SAIJALE
THE LIFE of people is not easy. They always have a problems, most of it is about money and power. Akala ko masakit ang mundo ng mga tao pero nagkamali ako. Supernaturals world is the most painful world.
Pinahiran ko ang takas na luha sa mga mata ko. Humigpit ang hawak ko sa saya ko nang mas humagolgol ang mga bampirang nawalan ng pamilya.
"Mahal na prinsesa! Nagmamakaawa ako, patayin ninyo ang mga lobo...tulad ng pagpatay nila sa aking panganay!" Hagolgol ng isang ina ang mas nagpadurog sa puso ko.
Tumalikod na ako at sumakay sa kabayo ko. Muli akong tumingin sa mga bampirang walang buhay na nakahiga sa lupa. Nagiging abo na rin ang kanilang katawan, nililipad ito ng hangin. Lahat sila ay nakatingin sa akin habang umiiyak. Nagmamakaawa, humahagolgol at nakikiusap.
Mabilis kong pinatakbo ang kabayo. Halos hindi na makaabot sa akin ang mga kawal na nakasunod sa akin. Nanginginig ang kamay ko sa hindi ko alam kung bakit. Ang tanging nasa isip ko ay ang mga pamilyang nawalan, mga bampirang humahagolgol.
"Mahal na prinsesa!"
Hinila ko ang hawak kong pang pa tigil sa kabayo nang sumigaw ang isang kawal. Nilingon ko sila at agad na nag taka nang makitang nakatigil na silang lahat.
"Hindi tayo maaaring mag aksaya ng oras!" Sigaw ko sakanila.
"Hindi kami makapasok, mahal na prinsesa"
Kumunot ang noo ko at pinabalik ang kabayo ko. Pinakiramdaman ko ang lugar na ito. Pinikit ko ang mga mata ko at nang mag mulat ako ay doon ko nakita ang nakaharang sa lugar na ito.
"Kung hindi ako nag kakamali, tanging mga lobo lang ang makakapasok dito at 'yong gumawa ng kapangyarihan na ito." Sambit ng isa sa kawal.
"Ngunit nakapasok ang mahal na prinsesa?"
"Wag nating kalimutan na anak siya ng asul na buwan"
Bumuntong hininga ako. So I'm doing this alone "Mag hintay kayo dito" sambit ko.
"Ngunit mahal na prinsesa! Hindi namin puwedeng hayaan kang sumugod sakanilang mag isa."
Tipid akong ngumiti sakaniya "sayo na mismo nanggaling, anak ako ng asul na buwan"
Tumalikod na ako sakanila at sinipa ang kabayo ko dahilan para tumakbo ito ng napakabilis. Natigil ako sa may gubat kung saan walang kahit anong puno. Tanging mga damo at lupa lang ang nandito. Nang subukan kong tanawin ang mga puno ay hindi ko na ito nakita pa muli. Ganon ba kabilis ang pag layu ko sakanila?
Naglalakad na ang kabayo ko, nakakarinig na rin ako ng pag agus ng ilog sa kung saan. Humangin ng napakalamig hanggang sa madaanan ko na ang ilog. Dahan dahan lang ang pag lalakad ng kabayo ko kaya nang makarating ako sa may mga puno ay hindi ako napansin ng mga lobong nagtitipon.
"Paumanhin..." Mabilis silang nakaayus ng puwesto. Kunting-kunti nalang at lahat sila ay magiging isang lobo na.
Isang lalaking may katandaan na ang tumingala sa akin. May suot akong itim na sumbrero, may nakapalibot doon na manipis na itim na tela na tumatakip sa mukha ko manipis lang naman iyon kaya kita ko pa rin ang nasa paligid ko habang sila ay hindi nila magawang makilala ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
Our Lifeless Love (Ongoing)
FantasyCan we love without life? Can we live without love? What is life without love... What is Love without life... Isang Academy na nakapukaw ng interest ng apat na babae... Because of curiosity the four girls entered the Academy, What they don't know...