SAIJALE
Matapus kong mag impake at ilagay lahat ng importanteng gamit sa bag ko ay pumasok na rin ako sa banyo para mag linis na ng katawan bago bumyahe. Hindi ko alam kung bakit sinama ko ang larawan pati ang letters at libro sa bag ko. Basta ang alam ko lang matapus kong titigan ang litrato nila ay naka ramdam ako ng pangangamba at takot na may halong saya iwan! Diko talaga mapaliwanag.
May buwan pa akong nakikita sa labas nang pumunta ako sa balcony. Full moon.
"Anak?"
Agad akong pumasok sa kwarto ko at sinira ang pinto doon.
Binuksan ko ang pinto at ngumiti kay mommy "Good morning, mom" I said.
"Good morning, are you ready? Na sa baba na ang mga kaibigan mo" Aniya.
"Uh...yeah." Ngumiti ako at kinuha ang bag ko.
Bago ako tuluyang lumabas ay pinigilan ako ni mommy kaya tumigil ako at humarap sakaniya.
"Here" Inabot niya sa akin ang isang maliit na bottle ng vitamins.
Kung totoo mang vitamins 'yon.
Tumitig ako do'n. Hindi naman siguro ako nilalason ng sarili kong ina diba? I have a lot of questions to her pero nanatiling tikom ang bibig ko. I fake a smile and took the Vitamins.
Nilagay ko 'yon sa shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto.
"Mag iingat kayo" Sambit ni mommy nang mag paalam kami sakaniya.
2 am pa lang kaya nang maka sakay kami sa Van ay deretso kaming na tulog ulit. Mag ka tabi si Vlea at gley kaya naka sandal ang ulo ni Vlea sa balikat ni Gley habang sinandal naman ni Gley ang ulo niya sa ulo ni Vlea. I leaned my head in Alera's shoulder she rested her head in mine too.
We woke up at 1 pm. Oo talagang nag sabay kaming gumising dahil sa ingay sa labas. Traffic pala at may nag aaway sa harap.
"Sira ulo ka pala eh!"
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may hinugot ito sa likuran niya at deretsong tinutok ang baril sa isa pang lalaki. Tulad ko ay parang nanlaki rin ang mga mata ng kasama ko dahil sa gulat.
Tumitig ang binatang lalaki na tinutokan niya ng baril at ngumisi. Na agaw ang pansin ko sa isang babae na naka sandal lang sa isang sasakyan at tulad ng binatang lalaki ay tumitig lang din ito sa baril na para bang walang pangangamda sakanilang mukha. They just stared at it blankly.
Halos kumabog na ang puso namin dito tas parang relax lang silang dalawa.
Nakita kong may binulong ang babae at sa isang iglap ay nahulog ang baril at biglang napahawak ang lalaki sakaniyang dibdib. Natumba ito at dumugo pa ang kaniyang mga mata. Tumingin ako kay Alera. Naka titig siya sa babae, mukhang nakita niya rin ata 'yon.
Dumating ang mga police at umayos rin ang pag takbo ng mga sasakyan. Saglit akong lumingon sa binatang lalaki at dalaga. Nakita kong nilapitan ng binatang lalaki ang police at tumitig pa ito sa mga mata ng police, may sinabi ito.
"Sigurado po ba kayong pupunta kayo doon?"
Napatingin ako sa Driver. Kumunot ang noo ni Vlea at Gley at binigyan ng masamang tingin ang Driver.
"Just drive, can you?" Inis na sambit ni Vlea.
If you think vlea has a bad attitude...
You're wrong.
Maarti lang siya pero mabait 'yan...
Sa mga deserve pakitaan ng bait.
"Pwede ko po kayong dalhin sa masayang lugar, ma'am" Tumingin ang driver sa salamin.
BINABASA MO ANG
Our Lifeless Love (Ongoing)
FantasyCan we love without life? Can we live without love? What is life without love... What is Love without life... Isang Academy na nakapukaw ng interest ng apat na babae... Because of curiosity the four girls entered the Academy, What they don't know...