ALERA
I don't understand...Bakit ang bilis makalimot ng mga nang-iwan na may iniwan sila. Habang tumatagal ang pag titig ko sakaniya ay hindi ko maiwasang malungkot, nagagawa niyang tumawa at ngumiti na para bang maayus ang lahat.
Marami akong katanungan na alam kong ang tanging makakasagot lang ay siya.
Bumuntong hininga ako at tumalikod na.
"Alera?"
Nag angat ako ng tingin nang marinig ang malambing niyang boses sa aking likuran. Pinakalma ko ang aking sarili bago humarap sakaniya.
"May maitutulong ba ako sainyo?" Malamyang sambit ko.
"Maaari ba kitang makausap ng tayong dalawa lamang?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at tumingin sa paligid. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sakaniya nang umalis siya sa aking harapan. Nag tungo kami sakaniyang kwarto, una niya akong pinapasok.
Malinis ang kaniyang silid, walang kahit na anong kagamitan na nakakalat. Tumingin ako sakaniya.
"Bakit mo ako dinala rito?"
Huminga siya ng malalim "Kailangan ko kasi ng tulong mo, diba isa kang Strega?"
Nag iwas ako ng tingin.
May kinuha siya sa drawer at inabot 'yon sa akin. Wedding ring? Ngunit nakakasiguro akong hindi wedding ring nila papa 'yon. Alam ko ang itsura ng sing-sing nila papa.
"May gusto sana akong ipahanap, maaari mo bang hanapin ang kapareha ng sing-sing na 'yan?"
Kinuha ko ang sing-sing "sainyo po ba ito?"
Tumango siya "Oo" Nagulat ako nang hawakan niya ang isa kong kamay "Pag tutulungan mo ako, pinapangako kong tutupadin ko ang kahit anong kahilingan mo"
HUMINGA ako ng malalim bago kumatok sa kwarto ni Sai. Hindi nag tagal ay binuksan niya ang pinto at mukhang nagulat pa siyang makita ako sa harapan niya.
"Alera?" Naging balisa siya at tumingin sa loob ng kwarto niya.
"Pwede ba akong pumasok?"
"H-huh? A-ano...magulo ang kwarto ko ngayon"
"Ayus kang sa akin, Sai"
"A-ano...nakakahiya"
Bumaba ang tingin ko sa uniporme niyang nakabulas na ang tatlong botones at wala na rin sa ayus ang ribbon no'n. Bumuntong hininga ako at tumango.
"Pasensya sa abala" Mabilis akong tumalikod sakaniya at pumasok sa kwarto ko.
Wala pang isang minuto ay may kumatok na sa pinto ko. Bumuntong hininga ako bago buksan 'yon. Bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Sai habang pinagsadahan ako ng tingin.
"Ayus ka lang ba?"
Tumango ako at nilakihan ang pag bukas sa pinto. Pumasok siya at nang isira ko ang pinto ay nag baba ako ng tingin habang nakaharap sakaniya.
BINABASA MO ANG
Our Lifeless Love (Ongoing)
FantasíaCan we love without life? Can we live without love? What is life without love... What is Love without life... Isang Academy na nakapukaw ng interest ng apat na babae... Because of curiosity the four girls entered the Academy, What they don't know...