SAIJALE
Enjoy.
'Yan nalang ang nasabi ko sa isipan ko habang pinapanuod na maka alis ang bus na sinasakyan ng mga kaibigan ko. Bweset na bweset akong bumalik sa opisina ng lalaking 'yon at umopo sa table ko habang naka halukipkip.
Hindi niya ako pinansin. Nag babasa lang siya ng libro habang umiinom ng kape na gawa ko. Ilang ulit pa niya akong pinabalik-balik sa kusina dahil hindi niya nagugustuhan ang lasa ng kapeng tinimpla ko kanina.
Literal na pinaparusahan ako ng lalaking 'to!
"Wag mo akong titigan ng ganyan"
Kumunot ang noo ko nang marinig ang malalim niyang boses.
Mas lalong sumama ang tingin ko sakaniya "Anong tingin ba?" Sarcastic kong tanong.
Tumingin siya sa akin "Tingin na para bang kakainin mo ako"
Inirapan ko siya at tumingin nalang sa harap. Nag salubong ang kilay ko nang biglang may box na lumapag mag isa sa mesa ko. I gaze at him but he didn't bother to look at me.
"Mag handa ka, may pupuntahan tayo" Aniya.
"Paano kung ayaw ko?" Nang aasar na sambit ko.
Umangat ang tingin niya at muling tumingin sa akin "Ako mismo ang mag huhubad sayo para bihisan ka, Binibini" Seryusong wika niya at tumitig sa mga mata ko.
Padabog akong tumayo at kinuha ang malaking box.
NAPAMAANG ako nang makita ang reflection ko sa whole body mirror.
Ang Ganda ng Gown!
Kulay itim ito, nakabukad pa ang pang ibaba at subrang fit ng nasa bewang ko. Off shoulder at may mga kumikinang pa dahil ata sa glitters.
Nakalugay pa ang buhok ko at wala pang kahit na ano sa mukha ko kaya ang gown lang ang tinitigan ko sa salamin.
Ngumuso ako at tumitig sa buhok ko. Paano ko ito aayusin? Si Alera kasi ang nag aayus ng buhok ko, she knows how to style hairs kaya sakaniya kami nag papa style.
Isa lang naman kasi ang alam kong tali sa buhok.
Ngumiwi ako. Bahala na.
Okay...I'm done!
Tumitig ako sa sarili ko sa salamin at umikot pa sandali. Messy bun ang ginawa ko sa buhok ko. Nag lagay rin ako ng kaunting Red lip tint..Eye shadow at mascara kunting eye liner rin.
Buti nalang talaga at nag dala ako ng kaunting make up.
Sinuot ko na ang Black heels na kasama ng Gown sa Box at umayus ng tayu.
Saan kaya kami pupunta?
I'm guessing it's a formal party, Hindi naman niya ako pag susuotin ng Gown kung simpleng party lang diba.
Lumabas na ako sa kwarto. Halos mapatalon pa ako sa gulat nang makita siyang naka sandal sa pader, sa harap ng kwarto ko. Naka halukipkip ito. Nang mag tama ang mga mata namin ay agad na bumaba ang mga mata niya sa labi ko pababa sa Gown at binalik ulit ang mga tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Our Lifeless Love (Ongoing)
FantasyCan we love without life? Can we live without love? What is life without love... What is Love without life... Isang Academy na nakapukaw ng interest ng apat na babae... Because of curiosity the four girls entered the Academy, What they don't know...