Chapter Twenty Nine

3 0 0
                                    

ALERA

PAANO mo nga ba mapapasaya ang sarili mo? A lot of people say Happiness is a choice, nasayo kung pipiliin mo maging masaya o hahayaan mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. It was really easy for them to say that word, ang hindi nila Alam, happiness is not a choice...kung nakatakda kang sumaya sa mundong ito ay pinagpala ka pero kung nakatakda ka naman palang mag dusa at maramdaman lahat ng sakit ay Hindi talaga para sayo ang salitang kasayahan.

Hinaplos ko ang reflection ko sa salamin at pinagmasdan ang mukha kong kahit kailan ay hindi ko na nakita pang ngumiti. I envy my friends, They know how to smile, They always choose to be happy and positive.

Kailan nga ba nag simula ang ganito?

Pumikit ako at hinayaang alahanin ang nakaraan na hindi ko naman talaga nakalimutan kahit kailan.

"Papa..."

Mabilis na tinakpan ni papa ang bibig ko at tumingin muli sa pintoan.

Anong nangyayari?

Paano kung sasama si papa sa mga kumatok roon, Tulad ng pag sama ni mama sa mga lalaki noon na alam kong Hindi tao.

Tumitig si papa sa mga mata ko at ngumiti sa akin.

"Pumasok ka sa kwarto mo at wag na wag kang lalabas, naiintindihan mo ba Alera?"

Umiling ako. Ayaw ko, pagod na akong maiwan, siya nalang ang miron ako. Nag simula ng tumulo ang luha ko habang nakatitig kay papa. Napapikit ako nang halikan niya ako sa noo.

"Wag ka nalang lumabas, Sabay tayong mag tago, pa"  Sambit ko nang ialis niya ang kamay sa bibig ko.

Hinaplos niya ang pisngi ko "Hindi maari, pipilitin nilang pumasok at kapag nakita ka nila..." Bumuntong hininga siya "Makinig ka nalang kay papa...Wag na wag kang lumabas sa kwarto mo"

"Buksan mo ito, Leandro"

Sabay kaming napatingin sa pinto nang may magsalita roong babae, matigas ang kaniyang boses at kahit pa babae siya ay natatakot pa rin ako.

Umiling ako "Papa..."

"Alera, sundin mo ako." Seryusong sambit ni papa. Sabay kaming napatingin sa taas nang may kumalabog roon.

I heard my father curse.

Nagulat ako nang hilahin niya ako sa isang maliit na cabinet at binuksan 'yon.

"Go inside!" Madiing sambit niya dahilan para agad akong sumunod sa inutos niya.

Mula dito ay nakikita ko ang sala namin dahil sa maliit nitong butas. Nakita ko ang pag kuyom ng kamao ni papa bago niya buksan ang pinto. Napalunok ako nang makitang pumasok ang babae at mula sa hagdan ay bumaba ang lalaki na may mahabang buhok.

Napatakip ako sa bibig ko nang tumalon ito mula sa hagdan paharap kay papa at mabilis nitong sinuntok si papa. Tumilapon si papa sa mesa at agad akong nakakita ng dugo sakaniyang ulo.

Pa...

Gusto kong lumabas pero para akong pinako rito, Hindi ako makagalaw, kahit ang sumigaw ay hindi ko magawa, tanging luha lang ang nararamdaman kong pumapatak sa pisngi ko.

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon