Chapter Forty eight

3 0 0
                                    

SAIJALE

HINDI maalis ang ngiti sa labi ko habang nag pipisikan kami ng tubig sa sapa. The fresh water and cold wind with nature is embracing my body. Buti nalang talaga at hinayaan kami ni Ama na lumabas ng palasyo. We acted like a normal vampires when we exited the palace. Habang naglalakad kami ay nahanap namin itong sapa. Good thing we bring something to wear dahil ito naman talaga ang pakay namin sa paglakbay sa kagubatan.

"Sai, Look!"

Agad akong napatingin sa tinuro ni Gley. Napamaang ako nang makita ang Gintong mansanas na nasa unahan. I didn't notice that kanina. Umahon na kami sa tubig dahil mag dadalawang oras na rin kaming nandito.

Nang matapus kaming mag bihis ay doon agad kami nag tungo sa nag iisang punuan na mag gintong mansanas. Ano kayang lasa ng mansanas na 'to?

Maaabut lang namin ang isang mansanas habang ang iba ay kailangan pang akyatin para makuha. Aabutin ko na sana ito nang biglang may nag salita sa likuran namin.

"Hindi ko gagawin 'yan kung ako ang nasa mga kinatayuan niyo" Ani ng malamig na boses na pagmamay-ari ng lalaki.

Tumingin ako sa direksyon niya at pinagkunutan siya ng noo. Nakasandal ito sa puno habang nag babasa ng lumang libro at hindi man lang nag abalang tumingin sa amin.

"Bakit? Ano bang miron sa prutas na ito?" Si Alera na ang nag tanong.

The guy look straight at her eyes and smirk "Anong sa tingin mo, binibini?"

"Gintong mansanas...'yan ang nakikita ko" Malaming na sambit ni Alera.

"Bukod do'n ano pa ang nakikita mo?" Sinirado ng lalaki ang libro at umayos ng tayo. He walk closer to Alera "Sigurado ka bang mansanas lang 'yan..." Hinawakan niya ang balikat ni Alera at pinatingin ito sa puno.

What is he doing?

Inalis ni Alera ang mga kamay ng lalaki sa balikat niya at mariing tumingin sa lalaki na nasa ere na ang mga kamay na para bang sumusuko ito habang nakangisi kay Alera. 

Well...looks like someone's having her own love story.

Napangiti ako sa iniisip ko. Ngumiwi ako nang tignan ako ng dalawa na para bang nababaliw na ako.

"What? I'm just enjoying this" I grin.

Bulong ko sakanila. Sabay silang napailing at tumingin rin sa dalawa na ngayon ay nagpapalitan na ng tingin.

"Ano bang miron sa mansanas?" Gley asked.

"Tanging maharlika lamang ang makakakuha ng mansanas na 'yan at kapag kinuha 'yan ng isang ordinaryong nilalang ay maaari silang mag laho" Paliwanag ng lalaki "uulitin ko para sa maharlika...hindi para sa mga mahihirap tulad ninyo"

Inangat niya ang isa niyang kamay at sa isang iglap ay may hawak na itong gintong mansanas na nang galing sa itaas. Napangiwi si Vlea at Gley. Alam ko na ang iniisip nila.

"Prinsepe ka?" Gley curiously asked.

"Hindi, pero anak ako ng may pinakamataas na rango ng konseho"

Ngumuso si gley at sinulyapan ako na para bang sinasabi na pakitaan ko ang lalaking 'to. Natawa lang ako at napailing.

Kinagat ng lalaki ang mansanas na hawak niya at nginisian kami.

"Maaari na kayong umalis" Mayabang na sambit ng lalaki.

Bumuntong hininga ako at tumalikod na. Nakasimangot namang nakasunod ang dalawa sa akin. Habang papalabas kami ng kagubatan ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang bawat punong nadadaanan namin. Bukod kasi sa may kakaibang bunga ito ay nakakamangha rin ang preskong mga dahon nito na para bang hindi ito mamamatay kahit ilang taon pa ang lumipas.

Nakakita na kami ng mga nilalang na nag lalakad at naririnig ko na ang mga tawanan ng bata kaya batid kong nakalabas na kami sa kagubatan.

"Mga binibini! Bili na kayo, masarap ito...at totoong laman ito ng tao" Halos ibulong lang ng ginang na nag alok sa amin ang huling pangsalita.

Ayaw ko mang aminin pero ang bango ng inalok niya at alam kong natatakam roon si Vlea. Pinipigilan niya lang ang sarili.

Umiling ang dalawa at nag patuloy na sa paglalakad. Habang pabalik na kami sa palasyo ay pansin ko ang mga matang nakamasid sa akin. Tumingin ako sa paligid ngunit tanging mga iba't-ibang nilalang na may pinagtutuonan ng pansin lamang ang nakikita ko. Kids playing around, vendors arranging their foods and other things they will sell.

Nasa labas na kami ng palasyo at pumasok na rin ang mga kaibigan ko sa Gate habang ako ay nanatiling nakatayo sa labas. Napasinghap ako nang mapagtanto kung saan ako nakatayo at kung nasaan ako ngayon. Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pakiramdam kong may nakamasid sa akin.

Wala sa sarili akong napatingin sa Fountain at agad na napamaang nang ma-alala ang dugong umaagos roon sa panaginip ko.

"Ang babaeng isinilang para paslangin ang lahat ng nilalang sa mundong ito"

Bigla ay tumigil ang oras at tanging boses lang ng babaeng 'yon ang naririnig ko.

Lumingon ako sa direksyon kung saan may biglang tumakbo na may takip na itim na balabal ang kaniyang mukha.

Halos mapatalon ako sa gulat ng may humawak sa balikat ko "you okay?"

Tumingin ako kay Gley at nang bumaling ako sa loob ay nakakunot na ang noo ng dalawa sa akin habang nakahalukipkip.

Tipid akong ngumiti at tumango.

Calm down, sai. Relax. Wala lang ang mga bangongot na iyon. Everything is just a nightmare, kahit kailan ay hindi iyon mangyayari sa ngayon o sa mga dadating pang panahon. Walang dahilan para paslangin ang mga nilalang sa lugar na ito kaya kahit kailan ay hindi ko magagawa ang lahat ng nasa panaginip ko.

Hindi ko kayang pumatay ng mga inosente. Ayaw kong makita ang dugo nila sa mga kamay ko o kahit na maramdaman ito.

Hanggang sa makapasok kami sa palasyo ay hindi ko magawang kumalma. Para akong hinahabol at patuloy ko itong tinatakbuhan. Isa itong reyalidad na hindi ko pa lubusan na tinanggap.

Nang makarating ako sa kuwarto ko ay agad akong bumagsak sa sahig.

Paano kung mangyayari nga 'yon? Paano kung ako ang nga ang tatapus sa kasayahan nila? Ang mga batang nagsasayahan at naglalaro, mga nilalang na masayang nag bibinta at ang iba na nagsasaya sa daan.

Ako nga ba ang tatapus sa mga iyon?

Nanghihina ako habang iniisip kong sa mga kamay ko sila matatapus.

Paano kung ang panaginip na iyon ay isang hinaharap na pinapakita sa akin?

J E A N Y Y Y

Our Lifeless Love (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon