VLEARIE
"Here..." Inabot sa akin ni Alera ang isang plato na may naglalaman na isang hugis diamond at kulay dilaw na pag kain.
Nang maamoy ko palang iyon ay agad na kumalat sa sistema ko ang bango ng pagkain na iyon. Agad ko itong kinuha sa plato at kinain ang isa. Nanlaki ang mga mata ko nang malasahan ko ang pinagsamang tamis at asim sa prutas na ito.
"It's really good, Alera" Napangiti ako at inubos ang laman ng plato. "What is this?"
"Isang prutas na tanging sa mundo ng mga nilalang lang matatagpuan, prutas na hinahanap ng mga buntis, magariya."
Natigilan ako sa pagnguya at agad na nanlaki ang mga mata ko nang paulit-ulit na umugong sa isipan ko ang sinabi niya.
Tumawa ako at pinalo ito sa braso "Ilang araw pa lang akong hindi lumabas naging palabiro ka na!"
"Mag Li-limang buwan ka ng hindi lumabas, Vlea"
Nawala ang ngiti sa labi ko at tumingin sa asotea ng kuwarto ko. Hindi ko man lang napansin na nag tagal pala ako sa kuwartong ito. Apat na buwan akong binalot ng kalungkutan, pakiramdam ko ay hinang-hina ako sa bawat araw na lumilipas. Hindi rin ako natutulog dahil sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata ay imahe ni Tre ang nakikita ko. Bumabalik sa akin ang pag laho niya, ang pag lipad ng mga abo niya sa hangin. I was haunted by my lover's death.
Tumingin ako sa mga kamay ko nang maramdaman ang mainit na kamay ni Alera doon. She held my hands and give me a sweet smile. Natulala ako sa mga ngiti niya at para akong pinako sa inuupuan ko habang nakatitig sa mukha niya. Puno iyon ng emosyon na hindi ko mapangalanan.
She smiled...for the first time she showed me her emotions.
Bumalik ako sa diwa ko nang igalaw niya ang kamay ko papunta sa aking t'yan. Tuluyan nang nanggilid ang luha ko nang maramdaman ko ang pag tibok ng puso ng aking anak. My baby.
Nag angat ako ng tingin sakaniya "I-I'm pregnant...Alera, I have a baby inside me!" Hindi ko na napigilan ang paghagolgol ko lalo na nang maramdaman ko ang mainit niyang yakap.
"That's why you need to be strong, Vlea. You need to gain your strength again. Don't worry, I'm here and I will do everything for you to have a safe delivery"
And that's what she did. Hindi niya ako tinantanan, oras-oras niya akong pinupuntahan dito at binibigyan ng pagkain. Minsan ay kasama niya pa si Leo para e check ang baby ko. Ang normal na pag labas ng bata sa mga nilalang ang 6 months.
Hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng excitement sa pag labas ng baby ko.
Pinayagan ako ni lady jhung na hindi muna um-attend sa mga klase at mag pahinga nalang muna dito at alagaan ang sarili ko.
Tumayo ako mula sa pagkaupo sa aking kama at lumabas sa aking asotea. Tinanaw ko ang kalangitan. Palubog na ang araw kaya siguradong patapus ang klase ni Alera. Maya-maya lang ay nandito na 'yon. Sinanay talaga ako ng babaeng 'yon na may kasama sa kuwarto ko. Tinatabihan niya rin kasi akong matulog para bantayan daw ako.
Nawala man si Gley at Sai, nandito naman si Alera para alagaan at bantayan ako. I never thought that one day I will be comforted by her. Sanay kasi ako noon na nandyan lang siya nakikinig at nakatingin sa amin. Never niya akong niyakap noon sa tuwing iiyak ako sakanila. But now she embraced me and giving me advices.
BINABASA MO ANG
Our Lifeless Love (Ongoing)
FantasyCan we love without life? Can we live without love? What is life without love... What is Love without life... Isang Academy na nakapukaw ng interest ng apat na babae... Because of curiosity the four girls entered the Academy, What they don't know...