Chapter seventy

9 0 0
                                    

GLEYAR

AKALA ko hindi na ako kahit kailan man sasaya pa. Akala ko wala ng hihigit sa saya ko kapag kasama ko ang mga kaibigan ko pero nagkamali ako.

Malawak ang pagkangiti ko habang pinagmamasdan ang aking asawa na nagbubuhat ng kahoy para pang luto namin. Pawis ma pawis ito pero mukhang hindi naman siya napapagod, wala lang sakaniya ang pagbubuhat ng isang malaking kahoy na itinumba niya ata sa punuan.

Hinawakan ko ang t'yan ko. Tatlong buwan na ang lumipas, nagsisimula na itong lumaki pero dahil sa suot kong mga whole dress ay hindi halatang lumalaki na ito.

Tignan mo ang daddy mo baby oh, ang guwapo 'no. Mas excited pa 'yan sa'kin na makita ka.

Tumingin ito sa direksyon ko. Ang kaninang seryusong pawisan niyang mukha ay lumambot at ngumiti ng napaka tamis. Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa noo habang ang kamay ay nasa t'yan ko. Yumuko siya at hinaplos ang t'yan ko.

"Hi my little one"

Napangiti ako dahil sa pag e-english niya. Talagang pinag-aralan niya ang Ingles dahil sa'kin. Hindi ko kasi maiwasang mag english lalo na pag seryuso ako. Maybe because I was in a private school where most of students doesn't speak tagalog. Idagdag mo pa na kapag kaharap ko ang mga ka business niya ay talagang mag e-english dahil mga taga ibang bansa halos lahat.

Pinahiran ko ang pawis niya gamit ang towel na binili namin sa bayan. Nakangiti siyang pumikit habang dinadampian ko ng towel ang mukha niya.

Nakakainis lang, bilad na siya sa araw kanina tapus grabe pa ang pawis niya pero ito siya, subrang bango at napaka guwapo!

"May gusto ka bang kainin?" Tanong niya matapus ko siyang punasan.

Ngumuso ako at tumango.

"Ano yun?" Malambing ang kaniyang boses kaya hindi ko maiwasang kiligin.

"Mangga tapus may alamang, I'm craving, mahal"

"Yun lang ba?"

Umiling ako "gusto ko ng fruit salad tapus orange yung matamis"

"Okay. Bibili ako sa bayan. Kaso sinong makakasama mo dito? Ayaw kitang iwan mag isa, hindi rin kita puwedeng isama dahil kailangan nating mag ingat kay baby"

Magsasalita pa lang sana ako pero may na una na sa'kin. Isang boses na hindi ko inaasahang marinig kahit kailan.

"Ako."

Mabilis akong lumingon sakaniya at sigundo lang ay tumulo na ang luha ko nang makita ang blanko niyang mukha, seryuso pero kumikinang ang kaniyang mga mata. Alam kong na miss niya ako!

Agad akong tumakbo papunta sakaniya at yumakap ng napakahigpit sakaniya. Agad akong napahagulgol habang hinahaplos niya ang likuran ko.

"A-alera..." Hagolgol ko.

...

Nilapag ko sa harap niya ang tinimpla kong choco. Nag lagay rin ako ng tinapay at palaman para makakain niya. Tumingin ako kay Leo na nasa labas, kumakain ito ng hinog na kapayas, nakahiwa ang kapayas, kinukutsara niya ito at pati buto ay kinain niya kasi nga ayon sakaniya nakakalakas daw ang buto nito parang may vitamins daw ganun.

"Alis na ako" hinalikan niya pa ako sa sentido bago lumabas.

Sumama sakaniya si Leo kaya naiwan kami ni Alera dito. Ininum niya ang tinimpla ko at pasimpleng tumingin sa paligid. Gawa sa kahoy ang aming bahay pero malaki ito may electricfan rin at malinis ang aming mga kagamitan. Miron kaming kusina, sala at isang kuwarto pero sabi ni Jeren dadagdagan niya daw para sa baby namin.

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon