Chapter thirty five

0 0 0
                                    

SAIJALE

Nakatanaw ako sa labas habang si Leo ang nag mamaneho papunta sa ciudad. Sinabi sa amin ni Lady jhung kung saan siya ngayon, akala ko bukas pa kami aalis 'yon pala ay agadan. Hindi tuloy ako nakapag-paalam sa mga kaibigan ko dahil matapus niyang sabihin sa amin ang dapat naming gawin ay pinaalis niya na kami dahil lahat daw ng maari naming gamitin sa lakad na ito ay nasa sasakyan na.

Saktong 12 pm kaming nakarating sa ciudad. Agad kaming pumasok sa Hotel na sinabi ni Lady jhung at doon nag check in. Dala ni Leo ang maleta na nasa sasakyan kanina. Habang ako namang ang nag babayad sa cashier.

Nang makapasok kami sa Elevator ay para akong hindi mapakali. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Lumunok ako at agad na lumabas nang bumukas ang Elevator. Mabilis naming nahanap ang kwarto namin dahil sa instinct ng strega.

Napasinghap ako nang makapasok kami sa kwarto dahil may suit na doon at isang magandang dress sa kama. Nag katinginan kami ni Leo, ako ang unang humakbang palapit roon at binasa ang letter na nakasulat sa ibabaw ng suit.

Ito ang gagamitin niyo para mamaya...

Ito ata ang sinabi ni Lady Jhung na party. Ngumiwi ako at pinagmamasdan ang dress. Inilapag ni Leo ang maleta sa kama at binuksan 'yon. Napamaang ako nang makita ang laman no'n! Dalawang espada at parang panyo na itatakip ata namin sa bibig ng matanda mamaya. May mga ibat-iba pang kagamitan sa pakikipag laban ang nandoon.

7 pm ang party kaya lumabas muna kami ni Leo pero bago kami lumabas ay tinago namin ang maleta sa ibaba ng kama. Nang makababa kami ni Leo sa hotel ay sabay kaming nag lakad papunta sa mga taong inihanda ang stage at mga upuan para mamaya.

Tumitig ako sa isang matandang lalaki at marahang siniko si Leo. Nakita kong tumingin rin ito sa tinitignan ko. Nag katinginan kami saglit bago tumingin sa mga nakapalibot dito.

"Hindi sila ordinaryong tao, Sai" Bulong niya sa akin habang nakatingin sa mga nakabantay sa matanda.

"Ramdam ko nga" Tumitig ako sa matanda "Ngunit wala akong maramdaman sa matanda, Leo? Ibig sabihin..."

"Tao ang matanda" Sagot niya sa akin.

Bago pa kami mapansin ng matanda ay umalis na kami para kumain. Hindi mawala sa isip ko ang mga bampirang bantay niya at ang iba pang nag papanggap na tumutulong sa pag aayus sa party.

Nagpaalam ako kay Leo na pumunta sa comfort room saglit habang wala pa ang inorder namin. Imbes na pumunta sa Comfort room ay dumiritso ako sa isang sulok kung saan hindi ako makikita ng matanda. Malapit ako sakaniya kaya naririnig ko na ang mga sinasabi niya.

"Imbetado na ba ang lahat?" Isang malamig na boses ang narinig ko mula sa isang lalaki na hindi rin pamilyar sa akin ang tinig niya.

"Opo, Master, lahat ng mga mayayaman at iba pang sa tingin ko ay may tinatagong anyo ay imbetado" Deretsong sagot ng matanda.

Bahagya akong sumilip sakanila at halos malaglag ang panga ko nang makita ang kausap ng matanda! The man in the frame! Ang lalaki sa litrato! Siya...sigurado akong siya 'yon!

Master?

Master ba ang pangalan niya?

"Ang pinakamataas sa lahat..."

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon