RODRIGUEZ SISTERS

3.7K 41 6
                                    


Isang maganda at maaliwalas na araw na naman ang bumungad sa mansion ng Rodriguez. Ang pamilya na kilala ng lahat dahil sa angking pagiging matulungan nito sa syudad na kanilang sinasakupan. Pero lingid sa kaalaman nila kung ano ba talaga ngyayari sa buhay ng mga Rodriguez.

"Beth wake them up"

utos ng hindi pa naman ganon ka tandang lalaki na may hawak na dyaryo sa isang matanda nilang kasambahay.

"masusunod po senyor"

Sinunod naman ng kasambahay ang utos sa kanya ng kanyang amo. Tinawag niya ang 5 nitong kasamahan at inutusan ang mga ito na isa isang gisingin ang mga amo nila. Nagmistulang karera ang pag akyat nila sa mahabang hagdan papunta sa kwarto ng amo nila.

Sabay sabay nilang kinatok ang pintuan ng kanilang amo. Makailang katok na sila pero hindi parin bumubukas ang pinto kaya ginamit na nila ang hawak nilang spear key para makapasok sa loob ng kwarto ng mga ito.

"magandang umaga po senyora" sabay sabay rin nilang bati sa mga amo nila na ngayon ay ang himbing parin ng tulog.

Hinawi na nila ang kurtina na nakatakip sa malaking bintana sa ganon ay masinagan ng araw ang kanilang amo.

"ano ba! Can you close that fucking curtain.!" hindi maiwasan ni Lisa ang inis sa katulong na bumukas ng kurtina.

"oh.. Gohh.. Can you give me at least 30 more minutes to sleep?" reklamo naman ni freen sabay talukbong ng unan sa mukha niya.

"dude.. My eyes hurt can you close it!" bumaling naman sa kabila si Lux sa ganon hindi mataman ng sinag ng Araw ang mukha niya.

"wait what? Umaga na kakauwi ko pa nga lang" napabuntong hininga na lang si engfa dahil hindi siya makapaniwala na umaga na naman na.

"don't you dare open that curtain" napalunok naman ang kasambahay sa sinabi ni faye. Hindi na nito nagawang buksan ang kurtina sa takot na mapagalitan siya ni faye.

"pinapatawag na po kayo ng papa niyo senyora" nanginginig na sambit ng kasambahay kay faye.

"I don't care" sagot nito sa kasambahay sabay talukbong ng kumot.

Wala namang magawa ang kasambahay hinayaan na lang niya ito. Lumabas ang kasambahay na dismayado. Napatingin siya sa ibang kasambahay na kakalabas lang din ng kwarto ng iba pa nitong amo kagaya niya dismayado rin ang mga ito.

Bumaba na sila para e report kay Beth na ayaw pang tumayo ng mga amo nila. Sa hagdan pa lang napansin na ni Beth ang mga mukha nila kaya napabuntong hininga na lang ito.

"senyor ayaw pa pong bumangon ng mga anak niyo"

Napasinghap naman ang lalaki sa narinig niya mula kay Beth. Ibinaba nito ang dyaryo na binabasa niya at kinuha ang isang walky talkie sa guard nito na nakatayo sa tabi niya.

"I will count to ten at kapag hindi pa kayo bumaba rito alam niyo na ang parusang matatanggap niyo"

"10"

"9"

Bawat kwarto ng anak niya ay merong speaker at ng marinig ito ng mga anak niya agad na silang nag si tayuan at dali daling bumaba.

"3"

"2"

"1"

Nag si upuan naman sila sa upuan. Lahat sila ay napapahilot ng leeg nila. Sinuri naman ng lalaki ang mga anak niya ngunit kulang sila ng isa.

"where is faye?" Nag kibit balikat naman ang apat.

"chill I'm here" wala namn sa mood si faye na umupo sa tapat ng ama niya.

QUERENCIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon