GLEYAR
Napamura ako nang makita ang babaeng 'yon. Mabilis akong nag tago at niyakap ang librong hawak ko. Bakit ba kasi siya nandito?! Mga silid 'to ng strega ah! Marahan akong nag lakad patungo sa kwarto ko. Ang akala ko ay hindi nila ako napansin pero nagkamali ako.
"Gleyar..." Hindi man niya sinigaw ang pangalan ko ramdam ko naman ang pag ka diin no'n.
Mariin akong napapikit bago nag peke ng ngiti at humarap sakaniya "Oy! Ikaw pala, may maitutulong ako sainyo?"
"Binalaan na kita!" Nagsiklab ang mga mata nito at kunting-kunti nalang ay makakalapit na siya sa akin. Agad akong umatras at napalunok dahil sa paraan niya ng pag lalakad patungo sa akin.
Kung tao 'to, papatulan ko 'to pero HELLOOOO! Lobo 'to oh, Tao lang ako.
Kasalanan ko bang lapit ng lapit ang lalaking 'yon sa akin? At tsaka isa pa, Hindi niya naman talaga pag mamay-ari 'yon, walang sila! Kaya pwede akong umeksena kapag gusto ko!
Nabitawan ko ang libro ko nang sakalin niya ako at isandal sa pader. Omy! Dito ba ako mamamatay? Wag muna!
"Sinabi ko na sayong layuan mo siya dahil pag mamay-ari ko siya—"
"W-walang kayo!" Napapikit ako muli nang idiin niya ang kamay niya sa leeg ko.
"Let go of her!"
Nag mulat ako ng mga mata at ang galit na mukha ni Vlea ang agad kong nakita. Mabilis siyang lumapit sa dereksyon namin, humarang ang dalawang babae na kasamahan ng isang 'to pero walang ka hirap-hirap na hinawi ni Vlea 'yon at nag patuloy sa pag lalakad papunta sa amin. Hinawakan niya ang pulso ni Yesla at sa isang iglap ay nabitawan niya ako.
Habol hininga akong bumagsak sa sahig. Napahawak pa ako sa leeg ko habang umuubo. Porque alam niyang mahina ako at isa lang akong tao gaganitohin niya na ako?!
Tumingin ako sakanila na kasalukuyan ng nag aaway. Halos masira na rin nila ang pader at mga gamit rito. Nag si'labasan ang nanahimik sakanilang kwarto at tumingin sa labanan ng dalawa. Kahit nanghihina ay sinubukan kong tumayo, agad kong nakita si Sai na lumabas sakaniyang kwarto at nanlaki pa ang mga mata nito nang makita ang kaibigan namin na nakikipag-away.
Masyado ng nag iinitan ang dalawa kaya sinubukan kong pumagitna pero tumalsik lang ako dahil sa pag tulak ng babaeng 'yon sa akin. Mas lalong nag init ang mga mata ni Vlea sa galit.
"Gley!" Mabilis na nakalapit si Sai sa akin at agad akong tinulungang tumayo.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pamumula ng mata ni Vlea "S-sai...s-si V-vlea"
Agad siyang lumingon sa dereksyon nila at mabilis na tinulak si Vlea sa pader "Come to your senses, Vlea!" Asik niya.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makakita si Yesla ng kagamitan. Mabilis siyang nag lakad papunta kila Sai.
"Sai!"
Napamaang ako kasabay ng pag laki ng mga mata ko nang makita ang ginawa ni Sai. Sa pag angat ng kaniyang mga kamay ay tumilapon ang babaeng lobo at agad na nawalan ng malay. Tulad ko ay mukhang nagulat rin si Vlea sa nangyari, natulala siya kay Sai at ganon rin ako.
Napuno ng bulungan ang lahat pero para akong nabingi sa natuklasan ko. How did that happened?! M-my friends...my best friends! Vlea's eyes turned red a while ago and Sai...she just use her hands to do that just like a strega. What the fricking fuck just happened?!
Nag katinginan silang dalawa at agad na napatingin sa likuran namin. Agad na bumakas ang kaba sa mukha ni Vlea at ganon rin si Sai. Tumingin ako sa likuran ko, napasinghap ako nang makita si Alera na titig na titig sakanilang dalawa.
"Ano ang kaguluhan na ito?"
Sabay kaming napatingin lahat kay Lady jhung...Hindi siya nag iisa, may kasama siyang tatlong babae at dalawang lalaki, nakaka-agaw attention ang lalaking may kulay asul na mga mata at kulay asul na uniporme, ang presensya niya ay nagsusumigaw ng awtoridad...teka may kamukha siya....Leo! Is that Leo?! Siya ba? Pero...puti ang kaniyang mga buhok at may tattoo rin itong dragon sa baba ng tenga niya, sa leeg. Dumiritso ang tingin niya kay Sai na ngayon at titig na titig sa lalaking kasama ng kamukha ni Leo.
Kumunot ang noo ni Lady Yhung nang makita si Yesla na nakahandusay sa sahig. Napasinghap ako nang lahat ay tuluyang lumabas sakanilang kwarto at sabay na lumuhod at yumuko. Naiwan kaming apat na nakatayu. Lumunok ako at tinignan si Alera, nag tama ang mga mata namin. Senenyasan niya akong gayahin ang mga strega kaya ginaw ko naman kaagad. Nakita ko ring gumaya si Vlea ngunit hindi natinag si Sai dahil ang mga mata niya ay nandoon pa rin sa lalaking kasama ng kamukha ni Leo.
Agad na dumalo ang isang babaeng batid kong nakakataas rin sa paaralang ito kay Yesla na hanggang ngayon ay walang malay.
"Sino ang hangal na nanakit kay binibining Yesla?!" Sigaw niya at tumingin sa amin.
Nag angat ako nang tingin aakuin ko na sana pero agad akong naunahan ni Sai.
"Ako."
Sabay na nag angat ng tingin si Vlea at Alera kay Sai na hindi man lang natakot sa mga kaharap niya. Buong tapang siyang humarap sa mga nakakataas at inamin ang kasalanang nagawa niya.
Hindi ko hahayaang siya lang ang mapapahamak rito!
"Ngunit nagawa niya lamang iyon dahil sa akin!" Agad kong sabi.
"Ako ang nag simula ng sakitan!" Pag amin ni Vlea.
Ano ba! Wag niyo ng ipahamak ang sarili niyo! Nangyari naman lahat ng ito dahil sa akin eh!
"Hindi namin pag sisihan ang ginawa namin"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Alera. Nakita ko rin ang gulat ni Vlea nang sabihin 'yon ni Alera pati si Sai ay napatingin sakaniya.
Siya itong walang kinalaman sa gulong ito, ni'hindi niya ata alam kung paano nag kagulo. Why did she say that?! Mukha tuloy siyang kasama namin sa nangyari—or maybe that's what she wants, Ang sumama sa kaparusahan namin.
Kuminang ang mga mata ng babae mabilis siyang tumayo at sumugod kay Sai, bago pa siya makalapit kay Sai ay humarang ang lalaking naka-asul na uniporme at mariing tumitig sakaniya.
"Hindi ko hahayaang lumapat ang mga kamay mo sa kahit anong parte ng katawan niya" Malamig na sambit nito at nag kulay itim ang buo niyang mga mata.
Hindi siya makapaniwalang tumingin kay Lady Jhung na blanko lang ang mukha habang nakatingin sa amin.
"Bakit hindi mo ipaliwanag ang totoong nagyari?" Kasing lalim ng bangin ang kaniyang boses at hindi ko rin maipagkakaila na iba rin ang dating ng kaniyang presensya, ang tindig niya na nagsusumigaw ng makapangyarihan.
We are so screwed.
J E A N Y Y Y
BINABASA MO ANG
Our Lifeless Love (Ongoing)
FantasyCan we love without life? Can we live without love? What is life without love... What is Love without life... Isang Academy na nakapukaw ng interest ng apat na babae... Because of curiosity the four girls entered the Academy, What they don't know...