Chapter Three

15 0 0
                                    

SAIJALE

THE sound of a werewolves make me shiver. Sa Movies ko lang 'to naririnig eh, nakaka takot pala talaga kapag ikaw na mismo ang talagang nakakarinig ng gano'n. At isa pa ang weird lang din kasi, akala ko Walang werewolf sa pilipinas kasi na sa mga snow ang mga 'yon.

I bit my lower lip and hugged Alera's arm while walking in the dark forest. Kanina pa kami nawawala! Pabalik-balik kami sa dinadaanan namin.

"Now I'm starting to regret" Bulong ni Gley. Naka kapit rin siya sa braso ni Alera sa kabila.

Vlea is shaking while holding my arm. Alera didn't even flinch or look scared. She remain quite while walking calmly in this dark place.

"AWOOOOO"

Ah! Ayon nanaman!

Napapikit ako at mas lalong dumikit kay Alera gano'n rin si Vlea sa akin.

"Can you guys just calm down, and please I want you to act un bothered" Mariing sambit ni Alera "Kapag na se-sense nilang natatakot kayo ay mas gusto nila kayong takutin pero pag ramdam nila na wala kayong apekto sakanila ay titigil rin sila."

"How do you k-know t-that" Nanginginig na tanong ni Vlea.

"I read it somewhere" Alera shrugged.

Kahit na natatakot kami ay ginawa namin ang sinabi niya. Bumitaw ako sakanila pati rin si Gley ay umayos na ng lakad. Vlea on other hand didn't even bother to let go of my arm. Kaya marahan ko siyang siniko.

Nanginginig niyang inalis ang kamay niya sa braso ko at hinigpitan ang hawak sa shoulder bag niya.

Nakita kong hinawakan ni Alera ang kwentas niya. Binalewala ko 'yon at nag pa tuloy sa pag lalakad.

Tumigil kami nang sa wakas ay maka rating kami sa destination namin.

The Academy....

Napamaang ako nang makita kung gaano ito kalawak at kalaki, Parang palasyo pero haunted version ng palasyo. Hindi ko masasabing abandoned castle kasi kahit na madilim ay kitang kita kung gaano ito kalinis at kahit supot ay wala akong nakikita. Nag sisitayuan pa ang itim na malaking Gate na halos kasing laki at tangkad ng General sherman tree.

"Maligayang pag dating"

Our souls almost left to our body when the voice of a girl appeared. Agad kaming lumingon sa likuran namin. My eyes widened seeing the girl with her uniform. A White sleeve and a black Ribbon a Black Skirt na hanggang paa lang ang taas. Naka sabit sa kamay niya ang black blazer. Naka boots ito na itim. She give us a warm smile.

"Pag pasensyahan niyo na at hindi ko kayo na sundo sa kalsada, sana ay wag itong maka rating kay Lady jhung" Ngumuso pa ito.

"Ayus lang." Si Alera ang sumagot.

Naguguluhan kaming tumingin kay Alera na ngayon ay seryuso at wala man lang nababakas na takot sa mukha niya. She looks confident and calm. How can she even do that?! Parang nababaliw na nga ako dito sa takot tapus siya?! Ayan chill lang na parang na sa ordinaryong paaralan kami.

"Ano pang hinihintay natin! Tara na..."

Umuna siya sa pag lalakad. Agad kaming sumunod sakaniya.

"Iuha!"

Sabay kaming tumigil. Agad na lumingon ang babaeng nasa harap namin sa gilid. Tumingin rin kami doon, do'n kasi nang galing ang boses ng babae.

Pareho sila nong babaeng bumati sa amin. She's wearing a uniform too, pero may pag ka iba ang uniporme nila. This girl have a White long sleeve, Red ribbon and a red skirt na hanggang paa lang din, she wears a red boots and a Red blazer.

"Filya?" Kunot noong tawag ng babaeng nasa harap namin "Anong ginagawa mo sa labas? May permiso ka ba?"

Nag lakad ito palapit sa babaeng kasama namin na Iuha ang pangalan. The Blazer have a name plate...

Filya Nadya Balza

Ngumuso si Filya at humawak sa kamay ni Iuha "Hindi mo naman ako isusumbong diba"

Napailing si Iuha at tumingin sa amin kaya agad kaming umayos. Tumingin rin si Filya sa amin.

"Sila ba ang bagong studyanteng sinasabi ni Lady jhung?" Naka ngiting tanong ni Filya sa kaibigan.

Iuha nodded "Oo sila nga"

Lumapit si Filya sa amin kaya marahan akong napa atras lalo na nong makita kong pumula ang mga mata niyang kanina lang ay kulay itim ito. Hindi nawala ang ngiti niya kahit na nang maka lapit siya sa amin.

"Mga Strega" Tumango-tango pa ito "Teka..." Humarap siya sa kaibigan niya "Akala ko ba isang bampira, isang Lobo at dalawang Strega? Ba't lahat nang 'to Strega?" Naguguluhan niyang tanong sa kaibigan.

Kumunot ang noo ko.

Ano daw?

Bampira...Lobo...Strega?!

What the fuck is the meaning of that. Gulong-gulo ako sa mga sinasabi nila pero nanatili nalang akong tahimik.

"Baka nag kamali lang" Iuha shrugged and smiled at us "Tara na-"

"Sa skwelahang ito ay ako ang una niyong magiging kaibigan!" Naka ngiting sambit ni Filya nang maka harap siya sa amin "Maligayang pag dating sa Nostrum Academy!"

Nostrum Academy...

So that's the name of this Academy, Why Nostrum? Nag sisimula na talagang ma dagdagan ang mga tanong ko tungkol sa lugar na 'to. Pero at least na sagutan ko na ang isa kong tanong...

Akala nila kami ang ine-expect nilang bagong studyante...Ang hindi nila Alam ay mali ang studyanteng sinusundo nila.

Hindi ko alam pero biglang nawala ang ngiti ni Filya at Mariin akong tinitigan. Nanliit ang mga mata niya at nilapitan ako kaya napa atras nanaman ako.

"Maling studyante?" Tumaas ang kilay niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko at mukhang naramdaman niya 'yon dahil tumingin siya sa dibdib ko.

"Filya?" Tawag ni Iuha sakaniya.

"Natatakot ka?" Ngumisi siya "Impossible namang tao ka dahil hindi ko naaamoy ang dugo mo...pero bakit tumitibok ang puso mo?" She sounds like sarcastic.

And yes, I am really scared.

Napa pikit ako nang bigla niya akong inamoy sa leeg. My heart is pounding so fast na para bang aatakihin na ako sa kaba at takot dahil sa ginagawa niya.

"Filya, Ano ba!" Inis na wika ni Iuha

Nang dumikit ang ilong niya sa leeg ko ay bigla akong naka rinig nang malakas na kalabog kaya napa mulat ako. Mukhang tumalsik siya sa Gate dahil naka upo ito sa lupa. Nakita kong nasugatan ang tuhod niya nang maka tayo siya, hindi ako maka paniwalang biglang nag laho ang sugat na 'yon. I saw the wound! Paanong nawala 'yon?!

"Strega nga." Sambit niya at bumalik ang ngiti sa labi niya "Pasensya na sa ginawa ko, naguluhan lang ako kung bakit naririnig ko ang iniisip mo tapus pati puso mo naririnig ko..."

Napahawak ako sa kwentas na binigay ni Alera nang uminit ito. Hindi naman siya nakakapaso o masakit. Tumingin ako kay Alera na may pag tataka sa mukha. Nag baba siya ng tingin.

Hindi lang pala ang skwelahang ito ang mysteryuso...

Ang kaibigan ko...

Isa rin siyang mysteryusong babae na hindi ko alam kung mapapagkatiwalaan ko pa ba siya o isang puzzle na kailangan kong buohin tulad ng skwelahang ito.

Now I feel like, This is the beginning of something.

J E A N Y Y Y

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon