Chapter Forty one

4 0 0
                                    

SAIJALE

Kasalukuyan akong umuubo habang nag lalaban na si mommy at ang bruhang babaeng sumakal sa akin. Napatulala ako nang makita ang mga mata ni mommy at ang kaniyang kapangyarihan. Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting nag bago ang mukha niya na labis kong ikinagulat.

Siya ang babaeng kasama ni master sa litrato...

P-paanong...

Tumingin ako kay master, napamaang ako nang makitang nakatingin na rin siya sa akin. Akmang lalapit siya ngunit may humarang sakaniya, mabilis niya itong tinulak at gamit ang espadang hawak niya ay nakipag laban siya sa mga bagong kalaban.

May naisip akong hindi handang tanggapin ng puso at utak ko lalo na't gulong-gulo pa rin ang sistema ko. Hindi pa tuluyang nag sink sa utak ko na isa akong strega at may kakayahang lumaban gamit ang aking mga kapangyarihan ito pa kayang may bumubuo nanamang kaisipan sa pagkatao ko.

Masasabi kong malakas nga ang bruha na babaeng 'yon dahil kinaya niyang labanan ang aking ina na walang ka hirap-hirap ngunit mas malakas ang aking ina dahil nagawa niyang pabagsakin ang babaeng 'yon nang isang taas ng kamay lamang.

Nag kagulo ang lahat lalo na't mas dumami ang kalaban, nag si'labasan na rin sila at tanging ang master nalang ang naiwan na nakipag laban at si Drixious. Nakaalalay kasi ang mga opisyales sa mga studyante nila kaya hindi na nila nagawang lumaban dahil mas naging mahalaga sakanila ang makalabas sa lugar na ito.

Tumingin ako kila Vlea nang makitang hindi pa sila gumagalaw. Mabilis akong tumayo at kinuha ang isang espadang na sa tabi ko lamang at tumungtong sa mesa sabay lipad sa harap nila para labanan ang pag akmang lapit ng mga kalaban sakanila.

"Umalis na kayo!" Sigaw ko.

"We can't leave you here!" Sigaw pabalik ni Gley.

"Vlea..." Hinarang ko ang espada ko sa pag akma ng bampira at tumingin kay Vlea "you know what to do" Matapus kong sabihin 'yon ay tinuon ko na ang pansin ko sa mga kalaban.

Tumingin ako kay Drixious at senenyasan siyang samahan ang mga kaibigan ko. Muli siyang tumingin sa master at aking ina na hanggang ngayon ay nakikipag laban. Napailing siya at mabilis na lumapit sa mga kaibigan ko.

Kung malakas ang lindol kanina ay mas lalong lumakas ngayon kasabay nang pag putok ng mga ilaw at ang pag talsik ng bruhang babae.

"Hindi tayo dito natatapus, Herena."

Umusok ng itim at agad na nawala ang bruha. Nag laho na rin ang mga kalaban. Tumahimik ang paligid at tanging mabibigat na paghinga lamang naming tatlo ang aking naririnig.

"Akala ko ay hindi ko na kahit kailan man masisilayan ang iyong mukha, anak ng asul na buwan" Pag basag ng katahimikan ni master.

"Akala ko rin ay tuluyan na akong makakalayu saiyo, anak ng pulang buwan" Sagot ng aking ina.

"Hindi pa ba panahon, mom?" Pumiyok ang boses ko matapus siyang tawagin.

Tumingin siya sa akin at agad na nabalot ng lungkot ang mukha niya. Humakbang siya palapit sa akin ngunit mabilis akong umatras at nag baba ng tingin.

"Maaari bang sabihin niyo na ang lahat sa akin? Pagod na ang utak ko kakaisip ng totoo kong pagkatao na tanging ikaw lang ang makakasagot! Tunay nga bang ikaw ang aking ina?! O isa ka lang impostor-"

"Anak, hindi!" Mabilis niyang pag putol. Hindi ko na nagawang umatras pa nang makalapit siya nang hindi ko man lang namalayan. Inangat niya ang mukha ko at hinaplos ang pisngi ko "Ito ang totoo..." Tumulo ang luha niya "ang totoo kong mukha at ang totoo mong ama ay siya" Sabay kaming tumingin kay master na ngayon ay nakatitig na rin sa amin, muling hinaplos ni mommy ang pisngi ko "patawarin mo ako kung tinago ko sayo ang pagkatao mo, alam kong karapatan mong malaman kung sino at ano ka ba talaga ngunit anak ko, gusto ko lang na protektahan ka. Gusto kong hintayin ang ikawalong kaarawan mo nang sa ganon ay may sapat na lakas at kapangyarihan ka na, tuluyang yayakap sayo ang kapangyarihan mo sa ikawalong taon mo, ang babaeng 'yon, s-siya ang sumubok na patayin ka...minsan ka na niyang nilayo sa akin kaya ayaw ko ng maulit pa iyon"

"A-ang pinapainom mo s-saakin araw-araw, ano 'yon?"

"Itinatago ko ang kapangyarihan mo dahil sa oras na ma amoy o maramdaman nila ang kapangyarihan mo...ilalayo ka nila saakin, kukunin ka nila saakin, ayaw kong mangyari iyon, anak"

"Nandito na ako, Herena" Lumapit si master sa amin at tumingin sa akin "Hindi ko na hahayaang may mangyari sayo at sa anak ko"

Kumalas ang luha sa mga mata ko nang hawiin niya ang buhok ko at hinaplos ang pisngi ko.

"Sa wakas ay nahanap rin kita"

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yumakap sakaniya. Agad niya rin akong binalot ng mainit na yakap ng isang ama.

Lagi kong sinasani noon na kuntinto ako kay mommy, na hindi ko kailangan ng ama dahil sapat na si mommy, pero ang totoo...naiinggit ako sa tuwing pumapasok ako at 'yong mga kaklase ko ay hinahatid sila ng ama nila, naiinggit ako sa tuwing nakakakita ng mag ama sa park na nag lalaru, labis rin akong nanabik sa isang ama kahit anong tago ko roon ay alam ko sa sarili kong nangungulila rin ako sa ama.

Ngayon na nandito na siya ay hindi ko mapigilan ang saya sa puso ko, sa wakas ay may matatawag na rin akong ama, tapus na ang lahat ng sakit sa puso ko dahil completo na ang pamilya ko.

Ramdam ko ang yakap ni mommy sa akin at agad na hiniwalay ni master ang isang kamay niya sa likuran ko at kahit na hindi ko nakikita ay alam kong nakayakap na iyon kay mommy.

"Patawarin mo ako kung tinago ko siya sayo"

"Shh...tahan na, mahal, nandito ka na at sapat na iyon para kalimutan ang noon"

Totoong subrang gulo pa rin ng isipan ko sa mga nangyayari, bilang isang strega...anak ng pinakamakapangyarihan na strega at bampira. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag si-sink ang mga nangyari ngunit mas mahalaga para sa akin ngayon ang pagkakaroon ko ng ama at ina na yumayakap sa akin ngayon. Ito na ata ang sayang walang hanggan.

Sa wakas ay completo na kami.

J E A N Y Y Y

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon