GLEYAR
GUSTO kong matawa lalo na't iniiwasan niya talaga ang mga mata namin. Ilang araw niya kaming hindi pinansin tas malalaman namin na may something sila—Well wala naman siyang sinabi...pero duhh, Holding hands, napaka omg. Teka nga na alala ko ang lalaking 'yon...Siya 'yong nag buhat kay Sai nong mahimatay siya. Pero, bakit parang nag iba ang mukha niya?
His eyes turn green, Her hair became black.
Baka naka contact lens lang siya no'n tapus naka wig.
Oh well, Who knows.
"Bago tayo mag simulang kumain, Gusto kong malaman kung handa na ba ang aming ipapadala kay Ginang Guandex?"
Napangiwi ako at nag baba ng tingin. Kahit hindi ako handa wala naman akong choice diba. Bweset na Yesla talaga 'yon! Nakakainis!
"Filya, Jervour at Gleyar"
Tumayo ang dalawa kaya palihim akong padabog na tumayo dahil sa inis.
"Handa na po kami" Sabay na sagot nilang dalawa.
Tumingin sila sa akin.
Oh! Bakit?! Eh sa hindi pa ako handa eh!
Dahil wala naman akong choice...As usual "Handa na po ako" I smiled fakely.
Tumango si Lady jhung "Mabuti kung ganon, mamayang gabi ay sisimulan niyo ng lakbayin ang daan patungo sa bahay ni Ginang Guandex"
PADABOG kong nilagay ang iba kong damit sa bag na binigay ni Lady Jhung iyon daw ang gagamitin namin para lagyan ng iba naming gamit. Tumigil ako sa pag aayus ng mga gamit ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Agad akong nag tungo doon para pag buksan ang kung sino mang kumatok.
Napangiti ako nang makita ang tatlo kong kaibigan. Alalang-alala ang mga mukha nila, Except kay Alera na blanko lang ang mukha. She's not expressive kaya kahit blanko ang mukha niya ay alam kong nag aalala rin siya sa akin.
Pumasok sila sa kwarto ko at nang masira ko ang pinto ay agad akong niyakap ni Vlea, sumunod naman si Sai. Alera just stood there quietly. I heard her sight and look away. Nang kumalas na sila sa yakap ay ako na ang lumapit kay Alera at yumakap sakaniya ng mahigpit. Bahagyang gumalaw ang balikat niya kaya alam kong nagulat siya sa ginawa ko.
Mahigpit niya akong niyakap pabalik kaya doon palang ay alam ko ng grabe rin ang pag aalala niya sa akin.
Nang kumalas ako ay wala pa rin akong makitang emosyon sa mukha niya pero ang yakap na 'yon ay sapat na para sabihing nag aalala siya sa akin.
"Dalhin mo ito" Inabot ni Alera sa akin ang maliit na kutsilyo "'yan lang ang miron ako...Hindi ko alam kung mapo-proteksyonan ka nyan pero...Gusto ko pa ring ibigay 'yan sayo"
Ngumiti ako at tinanggap ang binigay niya.
"Mag iingat ka ah!" Yumakap ulit si Vlea sa akin.
Tumango ako. Tumingin ako kay sai na naka baba ang tingin. Nang mapansing naka tingin ako sakaniya ay nag angat siya ng mukha at ngumiti sa akin.
"Just don't be careless, okay?" Aniya.
I nodded and smiled "Don't worry guys, I will come back alive, I promise"
BINABASA MO ANG
Our Lifeless Love (Ongoing)
FantasyCan we love without life? Can we live without love? What is life without love... What is Love without life... Isang Academy na nakapukaw ng interest ng apat na babae... Because of curiosity the four girls entered the Academy, What they don't know...