Chapter seventy six

6 0 0
                                    

ISINIGAW ko lahat ng sakit na naipon sa puso ko at ayon na ang malakas na kulog at kidlat sa kalangitan. Lumipad lahat ng dahon sa puno at narinig ko nanaman ang kulog sa kalangitan. Alam kong umaasol nanaman ang mga mata ko pero hindi ako tumigil sa pag sigaw hanggang sa hindi ko maramdaman ang pag gaan ng puso ko.

Nasa isang bundok kami. Dinala ako dito ni Alera, sabi niya dito ko daw ilabas lahat.

Nilipad ng hangin ang buhok ko.

Parang may utak ang sarili kong mga kamay at mula doon ay lumabas ang asul kong kapangyarihan.

"H-hindi ba natin siya pipigilan?" Rinig kong tanong ni Alaina.

"Hindi." Sagot ni Alera.

Muli akong sumigaw at tuluyan ng lumabas ang mga kapangyarihan ko.

"M-master..." Tawag ni Alaina sa akin.

"Sai..."

Para akong nagising nang yakapin ako ni Astil at ialis sa tinatayuan ko kanina talagang ginamit niya ang buong lakas niya dahilan para sabay kaming mapahiga sa lupa. Bigla ay tumalsik ito sa may puno.

"Astil!" Agad akong napatayo nang mamilipit ito sa sakit.

"P-pasensya na" napatingin ako sa paligid at nagbaba ng tingin nang makita ang damage na nagawa ko.

"Ayus ka lang ba?" Tanong ni Alera sa akin.

Ngumiti ako at tumango "Gumaan ang pakiramdam ko"

"Mabuti kung ganoon"

Nagpapasalamat talaga ako sa ginawa niya. Bukod sa nailabas ko lahat ng sakit na naipon sa akin ay nilayo niya ako sa palasyo na para akong sinasakal. Hindi ako makahinga.

Pero alam kong hindi ako puwedeng manatili doon dahil hahanapin na rin ako sa palasyo.

Si Astil ang nag kokontrol sa kabayo habang si Alaina naman ay nagpaalam na may bibilin daw siyang pagkain kaya kaming dalawa lang ni Alera ang nasa loob ng karwahe.

"Seryuso ako sa sinabi ko no'n, Alera. Umalis ka na. Ayus na ako, kaya ko na 'to" Ngumiti ako sakaniya at hinawakan ang mga kamay niya "Hindi mo gustong matuklasan ang miron sa mundong ito, hindi ka nababagay dito, at isa pa, mapapahamak ka"

Umiling siya "Mananatili ako sa tabi mo, Sai-Master"

Inirapan ko siya "Stop that, sakal na sakal na nga ako sa tawag na 'yan eh" ngumuso ako matapus sabihin yun.

Nagkibit balikat lang siya "Basta mananatili ako dito, mananatili ako sa tabi mo at hinding-hindi kita iiwan"

"Pano si Gley?" Bumuntong hininga ako "Si Vlea? Ikaw. Pano ang sarili mo?"

"Gley is in good hands, Vlea..." Saglit itong bumuntong hininga "she's out of control kaya wala na akong magagawa doon. But I know she's still there, our best friend is still there. Ako? Masaya akong makasama ka, ang babaeng biglang humila sa akin dahil ayaw makitang mag isa ako"

Tumango-tango ako "Pano si Lestrel?"

Nakita ko ang pag tigil niya at pag iwas ng mga mata niya sa akin. I chuckled.

"Ano namang siya? Wala akong pakealam sakaniya" hindi talaga siya makatingin sa akin.

"Oh come on, I know when a girl is in love, Alera! I saw it, your eyes when you look at him, the beat of your heart when you're with him...Gosh! Our Alera is in love!" Panunukso ko sakaniya.

Yes, I watched her, them. Tuwing may oras ako ay ginagamit ko ang kapangyarihan ko para makita ang mga nangyayari sakanila

"A-ano? Nagkakamali ka lang, Sai"

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon