VLEARIE
Ang akala ko ay nakatakas na kami ngunit nagkamali kami dahil hindi namin nagawang mabuksan ang pinto palabas ng paaralang ito. Hingal na hingal ako habang nakikipaglaban sa mga bampirang sumusubok na lumapit sa amin.
Nasakalagitnaan ako ng labanan nang makita ang isang bampira na palapit kay Alera at Gley. Mabilis na tumibok ang puso ko nang makita ang espada nito. Mabilis kong tinulak ang kalaban ko at ginamit ang bilis ko para makalapit sakanila ngunit huli na ako...
Humarang si Alera kay Gley dahilan para sakaniya sumaksak ang espada.
"A-alera..." Sinalo ni Gley si Alera at mabilis na napaluhod si Gley habang naka higa naman roon si Alera.
That made all the vampires stop and look at Alera's direction. Agad kong hinugot ang puso ng bampirang gumawa no'n kay Alera. Hindi ko napigilang umiyak nang makita ang pag bagsak ng kamay ni Alera habang pikit na rin ang kaniyang mga mata.
Humihikbi na si Gley habang nakatingin kay Alera. Mabilis akong lumuhod sa harap nila at hinawakan ang kamay ni Alera. Tumingin ako sa mga kasamahan ko nang makitang nakaharang na silang lahat sa amin at handang makipaglaban sa oras na may gumalaw sa amin. Nasagitna si Lady jhung at ang lalaking may asul na uniporme, sinundan naman 'yon ng mga iba pang studyante at mga opisyal.
"Ipainom mo sakaniya ang dugo mo habang may oras pa!" Sigaw ni Lady yhung.
Patawarin mo ako, Alera, hindi ko kayang panuorin kang mawala sa amin. Agad kong kinagat ang pulso ko at inilapit 'yon sa labi niya, sinigurado kong bawat patak ng dugo ko ay dumidiritso sa bibig niya.
Nagsimula ng maglaban ang kasamahan namin at ang mga kalaban. Nanatili ang mga mata ko kay Alera. Minuto lamang ang hinintay namin bago nakita ang pamutla ng balat niya at ang pamumula ng labi niya. Hindi rin nag tagal ay napabangon siya na may namumulang mata.
"Alera.." Tawag ni Gley sakaniya.
Bumalik sa normal ang mga mata niya at tumingin kay Gley. Hinawakan niya ang t'yan niya kung saan sinaksak siya kanina. Agad na nanlaki ang mga mata niya nang wala siyang mahawakang sugat.
"B-bakit ako nauuhaw?" Bumaling siya sa akin.
Nagbaba ako ng tingin "I'm sorry, Alera..."
"H-hindi...N-no, y-you didn't-"
"I-i'm sorry...I-i need to do that..."
"I don't want to be a monster" Diin ni Alera.
"Kailangan niyo siyang painomin ng dugo ng tao para ma completo ang kaniyang lakas bilang isang bampira!" Sigaw ni Lady yhung.
Hindi nagdalawang isip na hiwain ni Gley ang pulso niya at tumingin kay Alera na ngayon ay iniiwas ang tingin sa pulso ni Gley.
"Please, Alera" Pagmamakaawa ni Gley.
Hindi ko na napigilang umiyak at humikbi "if you're mad...it's fine...kung hindi mo ako kayang tignan...ayus lang, if you see me as a monster now, okay lang...p-pero, Alera, Hindi ko kayang panuorin kang mawala sa amin, H-hindi ko kaya" Umiling at at sinubukang patahanin ang sarili ko.
Nag angat ako ng tingin nang marinig ang pag lagok ni Alera. Napapikit si Gley habang iniinum ni Alera ang dugo niya, tinitiis ang sakit. Nabuhayan ako nang makitang wala ng kalaban.
BINABASA MO ANG
Our Lifeless Love (Ongoing)
FantasíaCan we love without life? Can we live without love? What is life without love... What is Love without life... Isang Academy na nakapukaw ng interest ng apat na babae... Because of curiosity the four girls entered the Academy, What they don't know...