siya. Simpleng saya at pang itaas ang suot niya. Nakatali ang buhok nito at walang kahit anong koloriti sa mukha. Pero kahit ganon ay talagang maganda siya. Simple lamang ang kagandahan niya pero ang lakas ng dating.
Ngayon ang birthday ni Sai. Napanguso ako nang makita ang maraming kawal sa labas ng kuwarto niya. Sinabi rin sa amin ni tita na hindi siya puwedeng lumabas ng kuwarto at sa araw na ito ay tanging mga mag aayus at siya lamang ang makakakita kay Sai. Mamaya sa party pa namin siya makikita.
Nakasakay na kami sa karwahe. Sinabi namin kung saan kami pupunta at agad niya na kaming pinasakay sa karwahe.
Ilang minuto lang naman bago kami makarating pero pakiramdam ko ang tagal na non. Sabik na sabik na akong makita ang aking mahal na bampira. I miss him so much.
Saglit akong natulala nang makita ang Manere La locus. Square lamang ito, walang ibang shape ang nakikita ko. It's just square and windows. Pumasok na kami doon. May babaeng humarang sa amin pero nang makita niya ang kawal sa likuran namin ay pinapasok niya rin kami.
Nagkatinginan kami ni Gley nang mapansing tahimik ang paligid.
"Sigurado ka bang dito?" Pinandilatan ko siya ng mata.
Tumango siya "yes! Si tita mismo ang nag sabi" Ngumuso siya at tumingin sa paligid.
Nilibot ko rin ang paningin ko. Umakyat kami sa may hagdan at nang makarating kami sa itaas ay doon namin nakita ang parang sala. May mesa at pulang sofa, nasa ceiling naman ang chandeliers. I purse my lips when I saw a painting of Sai's father.
Tahimik ang paligid. Saan ko siya hahanapin? Anong pinto ang kakatokin ko?
Nakaramdam ako ng saya nang makita si Filya at ang iba niyang mga kaibigan. Lumawak ang ngiti niya nang makita kami. Lumapit siya sa amin at unang niyakap si Gley sunod si Alera at pang huli ako.
"Aaminin ko na miss ko kayong apat" Nakangiting sabi ni Filya.
"We miss you too, Fil" Sambit ko.
She giggled "Ang sarap makaintindi ng lengguwaheng 'yan"
"Sinimulan na nilang ituro 'to?" Tanong ni Gley.
"Ahuh"
Ngumiwi ako at tumingin ulit sa paligid.
"'Yong bampira mo nasa 89" Sambit ni Filya kaya tumingin ako sakaniya ng may ngiti sa labi "at 'yong lobo mo nasa 95" Tinignan rin siya ni Gley ng nay ngiti.
"Thanks, Fil!" I use my vampire speed to go to his room.
Nang makarating ako sa harap ng pinto niya ay inayus ko ang sarili ko bago kumatok. May malawak na ngiti sa labi ko habang hinihintay ang pag bukas ng pinto. Ilang segundo lang ang hinintay ko sa pag bukas ng pinto. Bumungad ang lalaking mahal ko na tanging towel sa ibaba lang ang suot. Kuminang ang magandang katawan nito. Kinagat ko ang labi ko nang bumaba ang tingin ko sa towel niya.
Shit.
"Gusto mo bang makitang walang pang takip, mahal?"
Napangisi ako at agad na pinulupot ang kamay sa leeg niya. Niyakap niya ako sa bewang at agad sinunggaban ng halik.
Gosh! I miss him.
"I love your dress but I love it more when you're naked" Bulong niya sa tenga ko.
Agad na nag init ang mukha ko sa sinabi niya. This guy really knows how to make me blush!
Sa isang iglap ay nawala ang mga kasuotan ko tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan ko. Ginawa kong unan ang dibdib niya habang nakayakap ang mga braso niya sa akin. Kanina niya pa hinahalikan ang buhok ko.
"Mahal?" Tawag niya sa akin.
"Hmm?"
"Wala ka namang nakitang ipapalit sa akin dito diba?"
Mahina akong natawa at mas lalong sumiksik sakaniya "Wala. Wala rin akong planong palitan ka, mahal ko. It will always be you and you only. Gagawin ko lahat para sayo, ikaw lang ang mamahalin ko kahit anong mangyari. Kaya wag mong iisipin na ipagpapalit kita"
"I love you, Mahal na mahal kita"
"Mas mahal kita"
Siya lang ang lalaking nagparamdam sa akin that I'm worth it and deserve everything. Nandoon siya nong nadurog ako ng subra. Hindi niya ako iniwan kahit pakiramdam ko ang dumi-dumi ko na. Hindi siya nag dalawang isip na buhayin ako kahit alam niyang ikakapahamak niya 'yon.
Niyakap niya ako nang talikuran ako ng mundo.
J E A N Y Y Y
BINABASA MO ANG
Our Lifeless Love (Ongoing)
FantasyCan we love without life? Can we live without love? What is life without love... What is Love without life... Isang Academy na nakapukaw ng interest ng apat na babae... Because of curiosity the four girls entered the Academy, What they don't know...