Chapter Twenty three

5 0 0
                                    

VLEARIE

Nakahiga kami sa buhangin habang naka tanaw sa mga bituin na nakikita namin. Tahimik kami at tanging ang alon lang ang naririnig namin. Gusto kong basagin ang katahimikan na bumabalot sa amin pero may parte rin sa akin na gustong manatiling ganito...Tahimik pero ramdam ang presensya ng isat-isa.

"Sa tingin niyo...ano kayang ginagawa natin ngayon kung hindi tayo pumasok sa paaralang 'yon?" Gley asked.

I sighed and close my eyes.

"Normal tayong studyante na pumasok sa paaralan para ma stress at kamitin ang highest honor para maging proud sa atin ang parents natin" I smiled bitterly.

"Ikaw lang" Sagot ni Gley.

Nag mulat ako at umirap nalang "Edi ikaw na ang chill lang kasi walang nag pe-pressure"

"Hindi nga pressure naka kulong naman"

Napangiwi ako sa sinagot niya.

"Pero kahit nakakasakal si Kuya ay namimiss ko rin siya" Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya "I miss mama too, kumusta na kaya siya?"

"Ikaw ba Alera...Kumusta ang lola mo?" Sai Asked.

"S-she passed away"

Natigilan kami agad akong lumingon kay Alera. Ang alam ko sakaniya lumaki si Alera at siya rin ang nag alaga kay Alera, that must be so depressing pero bakit parang wala lang 'yon kay Alera? She looks calm and Unbothered.

"I know she would leave me...Sanay na rin akong maiwan, so masasayang lang ang luha ko if iiyak ako, I already expected this to happen" Malamyang sambit niya.

She's good at this...

Not showing her emotions.

"Basta kami hindi ka namin iiwan, we promise, right girls?"

Napatango ako sa sinabi ni Sai "Oo naman, we are always here and I will never hurt you"

"We will never hurt you" Dugtong ni Gley sa akin.

"Thank you" Sambit ni Alera.

Nang tumahimik ay tumingin ako sakanila. Ngumuso ako nang makitang mahimbing na silang natutulog, nakayakap pa si Sai kay Alera habang si Gley naman ay naka tagilid kaya kitang kita ko ang mukha niyang subrang himbing ng pag ka tulog.

Bumuntong hininga ako at umupo. I hugged myself and remember my conversation with my brother.


"Sigurado ka bang pupuntahan mo siya?" Tre asked.

"Kailangan..."

"I'm sorry, ma'am but we can't just let you in...we need to confirm this to Mr. Luner" Seryusong sambit ng babaeng front liner.

I sighed and look at Tre "Hindi daw pwede...I want to see her" Lumungkot ang boses ko.

"Nakalimutan mo atang mag Treou kang kasama, aking binibini" Ngumisi siya at kinindatan ako.

Kumunot ang noo ko nang tumikhim ito dahilan para mag angat ng tingin ang babae sakaniya. Nag ka titigan sila sa mata.

"Ibigay mo sa amin ang susi sa silid ng lalaking Luner at hayaan mo kaming maka pasok sa kaniyang silid" Deretso ang mga mata niya nang sabihin 'yon sa babae.

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon