Chapter Twenty seven

11 0 0
                                    

SAIJALE

HALOS kapusin ako ng hangin nang magising ako. What the fuck is that? Bakit bigla akong nanaginip ng gano'n? Humawak ako sa dibdib ko at tumingin sa higaan. Kumunot ang noo ko nang makitang ako nalang mag isa. Agad akong bumangon at akmang bubuksan na ang pinto nang may biglang mag salita sa likuran ko.

"Nasasayahan ka ba roon?"

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses na 'yon. Humarap ako sakaniya at agad na napakapit sa doorknob. I gulped and stared at her eyes.

"M-mom"

Nakasandal siya sa pader habang naka titig sa akin. Bumuntong hininga siya at ngumiti sa akin. Ang akala ko ay sasalubungin niya ako ng galit pero nag kamali ako dahil imbes na galit ay yakap ang isinalubong niya.

"I Miss you, baby" She sweetly said.

Hindi ako makagalaw, para akong pinako sa kinatayuan ko habang yakap ako ni mommy. Lumunok ako at nag iwas ng tingin. Kumalas siya nang mapansing hindi ako yumakap pabalik.

Hinaplos niya ang pisngi ko "Hindi ka ba masayang makita si mommy?" Lumungkot ang boses niya.

"H-how did you know I'm here?" I asked.

Ngumiti siya at inayus ang buhok ko "Talaga bang hindi mo masasagot ang tanong na 'yan?"

Kumunot ang noo ko sa isinagot niya "Mommy..."

She giggled "Ohh...my baby is growing up, Dalagang-dalaga ka na...isang taon na lang at mag e-eighteen ka na"

"Mom...please! You're scaring me"

I should be happy...

Hindi galit ang mommy ko na nawala ako ng ilang buwan tapus nag sinungaling ako sakaniya but here I am, takot na takot sa ipinakita niya. She's so calm and I can't help it but to feel nervous.

Inirapan niya ako at tumawa sa inasta ko "Nasa pool ang mga kaibigan mo, And why are you scared of your own mother?"

"How did you find me?"

She sighed "I know you already found out.."

Huminga ako ng malalim "Ang dami kong tanong, mom, I want you to clarify everything! Mom sabihin mo sa akin lahat!"

"In the right time, Anak" Hinaplos niya ulit ang pisngi ko "But For now, I want you to stay low, okay? Hindi ka dapat pumunta sa paaralang 'yon, Wala na akong magawa kung ikaw na mismo ang nakatuklas sa sarili mong kapangyarihan" Bumuntong hininga siya at pinag dikit ang noo namin she close her eyes "Nakikiusap ako...wag kang gagawa ng ikakapahamak mo, Hindi pa lahat ang alam mo, Ipapaliwanag ko sayo ang lahat kung kailan pero hindi muna sa ngayon...just stay low for now, Wala kang sasabihan sa kapangyarihan na miron ka tulad ng pag kulay asul ng mga mata mo, kung maaari ay wag na wag mong ilabas ang kapangyarihan mo" Hinalikan niya ako sa pisngi at sa isang iglap ay nag laho siya.

Kailan pa ba ang oras na 'yon?!

Gulong-gulo na ako.


Paakyat na ako sa rooftop nang matigil ako dahil sa biglaan nanamang pag kabog ng dibdib ko. Ano ba talagang nangyayari? Huminga ako ng malalim at nag patuloy na sa pag akyat.

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon